Chapter 10

39 2 0
                                    

Kanina pa nakatitig si Yani sa cellphone niya.Sabado ngayon kaya nasa apartment lang siya.Dalawang araw ng walang paramdam sa kanya ang nobyo.Simula nung gabing sabi nitong magdidinner ito kasama ang pamilya ay hindi na niya ito nakita o nakausap manlang sa phone.


Nag aalala na siya para dito.Hindi nga rin niya alam kong pano siya nakatulog sa nagdaang gabi.Nagsimula na siyang kabahan na isiping baka may nangyaring masama dito.




Nang biglang magring ang phone niya.Tiningnan niya ito at baka si Dim.Agad naman siyang nadismaya ng makita sa screen ang pangalan ng tumawag.



"Hello.."
walang siglang bati niya sa kabilang linya.



"Heyy girl ang aga aga ang lungkot ng boses mo,hindi parin ba tumawag sayo si Dim?"



"Hindi pa nga eh nag aalala na ako.."wika niyang maiiyak na.



"Sshhh..gusto mo puntahan natin sa condo niya o di kaya sa kanila sasamahan kita wait lang magbibihis lang ako at pupunta na ako diyan.."




Hindi na siya hinintay na makasagot pa at pinutol na nito
ang tawag.



Papunta na sila ngayon sa condo ng binata gamit ang kotse ng kaibigan niyang si Fanie.Buti naman at pinagamit ng mama nito ang kotse sa kanya.




Nang makarating na sila sa condo ng nobyo ay agad niyang binuksan ito gamit ang duplicate key.Malaya naman kasi siyang makakapasok sa unit nito. Pagkabukas palang niya ng pinto ay tumambad sa kanila ang magulong sala.May bote pa ng alak sa ibabaw ng mesa at mga upos ng sigarilyo.



Kinabahan siya.Kailan pa natutong uminom at magsigarilyo ni Dim?? Agad niyang tinungo ang kwarto nito ng makitang pati sa loob nito ay magulo rin.Hinanap niya ito sa buong kwarto pero wala siyang makitang anino man lang ng nobyo.Hindi na niya napigilang mapahikbi.




Naramdaman niya ang paghagod ng kamay sa kanyang likod.
Si Fanie nakasunod na pala sa kanya.Humarap siya dito para yumakap.Niyakap din siya nito na patuloy parin ang paghagulhol niya.




"Girl tama na yan..
Nahihirapan din kasi akong nakikita kang ganyan eh.May isa pa tayong option.Puntahan natin ang bahay nila baka andun lang siya.."pang aalo ng kaibigan sa kanya.





Pinahid niya ang mga luha niya tsaka pilit na ngumiti rito.Tama nga ito may chance nga na andun si Dim sa tahanan nito.Agad na silang kumilos para makaalis na.
Medyo may kalayuan din kasi ang tahanan ng pamilya ng nobyo.




Habang nasa biyahe ay panay parin ang pindot ng dalaga sa phone niya.Wala siyang kakatigil sa pag dialed ng numero ng binata.Unattended parin ito gaya ng dati.Ilang libong messages narin ang se-nend niya sa pagbabasakaling mabasa manlang nito ang mensahe niya para dito.




Muntik pa nga niyang maibato sa  labas ng bintana ang hawak niyang cellphone.Nang gigigil na siya !Mababaliw na siya sa kakaisip kong paano niya makakausap ang nobyo!



"Girl relax kalang diyan okay? please baka hindi tayo makaabot ng buhay nito sa pupuntahan natin.." sabi ni Fanie sa kanya.



Napalingon siya dito.Alam niyang sinubukan lang nito na kalmahin siya.Pinagsasalamat niyang may kaibigan siyang kagaya nito.Ngumiti na siya.


"Thankyou ganda huh buti andiyan ka dahil hindi kona alam ang gagawin ko.."



"Sus ayos lang yun noh!
Malalagpasan morin ito girl.
Basta ba ipaubaya muna sa akin si sir Harold eh.." wika nitong kinikilig.


Please Stay With MeWhere stories live. Discover now