Yani's POV
Abala ako sa pagtatype ng tumunog ang telepono.Sinagot ko ito at nilagay ko sa tenga na nakaipit sa kaliwang balikat ko habang abala parin sa pagtatype sa computer.
"Hello,good morning this is TNU company speaking.."bati ko sa kabilang linya.
"Yes hello,can i speak to Ms.Salmoro please?"sabi ng lalakeng kausap ko.
"Ms.salmoro,speaking.
What can i do for you sir..??"tanong ko dito."Mr.Harold Gomez on StarFm station.."sagot nito.
Bigla akong nahinto sa pag tatype at umupo ng maayos.Nasa kausap na ang buong atensyon ko.
"Oh hi sir,im glad you call.Am i hired??"deritso kong tanong dito.
Narinig kong tumawa ito.
"Yes,but i want to talk and meet you personally to discuss everything after your work. If it's okay with you Ms.salmoro"..wika nito sa akin.
"Of course sir,i'll be there in the station 5pm"..sabi ko dito na tuwang tuwa.
"Okay then see you Ms.salmoro"..paalam na nito.
"Thankyou sir"sabi kong hindi ko na mapigilang mapatili.
Oh my God!!ito na ang pinakahihintay kong chance kong maging Dj..ngayon palang super excited na ako!Kating kati na ang mga paa kong pumunta ng station.Tiningnan ko ang oras alas tres pa ng hapon may isang oras pa bago ako makalabas sa opisinang ito.
Nang makatapos ako ng kolehiyo ay agad akong naghanap ng trabaho.Sa awa naman ng Diyos ay natanggap ako bilang secretary sa isang broadcasting company.So far,okay naman ang performance ko sa trabaho malaki narin naman ang kinikita ko sapat na para masuportahan ko ang sarili ko at sina tita.Ako narin ang nagpapaaral kay William na sa ngayon ay nasa secondyear college na sa kursong business management.Gusto rin nito na magtayo ng sariling negosyo balang araw.Natutuwa naman ako kay pinsan kasi masipag naman itong mag aral. Kaya panatag akong makapagtapos din ito gaya ko.
Lumipas pa ang isang oras at sa wakas ay tapos na ang oras ng trabaho.Agad akong tumayo at nagpaalam na sa mga kasamahan ko.Nginitian lang ako ng mga ito na abala narin sa pag aayos ng mga gamit para umalis.
Pinara ko ang isang taxi at huminto naman ito sa tapat ko.Agad akong pumasok sa loob."Saan po tayo maam?"tanong sakin ng driver.
"StarFm station po manong sa tapat po ng Snt.Rita College".sagot ko dito.
Tumango lang ito.Habang nasa biyahe ay nagring ang cellphone ko.Nakita ko sa screen ang pangalan ni Fanie,sinagot ko ito kaagad.
"Hello girl,balita ko hired kana ah congratss!!"tumili pa ito.
sabi ko naman sayo ehh kering keri mo"..sabi nito sa kabilang linya na halata sa boses nitong tuwang tuwa."Thank's ganda,i owe you a lot..mwahhh!!!"sagot ko ditong natatawa.Nahawa narin ako sa kasiyahan nito.
"Ano kaba girl effort mo yun noh kaya ka natanggap.ah basta excited na ako for you!! .at bunos pa na madalas na kitang makakasama!!"tili parin nito.
Natawa na ako ng tuluyan sa mga sinasabi nito.Napapailing nalang ako habang binaba ko na ang cellphone.Nagpaalam na ito sa akin dahil oras na nito ang pag ere sa istasyon.Isa itong Dj sa istasyon na kung saan ako magtatrabaho.Ito ang tumulong at nagrekomenda sa akin na mag apply.Noon paman ay pangarap ko ng maging Dj kaya naman masayang masaya talaga ako.Wala namang magiging problema sa trabaho ko dahil sa gabi naman ako mag eere sa radyo.Huminto ang sinakyan kong taxi sa tapat mismo ng istasyon.Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako.
Pinagmasdan ko ang gusali.Maganda ang pagkagawa nito.Halatang pinagkagastusan, halos puro salamin ang bawat bahagi nito na may taas na tatlong palapag.Ito ang pangalawang pagkataon na papasok ako dito.Nung una talagang namangha ako sa loob.Kung gaano ito kaganda pagmasdan sa labas ay higit na mamangha ka sa loob. Ang pagkakaalam ko may mini grocery ito sa 1stfloor at may foodcourt nadin.Nasa 2ndfloor naman ang pwesto ng lahat ng Dj at mga staff nito samantalang ginawang opisina na ng may ari ang nasa ikatlong palapag. Dagdag pa sabi sakin ni Fanie,ang anak na raw ng may ari ang manager ng istasyon ngayon.Mabait daw ito sa lahat na minsan pa ay nakasabayan nila sa canteen na kumain. Pumasok na ako sa loob at tinungo ang elevator. Katahimikan ang sumalubong sa akin pagbukas palang ng elevator.Naglakad ako pakaliwa at hinanap ang asul na pang apat na pinto sa bahagi ng opisinang yun.Nalaman ko ito dahil kay Fanie.Kumatok ako.Agad naman akong pinagbuksan.Isang may edad na babae ang nagbukas ng pinto.Ngumit ito sa akin. Tumugon naman ako."Ikaw na siguro si Ms.salmoro? nag aantay na si sir sayo halika.." giniya ako nito sa may sofa at umupo."Sandali tatawagin ko muna si sir".paalam nito sa akin.Nagkaroon ako ng pagkataong pagmasdan ang opisina nito.Malinis,maayos ang bawat gamit na nakalagay at higit sa lahat mabango.Pumikit pa ako para damhin ang kaaya ayang amoy na iyon, nang may narinig akong tumikhim. Napadilat ako at gulat na napatayo.
