Yani's POV
Aminado akong masayang masaya akong nagkasundo na uli kami ni Dim.At kahit hindi ko man aminin sa sarili ay sobra ko siyang namiss.Kaya siguro halos hindi na kami maghiwalay mula pa kahapon.Kagabi nga ay nawili kaming lahat sa kapapasyal sa buong lugar.Hanggang sa hindi na nga namin napansin ang oras. Pasado alastres na pala nang madaling araw.
Nauna namang umuwi si Gino dahil nakatulog na si Terdy marahil sa sobrang pagod.Kaya kaming apat nina Jessie,Amy at Dim ang naiwan sa labas.Hindi ko masabing ayos na kami ni Amy pero kahit papaano naman ay naging pormal kami sa isa't isa.Alam ko rin na nag alangan parin itong kausapin ako.Kaya panay ngitian nalang kami.
Marahil isa sa masayang araw
ko ang naging bonding namin kagabi.Kasama ang mga dati kong kaibigan na magpa hanggang ngayon ay kasama ko muli.Sarap sa pakiramdam na wala na akong iniiwasang tao.
Dahil simula sa araw na yun ay alam kong magiging maayos na ang takbo ng mga buhay namin.Kinabukasan ng umaga ay siya namang pagdating ni Harold.
Umaapaw na lalo ang sayang naramdaman ko.Kaagad ko naman sinabi sa nobyo kong maayos na kami ni Dim.And ofcourse,he was so happy for me.
Pinakilala ko narin siya sa lahat lalo na kay Dim.Malugod naman nilang tinanggap si Harold.Kasalukuyang nasa dulong bahagi kami ng farm ngayon ni Harold.Nakaupo sa upuang yari sa kawayan.Ito yung kubo kung saan sinundan ako noon ni Dim.
Sobra naman akong nalibang sa pagpapakain nang mga hayop kanina na aming nadaanan.At panay naman ang kuha ng litrato sa akin ni Harold.Aliw na aliw nga ito sa akin kanina.Pasado alas dose na ng tanghali nang mapagpasyahan namin ni Harold na bumalik na sa cottage."Honey,salamat huh.."
mahinang sabi ko kay Harold.
Ewan ko ba kusang lumabas lang sa bibig ko ang mga salitang yun."Thank's for what,honey?"
nakangiting tanong nito sa akin habang naglalakad kaming mag kahawak kamay."For always there for me.For making me happy.Sa lahat ng ginawa mo sa akin mula noon hanggang ngayon."nakangiti kong sagot.Iniyakap ko pa ang sarili ko sa matipunong katawan nito.
Gumanti naman ito ng yakap
sa akin at masuyo nito akong hinagkan sa mga labi."I love you so much honey always remember that." sabi nito sa akin.
"I love you too,Harold."
madamdamin kong sabi dito
at patuloy na kaming naglakad pabalik.Nakangiting mukha ni Jessie ang sumalubong sa amin pagkarating namin sa cottage.Agad naman nito kaming niyaya para kumain ng lunch.
"Kayo nalang ang hinihintay namin para maglunch.Saan naman kayo nagdate niyan ha?"
pilyang tanong ni Jessie sa aming dalawa ni Harold."We go to the Zoo."
pabirong sagot naman ni Harold."Wow huh.Is that true Yani?"
sabay baling naman nito sa akin.Natawa nalang ako sa reaksyon ng isang ito.Alam ko namang may gusto lang itong umbukin na ibang tanong.Pilya talaga.
"But anyways,may new comer pala tayo.Ahaha!i mean sister ni Amy sumunod dito.Kararating lang niya kanina."sabi nito sa amin habang papunta na kami sa harap kung nasaan ang hapag kainan.
Napatango nalang ako sa sinabi ni Jessie.Bukod sa wala akong masagot sa sinabi nito ay bigla nalang akong nakaramdam ng kaba na hindi ko malaman kung bakit.Pero nawala rin naman ito agad ng hawakan ni Harold ang kamay ko at pinagsiklop nito ang kamay naming dalawa.Napangiti nalang ako ng wala sa oras.Ang sweet talaga nang boyfriend ko.
Nadatnan naming masayang
nag uusap sina Dim at ang iba pang kasama sa harap ng hapag kainan.Marahil hinihintay nga nila kami para mananghalian.
Pansin ko namang umaapaw ang pagkain na nasa mesa.For sure, inihanda lahat ito ni Dim.Daig pa nga yata ang pagsalubong namin sa bagong taon sa dami nang pagkain at prutas.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...