Chapter 13

35 2 0
                                    

Kasalukuyang nasa istasyon si Yani ng dumating ang kaibigan niyang si Jessie.Nabigla man ay binati niya ito.


"Jessie napasugod ka ata."
nakangiting wika niya dito.


Tumawa ito ng mahina sa
sinabi niya.Nag pout pa ito.


"Gusto kasi talaga kitang makausap.Hingi lang ako ng depensa sayo noong nakaraang linggo.Pasensya kana Yani ha dahil pa yata sa akin kaya mo nakita si Dim at ang babae niya."
mahabang paliwanag nito.


"Ayos lang yun ginusto ko rin naman na makita siya diba?
Wala naman akong sinisi kundi ang sarili ko."wika niyang nakangiti parin.


"Thank you talaga Yani ha..
Dahil diyan treat kita for late dinner,okay ba??"



Lalo pa siyang napangiti sa tinuran nito.Dahil paalis narin naman siya pumayag na siya.
Sabay na silang lumabas ng istasyon at  agad na sumakay
sa kotse nito.













"Sir Dim may gusto pong kumausap sainyo andito po siya sa labas.Miss Yani daw po. Can i let her come?" bungad sa kanya ng sekretarya sa kabilang linya.



"No.Just tell her im busy bye."
walang gatol niyang sagot dito.


Huminga pa siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok dito ang dalawang babae.




"Sorry po sir.Nagpupumilit po kasing pumasok ang babaeng ito hindi ko po siy-----



"Fine it's okay.Please go back to your work miss Beth." putol niya sa sasabihin ng sekretarya niya at pinaalis na ito.





Nanatili namang nakatayo si Yani at bahagya pa itong nakangiti ng sulyapan niya ito.






"Look im so busy and i don't want anyone can make me disturb so please leave."
matapang na sabi niya dito.




"Sorry hindi ko naman balak na istorbohin ka.Pumunta lang talaga ako dito para ibigay sayo ito.." sabay lahad nito sa kanya ng isang paper bag sa maliit na mesang katapat niya.




"What is that.?"
kunot noong tanong niya dito.



"Lutong ulam,kare kare at
lechon kawali plus rice narin.
Naisip ko kasing baka namiss mo ang pagkaing iyan kaya dinalhan na kita.Pasensiyahan mo na kung hindi ganoon kasarap hindi kagaya ng mga  luto mo.."
sabi nitong nakangiti pa sa kanya.




"Kaya kong kumain sa mamahaling restaurant kung gugustuhin ko kaya hindi ko kailangan ang mga iyan.
Besides my lunch meeting ako ngayon kaya sayang lang yan. Kung gusto mo ibigay mo nalang sa sekretarya ko."wika niyang hindi ito sinulyapan.




"Ganun ba,eh dalhin mo nalang sa bahay mo at initin nalang para makain mo kagabihan.."




Naiinis na sinulyapan niya ito.
Bakit ba napakakulit ng isang ito! Hindi ba talaga siya nito tatantanan??



"Yani please umalis kana.
At ayaw ko ng pumupunta ka dito sa opisina ko.Hindi kaba makaintindi na ayaw na kitang makita?"deritsong sabi niya dito.


Bahagya pa itong nakayuko pero mayamaya pa ay tumango ito.



"Hindi parin ako susuko Dim."
matatag na wika nitong bago tumalikod para umalis.





Sh**!! Pasalampak pa siyang sumandal sa upuan pagkalabas nito.Bigla sumakit ang ulo niya sa nangyari.Akala niya titigilan na siya nito ng makita nito ang tagpong iyon sa bar..Ilang linggo narin kasi ang nagdaan na hindi ito nagparamdam sa kanya kaya panatag na siyang hindi na ito ipipilit na magkabalikan sila.




Please Stay With MeWhere stories live. Discover now