"Hi ms.Salmoro,nice meeting you.I'm Harold Gomez the manager of this station."Nilahad nito sa akin ang kamay niya agad ko namang inabot yun at nakipagkamay.Ngumiti ito.
"Im glad that you are here to discuss about your work being a Dj"..dugtong nitong sabi sa akin.
Oh my God!! Sa pangalawang pagkakataon ay humanga ako sa isang lalake bukod kay Dim. Hindi ko akalaing ganito ito ka gwapo.Hindi tuloy ako nakapaghanda!.Makausap nga si Fanie mamaya ahaha natatawang sabi ko sa isipan ko.
Naguilty naman ako sa isipang iyon pakiramdam ko nagtaksil ako kay Dim..haaaaayyy..."Miss salmoro,are you okay??" tanong nito sa akin na nagpabalik sa huwesiyo ko.
"Yes and it's my pleasure to meet someone like you sir."sagot ko dito.
"Good..please sit down miss Salmo.."sabi pa nito.
"Yani nalang po sir kong okay lang po sa inyo.Masyado po kasing pormal ang miss.Salmoro eh,."nakangiti kong wika dito.
Ngumiti naman ito.
Dumating ang babae kanina na may dalang dalawang tasang tsaa.Nilapag ito sa mesang nasa harapan namin.Nakita kong kinuha ng lalake ang isang tasang tsaa at ininom iyon.Kinuha ko narin ang sa akin at ininom.Sa totoo lang hindi ako umiinom ng tsaa pero sa pagkakataong tulad ngayon ay wala akong pagpipilian.Respeto yun yung kailangan.Kaya hindi ko naiwasang mapangiwi ng malasahan ko ang lasa nito.Narinig kong tumawa ang lalakeng kasama ko."Sorry mukhang hindi ka sanay uminom ng tsaa".paumanhin nitong wika sa akin.
Ngumiti nalang ako bilang tugon sa sinabi niya.Nagsimula naman itong sabihin sa akin ang maging trabaho ko.Natapos ang usapan namin mahigit isang oras. Nagustuhan ko naman ang concept ng programa ko sa radyo.Dalawang oras akong eere at uumpisahan ko sa pagkanta ng live ang mga tagapakinig na kung saan ay request ng isang caller na maswerteng una kong handogan ng kanta.At tuloy tuloy na sa pagbabati ko sa lahat ng mag eemail at the same time ay ang pagpatugtog ng love songs..Excited na akong maging Dj.Mag umpisa na ako dalawang araw mula ngayon.
"Congratulations Yani.
welcome to the StarFm station" bati pa nito sa akin."Thankyou sir,"wala na akong masabi sa sobrang saya na naramdaman ko.
"So goodluck and see you on monday night"..wika nitong nakangiti.
Pasado alas otso na ng gabi ako nakarating sa apartment ko.Pumasok ako sa loob at tinungo ko agad ang kwarto ko.Nahiga ako at pinagmasdan ang kisame.Larawan parin sa mukha ko ang sobrang saya.Napabalikwas ako ng may naalala.Inabot ko ang bag ko at kinuha doon ang cellphone ko.Nadismaya ako ng hindi ito nag on.Naalala ko papa lowbat na ito bago ako nagpunta ng istasyon.Kinuha ko agad ang charger at ikinabit ito.Nag antay pa ako ng ilang minuto bago ko binuksan ang cellphone.Naka 5misscall na sa akin si Dim at may 2messages.Binasa ko ang unang message.
"Yab's,sorry hindi muna tayo tuloy ngayon huh may urgent meeting kasi kami sa isang kliyente,promise babawi ako sayo next time".
Binasa ko ang pangalawang mensahe.
"Baby,hindi mo sinasagot mga tawag ko..hope hindi ka nagtampo.Text ka huh pag may time ka.iloveyou yab's😍" ..
Nakahinga naman ako ng maluwag sa mga nabasa ko.Sa sobrang excited ko papuntang istasyon ay nakalimutan kong magkikita pala kami ni Dim.Buti na nga lang hindi ito natuloy.May next time pa naman sabi nga nito.Humiga ako uli at agad na nakatulog.Bukas ko na tatawagan si Dim para ikwento dito ang bagong trabaho ko.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...