Dim's POV
Tahimik lang ang naging byahe namin pabalik ng Manila.Tulog naman ang mga bata sa tabi ng Yayang si Aling Tess.Hindi parin mawala sa isip ko ang pagkikita naming muli kahapon ni Yani.
Ramdam kong nandoon parin ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.Kahit sabihing nakangiti ito sa akin o mas magandang sabihing nakangiti ito sa anak
ko ay nasa mukha parin nito ang matinding emosyon.Emosyon na hindi ko kayang bigyan nang kahulugan.Nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Amy.Lumabas ako ng sasakyan para kargahin ang anak nitong si Terdy na tulog parin.
Naibaba ko na ang bata sa kama nito at inayos ko pa ang higaan nito tsaka ko ito kinumutan."Dim.."
rinig kong tawag sa
akin ni Amy mula sa likuran."Aalis na ako Amy."
mahinang sabi ko sa kanya."Salamat sa paghatid.
Huwag mo ng masyadong
isipin ang nangyari kahapon ng sa ganun hindi ka nahihirapan."
sabi pa nito sa akin na ikinatahimik ko.May alam ba si Amy sa
muling pagtatagpo namin
ni Yani sa Tagaytay?"Nakita ko ang tagpo kahapon
sa dulong bahagi na yun nang pasyalan.Ang pagkikita niyong muli ni Yani.At ang ginawa mong katakotakot na paghahanda para sa isang dinner na yun sa resto."Hindi ko alam kong ngitngiti ba ako o maiinis sa mga sinasabi sa akin ngayon ng babaeng kaharap ko.Lakas talaga ng radar ng isang ito.Hanep sa lahat ng malupit!
"Huwag mo ng itanong
kung paano ko nalaman.Kilala mo ako Dim daig ko pa ang NBI kung makasagap ng balita ahaa."
tumawa pa ito ng mahina sa pagkakasabi nun."Bilib na talaga ako sayo.
Pero salamat sa pagpapaalala.
Namiss ko lang talaga siya kaya ako na ang nagprisentang nag handa lahat ng pagkain nila.""Oo nga eh sa sobrang pagka
miss mo sa kanya ginawan mo pa talaga siya ng special cake."
pang aasar pa nito sa akin.Suko na ako sa haba ng antenna nito sa ulo.Pati ba naman iyon ay nalaman nito.Bilis makasagap ng balita.Talo pa nito si Kuya Kim.
"Bakit hindi kana lang
naging private investigator
sa lagay na iyan huh,Amy??"
biro ko nalang dito."Hayaan mo itry ko."
At sabay nalang kaming nagkatawanan sa mga walang kakwentang kwentang bagay na aming napag usapan.
"Hindi nga Dim ang totoo,
namiss mo lang ba talaga siya
o baka naman dahil hanggang
ngayon mahal mo par---""Huwag mo ng ituloy Amy."
putol ko sa sasabihin sana nito."Gusto kong malaman Dim.
Baka naman eh umaasa ka parin sa isang relasyon na alam mong hinding hindi na mangyayari."Hindi ako nakaimik sa sinabi
na iyon ni Amy.Sapol ako doon
ah! Ano nga ba?Kahit maski sa sarili ko ay naguguluhan ako.
Alam kong mali pero sadyang sutil ang puso ko pagdating kay Yani.Si Yani na kapatid ko."Huwag mo na nga palang sagutin.Alam ko na ang sagot.
Natatakot ako para sayo Dim sa totoo lang.." ramdam ko ang senseridad sa mga sinabi nito
sa akin.
BINABASA MO ANG
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...