Chapter 32

13 1 1
                                    

Dim's POV

"Yani where are you going?!"
malakas na tawag ni Jessie sa dalaga.

Pero tuloy tuloy parin ito sa pagtakbo mula sa aming lahat.
Akma na sanang susundan nang kaibigan kong si Jessie si Yani ng pigilan ito ni Gino.

"Hayaan mo na siyang makapag isip Jess.Mas okay kung si Dim na ang sumunod sa kanya." wika ni Gino dito bago bumaling sa akin.

"Pero baka may mangyaring masama kay Yani.She don't even know this place.Baka mapa--"

"Walang masamang mangyayari sa kanya okay?"putol ni Gino sa sasabihin pa sana ni Jessie.

"Oh ikaw pare ano pang tinatayo tayo mo diyan? Sundan mo na si Yani at ng magkaayos na kayong magkapatid.Sige na.Kami muna ang bahala dito."sabi naman sa akin ni Gino.

Kahit ako ay tulala parin sa mga nangyari kanina.Ni hindi ko nga magawang ihakbang ang mga paa ko para habulin si Yani.Hindi ko inaasahang kainin ako nang kaba at takot ko sa sarili ng muli ko siyang makaharap kanina.

"What did you say Gino.
Magkapatid?Sino? Si Dim at si Yani?Are you serious?!" sunod sunod na tanong ni Jessie sa kaibigan naming si Gino.

Napabuntong hininga nalang si Gino na tiningnan muli si Jessie. Ang dalaga naman ay halata sa mukha ang pagkagulat.

"Yes Jess im serious.
Magkapatid sa ama sina Dim at Yani."mahinang sabi ni Gino.

Kita ko pa ang paglaki ng mga mata ng kaibigan ng marinig nito ang sinabi ni Gino.Marahil maski ito ay hindi makapaniwala sa nalaman.

"Kailangan ko ng hanapin si Yani.
Baka nakalayo na yun mula rito."
paalam ko sa mga ito.

Halos sampung minuto na akong naghahanap pero hindi ko parin makita ang dalaga.Halos nalibot ko na ang buong paligid pero di ko parin ito nakita.Pabalik na sana ako sa cottage namin nang makasalubong ko ang isa lalake na empleyado ng resort.Nakilala ko ito base sa suot nitong damit.

"Excuse me.Itanong ko lang sana kung may napansin kang babae na nakasuot nang kulay pulang dress.Matangkad at maganda."
hindi ko mapigilang mapangiti sa binigay kong deskripsiyon sa dalaga.Eh sa totoo naman ang sinabi ko bakit ba.

"Baka po yung hinahanap niyo eh yung babaeng nakaupo doon sa maliit na kubo sa dulong parte ng farm.Nasa kaliwang bahagi po yun sir."magalang na sabi nito sa akin.

Buhat sa narinig ay mabilis akong nagpasalamat dito at umalis.Pinuntahan ko kaagad ang sinabi ng lalake.Ilang minuto
pa ang tinakbo ko ng makita ang maliit na kubo.Halos kumawala ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito ng makita ko si Yani na nakaupo sa upuan na yari sa kawayan.

Nang tuluyan na akong makalapit ay dun ko nakitang nakapikit pala ito habang nakasandal sa upuan.Nabibingi na ako sa lakas ng tahip nang dibdib ko.Ilang sandali pa ay nagpasya na akong lapitan ito para kausapin.

"Yani.."
mahinang tawag ko sa pangalan ng dalaga.Abot-abot parin ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

At halos nahigit ko ang aking hininga ng dahan dahan itong dumilat at nagkasalubong ang aming mga mata.Nakita ko pa ang iilang mga butil ng luha na mabilis nitong pinunasan gamit ang kamay nito.Kusang naglakad ang mga paa ko papalapit dito.
At namalayan ko nalang ang sarili kong lumuhod paharap kay Yani habang umiiyak..

"Yani.."muli mahinang tawag ko dito.Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang nerbiyos.Halos hindi ako makahinga.

"Im so sorry..sa lahat lahat ng nagawa ko saiyo noon.Sa pag iwan ko saiyo ng walang sapat na rason.Sa paglihim ko saiyo ng katotohanan.Sa mga masasakit na salita na nasabi ko saiyo. Maniwala ka Yani hindi ko gusto ang talikuran at saktan ka noon.
Patawad dahil naging duwag ako sa mga panahong yun.Im really sorry..Sana mahanap mo sa puso mo ang patawarin ako.."

Please Stay With MeWhere stories live. Discover now