Magkahawak kamay silang naglakad sa gilid ng baybaying dagat malapit sa isang parke. Hawak hawak ng kaliwang kamay ni Yani ang isang pumpon ng pulang rosas na bigay sa kanya ng nobyo.Alas siyete na ng gabi,nagpasyahan nilang mamasyal sa tabing dagat sapagkat gusto nilang pagmasdan ang bilog na buwan.Huminto sila sa may upuan na kahoy at nagpasyang umupo muna. Tanaw nila di kalayuan ang isang mamang nagtitinda ng fishball, nagkatinginan pa silang dalawa sabay napatawa.
"Namiss kong kumain ng streetfoods"..wika ni Yani.
"Ako rin baby.Sabi ko na nga ba eh pareha tayo ng iniisip.ano pang hinihintay natin tara!!".
game namang sabi ni Dim.Tumayo silang dalawa at masayang tinungo ang vendor para bumili.Tuwang tuwa naman ang mamang vendor habang pinagmamasdan sila nitong kumakain.Nang matapos ay nagbigay ng limang daan si Dim dito.Susuklian na sana siya nito ng magsalita ang binata.
"Huwag niyo na po akong suklian manong sa inyo na ho yan. Dagdag kita niyo na po para sa pamilya niyo".nakangiting wika ng binata dito.
"Naku,maraming salamat iho. Napakabuti mo malaking tulong ito sa mag ina ko".sabi nitong halata sa mukha ang saya.
Tumango lang ang binata dito habang nakangiting pinagmasdan lang ng dalaga ang dalawang lalake.Tama ang mamang vendor napakabuti nga ng kanyang nobyo.
"Pagpalain sana kayo ng Diyos iho,kayo ng babaeng mahal mo"..dagdag pa nito sa kanila bago pa sila umalis.
Pabalik na sana sila sa pwestong kinauupuan nila kanina nang biglang umihip ang hangin at sumama ang panahon. Saglit pa ay bumuhos nga ang ulan.Wala silang makitang masilungan kaya naman ay nagpasya na silang maligo nalang sa ulan habang pabalik sa sasakyan ni Dim. Malayo kasi sila kung saan nakaparking ang sasakyan ng binata.
Habang nasa biyahe na sila para ihatid si Yani sa apartment nito ay hindi parin tumigil ang ulan sa halip ay lalo pa itong lumakas.
"Sayang hindi natin masyadong na enjoy pagmasdan ang buwan mas enjoy pa yata natin ang ulan eh.."nakangiting wika ni Yani sa binata.
"Okay lang yun baby ang importante nag enjoy parin tayo pareho."hinalikan ng binata ang kamay ng dalaga na hawak hawak ng kanang kamay nito.
Dahil parehong silang basa ay ramdam na nila ang sobrang lamig sa katawan.Akap akap na na ng dalaga ang sarili niya.
"Baby come near with me.. sandali nalang malapit na tayo sa apartment mo."sabi ng binata dito.
Lumapit naman sa kanya ang dalaga at niyakap siya nito.Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng apartment ni Yani.Agad silang bumaba at pumasok sa loob ng bahay.Naiwan naman ang binata sa sala ng umakyat sa kwarto nito ang dalaga para kumuha ng damit pamalit nila.Buti nalang may tshirts at short sa cabinet niya na naiwan ni William nung minsan dumalaw ang magtiya sa kanya.
Bumaba na siya ng pagmasdan niya ang hitsura ng nobyo. Basang basa din ito gaya niya.Magulo ang buhok na tumutulo pa ang ibang hibla sa mukha nito.Kitang kita niya rin ang matipunong katawan nito sa manipis na suot nitong polo shirt.Lalo itong gumwapo sa paningin niya. Naakit tuloy siyang yakapin ito sa ganitong ayos, natatawang sabi niya sa sarili.Lumapit siya dito at inabot ang dala niyang damit at short sa nobyo.
Agad niyang hinubad ang basang damit at short sa harapan ng dalaga kaya naman ganun nalang ang gulat nito.Natakpan na ng dalaga ang mga mata nito gamit ang kamay nito na hindi naman talaga nakatakip masyado sa mata nito.
"Hey yab's wag kanang magtakip diyan hindi kapa ba sanay sa ganda ng katawan ko??" tumatawang sabi ng binata dito.
Tinanggal naman ng dalaga ang kamay niyang nakatakip sa mata nito.Naiwan naman pala ang boxer short ng binata.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...