Chapter 15

28 1 0
                                    

Mukha ng tiya Maming niya ang una niyang nakita pagkagising.
Ramdam parin niya ang sobrang sakit sa katawan.Na kahit ang pagmulat ng kanyang mata ay hirap siya.




"Yani anak Diyos ko buti gising kana.Kumusta ang pakiramdam mo?"agad na tanong nito sa kanya.





Pilit siyang ngumiti rito kahit na ang totoo ay hirap na hirap siya.
Ayaw niyang mas lalo pa itong mag alala sa kanya.



"Okay na po ako tiya."
wika niya sa paos na boses.



Hinawakan nito ang kamay niya habang hinaplos naman nito ang ulo niya.




"Sobra kaming nag-alala ng makatanggap kami ng tawag na may nangyari sayong masama kaya ka dinala dito sa ospital."
luhaang sabi nito sa kanya.




Hindi narin niya napigilang mapaluha ng makita itong umiiyak.Pakiramdam niya lahat na ng masasakit na nangyari ay sinalo na niya.



Nasa ganun silang tagpo ng bumukas ang pinto at niluwa roon ang doktor na kasama ang isang nurse.




"Im glad na gising kana miss Salmoro but sorry to tell you na nalaglag sa sinapupunan niyo ang baby mo."agad na sabi nito.



Agad siyang napaluha sa tinuran ng doktor.Hindi niya matanggap na wala na ang baby niya.



"Dok,ang ibig niyo po bang sabihin buntis ang pamangkin ko?"naguguluhang tanong ng tiya niya dito.




Napatingin naman ang doktor sa kanya at nasa mukha nito ang pagtataka.Pero nagsalita rin ito pagkaraan.



"Yes misis.
Six weeks na po sana ang pinagbubuntis ng pamangkin niyo."wika ng doktor.



Napatingin naman sa kanya ang tiya niya at mabilis siya nitong niyakap habang lalo pa itong na paiyak.


"Misis kailangan niya po ng magpahinga.Maiwan ko na kayo."paalam nito sa kanila.



"Diyos ko Yani ba't dimo
sinabi sa akin ang kalagayan mo.
Eh di sana naalagaan ka namin ng pinsan mo."umiiyak paring wika nito.



"Sorry po tiya..
Balak ko naman pong sabihin sa inyo kaso nangyari nga po ito.."
luhaang wika niya dito.



"Alam ba ito ni Dim.?"
pagkuwan tanong nito sa kanya.



Mabilis siyang umiling.
Sa pagkarinig niya sa pangalan nang binata ay lalo pa siyang napahagulhol.Akala niya ang pagkawala nito sa buhay niya ang pinakamasakit na sa lahat pero may mas masakit pa pala dito.Yun ay ang katotohanang wala na ang baby niya.




"Tiya ang baby ko nalang ang meron ako.Kailangan ko siya, hindi ko pa nga siya nakita o nahawakan man lang please tulungan niyo po akong ibalik siya sa akin please tiya."wala sa sariling wika niya dito.



Lalo pa siyang niyakap ng tiya niya.Sobrang nahabag ito sa kalagayan niya ngayon.



"Yani anak tama na hindi na natin maibabalik ang buhay ng anak mo.Huwag mong sabihing nag iisa ka dahil andito kami ni William hindi ka namin iiwan."
pang aalo nito sa kanya.













Dalawang araw na siya dito sa ospital at ang sabi ng doktor ay bukas makakalabas na siya.
Tulalang napatitig lang siya sa kisame.Nag iisa lang naman kasi siya.Nagpaalam lang saglit ang tiya niya para bumili ng pagkain.


Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang kaibigang si Fanie.



"Ganda ohmyGod sobra mo akong pinag alala.Sorry huh kung ngayon lang ako nakadalaw kanina ko lang din kasi nalaman.
Kumusta kana? Imean kumusta na ang pakiramdam mo.?"
sunod-sunod na tanong nito.



Please Stay With MeWhere stories live. Discover now