Abalang abala siya noon sa paghuhugas ng pinggan sa kusina ng biglang may tumakip sa dalawang mata niya.Ngumiti lang siya,alam niya na kung sino yun.Hindi na niya alintana ang kamay niyang puno ng bula humarap siya dito sabay tinalsikan niya ang mukha nito.Gaya ng dati hinayaan lang siya nito sa ginagawa niya.Pero iba sa araw na iyon,kahit na nakangiti ito hindi yun umaabot sa tenga.May problema kaya ito?Hindi niya maiwasang kabahan.At nakita nga niyang sumeryoso ito.
"Can we talk,Yani?" tanong nito sa kanya.
"Tungkol saan? parang iba ka ngayon ah may problema ba?" tanong niyang pabalik dito.
"Pwede bang sa ibang lugar tayo mag usap? tapusin muna natin ang trabaho mo at pupunta tayo sa baybaying dagat.."wika parin nito.
"Okay.."sabi niya at tinapos na nila ang hugasin at nagpaalam saglit sa tiya na pupuntang dalampasigan.Tahimik parin ito habang binaybay nila ang daan. Nakarating na sila at umupo sa may buhanginan..tsaka ito muling nagsalita.
"Yani,matagal kong pinag isipang mabuti ito..maniwala ka pinigilan ko ang sarili ko sa loob ng mahabang taon na magkasama tayo dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin.."wika nito sa kanya.
Hindi niya ito maintindihan kaya wala siyang masabi nasa mukha lang niya ang pagtataka..
"Yani,mahal kita mas higit pa sa kaibigan matagal na.hindi ko inamin sayo dahil natatakot ako sa posibleng reaksyon mo.Pero alam ko na simula nung unang araw na makita kita ay espesyal kana at lalo ngang tumindi ng naging magkalapit tayong dalawa.Mahal kita Yani,mahal na mahal.."sabay hawak nito sa dalawang kamay niya.
Napatitig siya sa mukha nito nagulat siya hindi niya inaasahan ito.Oo inaamin niyang mahal niya rin ito noon pa.Hindi niya magawang isatinig lahat ng gusto niyang sabihin dito dahil kinakabahan siya.Nakita niyang may dumaloy na luha sa mga mata nito.Nakaramdam siya ng sobrang tuwa! hindi dahil umiiyak ito kundi dahil alam niyang totoo ang nararamdaman nito para sa kanya.Niyakap niya ito at gumanti din ito ng yakap sa kanya.Mahal na mahal din niya si Dim kaya hindi na niya ito pahihirapan pa..Una siyang bumitaw sa yakap nila at nginitian niya ito ng ubod ng tamis.
"Para saan ang mga ngiting iyan?" nakakunot noong tanong nito sa kanya.
"Napakasaya ko Dim..thinking na mahal din ako ng taong mahal na mahal ko..at ikaw yun.Ikaw lang Dim,ang nandito sa puso ko".sabay turo niya sa kaliwang dibdib niya.Umiiyak narin siya.Niyakap siya ulit nito and this time alam niyang ito na ang simula ng bagong yugto ng buhay pag ibig nilang dalawa.
Madilim na ng makabalik sila sa kalenderya.Magkahawak kamay silang pumasok sabay bati sa tiyahin at pinsan niya na abala sa pag aasikaso sa kusina.Kitang kita niya kung paano sila tingnan ng dalawa na magkahawak kamay pero hindi ito nagsalita. Saglit pa ay nagpaalam na si Dim.Doon na siya tinukso ng mga ito. Sabi na nga ba niya tsk tsk..sa isip niya.
"Ate, kayo na ni kuya Dim noh?? uii aamin na yan.."tudyo sa kanya ni William.
Tumingin siya sa tiya niya.Nag aantay din ito na sumagot siya.
"Ehh okie lang ba sa inyo na maging kami ni Dim?? Tiya opo nobyo ko na po siya."sagot niya sa mga ito aminado siyang kinakabahan siya.
"Haaaayyy umamin din.."sabay pang sabi ng dalawa na kinatuwa niya.Sabi na nga ba eh wala siyang magiging problema pagdating sa mga ito.Alam niyang malaki ang tiwala ng kanyang tiya sa kanya kaya tanggap nito ang desisyon niyang makipagmabutihan kay Dim.
"Basta pangako mo sa akin na tapusin muna ang pag aaral mo bago ka mag asawa.."sabi nito sa kanya.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...