Chapter 14

34 3 0
                                    

Yani's POV


Sakay ako ngayon ng taxi papuntang condo unit ni Dim.
Siguro naman maabutan ko siya doon.Buo na ang pasya kong aaminin sa kanya na buntis ako.
Hindi naman niya siguro ako ipagtabuyan.Basta bahala na.

Baka hindi nga pa niya nabuksan ang box na ibinigay ko sa kanya.
Naalala ko pa ang binigay kong lutong ulam sa kanya nung isang araw.Akala ko pa nman matuwa sya sa ginawa ko pero hindi pala.



Kitang kita ko kung paano niya ito bitbit palabas ang bigay ko sa kanyang paper bag.Ibinigay niya ito sa mamang naglalako ng mga paninda sa labas ng opisina nito.
Pakiramdam ko nun wala na ako talagang halaga kay Dim.


Pero naisip ko bigla ang maliit
na box na dapat ibigay ko sa kanya.Kaya agad kong nilapitan ang mamang pinagbigyan nito ng paper bag.

flashback

"Manong excuse me po,pwede po bang humingi ng pabor sa inyo?"
tanong ko dito.

Mukhang nagulat naman si manong pero agad ding ngumiti.

"Ano naman iyon,iha.?"
tanong nito sa akin.


"Kasi po yang paper bag sa akin po galing iyan."turo ko sa kanya sa hawak niyang paper bag.


"Kukunin mo ba ito sa kin.?"
tanong uli nito.


Ngumiti ako dito.


"Hindi naman po.May maliit na box po kasi diyan kasama ang mga pagkain,pwede po bang paki bigay niyo po ito sa lalakeng nagbigay sa inyo niyan kanina.?"
pakiusap ko dito.

Tiningnan nito ang loob ng paper bag at kinuha mula rito ang isang maliit na box.


"Ito ba iha.?"
tanong nito sa akin.

"Opo manong.Okay lang po bang pakibigay ito sa kanya?"

"Makakaasa ka iha na makakarating ito sa binatang yaon."pangako naman nito sa akin.

"Salamat po."
Sabi ko dito tsaka nagpaalam.


end of flashback



Malungkot akong napailing
nang maalala ko ang araw na yun. Sana kinuha nito ang box
at binuksan nito ang laman nun. Pero sa tingin ko ngayon hindi niya ata pinagkaabalahang buksan iyon dahil wala paring Dim ang lumapit sa akin para kumustahin ang kalagayan ko.



















Pagpasok ko pa lang ng building ay dumeritso na ako sa elevator.
Pinindot ko ang #3. Ng bumukas yun ay mabilis akong naglakad papuntang unit nito. Nasa tapat na ako ng pinto ng marinig kong may nag uusap sa loob.

Nagpasya akong kumatok
kesa naman buksan ko ang pinto gamit ang susi nito na hanggang ngayon ay hawak ko parin.

Narinig kong tumunog ang siradura nun kaya tumayo ako ng maayos.Salamat naman at agad akong pinagbuksan sabi ko pa sa sarili ko.Pero nagulat ako ng makilala ko ang nagbukas sa akin ng pinto.


"Yes.?"
tanong nito sa akin.




Hindi ko malaman ang isasagot ko.Pakiramdam kong natuyo ang lalamunan ko kaya hirap akong magsalita.



"Miss nagkamali ka ata ng room na kinatok." patay malisyang sabi nito sa akin.



Tumaas ang kilay ko sa narinig mula rito.Mukhang nagkunwari pa ang babaeng ito na hindi ako kilala.Samantalang ako nga hindi mawala sa utak ko ang mukha nito!


Please Stay With MeWhere stories live. Discover now