2012..
Hindi siya mapakali habang inaantay sa labas ng apartment niya ang pagdating ng nobyo.Sabi kasi nitong susunduin siya para sabay na silang pupunta sa bahay ng pamilya nito.Birthday ng ina ni Dim ngayon at natural imbitado siya.Isang simpleng handaan lang naman daw yun pero kahit ganun ay kinakabahan parin siya.Kompleto daw ngayon ang pamilya nito na malamang may mga ibang kamag anak nito na dadalo kaya naman lalo siyang ninerbiyos.Ito ang unang pagkakataon na tatapak siya sa bahay ng nobyo at ipakilala sa pamilya nito.Oo,unang beses palang kahit na six years na silang magkarelasyon.Naiintidan naman niyang kung bakit natagalan ng ilang taon bago siya ipakilala sa mga ito dahil narin sa pareho itong busy sa mga negosyo.Pero nakikita naman niya ang mga larawan ng mga ito sa internet.Lagi kaya siyang nang estalk sa mga ito.Napapatawa pa niyang isip sa sarili.Ilang saglit pa ay may humintong pulang kotse sa tapat ng apartment niya.Nagtaka siya ng lumabas mula dito ang isang lalake.Nakangiti ito sa kanya.
"Hi im Gino,kaibigan ako ni Dim. Pinapasundo ka niya sa akin". pakilala nito sa kanya.
"Ah ba't ikaw ang sumundo sa akin kakahiya naman sayo.Asan nga pala siya?Nga pala im Yani." sabi niyang nakatitig dito.
"Ayos lang,walang problema.Medyo busy kasi siya kaya hindi ka niya masundo,hindi ba siya tumawag sayo?"tanong pa nito.
Umiling siya.Niyaya na siya nitong sumakay sa kotse.Inaalalayan naman siya nitong makapasok.Gentleman sa isip niya at mukha namang mabait.Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan.
"Siguro nagtataka ka kung bakit ngayon mo lang ako nakita.Matagal na kaming magkaibigan ni Dim.Actually magkababata kami noon.Pero nung maghigh school kami ay nagmigrate ang family ko sa Singapore kaya kami naghiwalay.And after so many years nakabalik nadin ako."tumatawa pa itong sabi sa kanya.
Ngumiti lang siya.Katunayan kasi ay hindi parin nawawala ang kaba niya.Ilang saglit pa ay pumasok ang sasakyan sa isang napakagandang harden na punong puno ng mga bulaklak.Ang ganda!manghang wika ng isip niya.Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganun kagandang harden.Saglit pa ay hininto na nito ang sasakyan.Lumabas ito at pinagbuksan siya. Nagpasalamat siya dito.
"Shall we?".tanong nito sa kanya na paskil parin ang ngiti nito sa labi.
"Yes.."nauutal niyang sagot dito.
"Heeyy are you okay? ".sabay hawak sa kamay niya."ang lamig ng kamay mo,kinakabahan kaba?"..tanong ulit nito.Tumango siya at pilit na ngumiti. Gusto nya sanang magsalita nang may isang tinig ang umagaw ng atensyon nila.Tinawag nito ang kasama niya.Namumukhaan niya ito.Nakangiti naman itong lumapit sa kanila.
"Hoooyy Gino ba't ang tagal niyo baka naman kung saan saan mo dinala tong si Yani ha lagot ka talaga kay Dim!"sabi nitong nakatawa.Tumingin naman ito sa kanya.
"Hi Yani,lalo kang gumanda kaya hindi ako magtatakang baliw na baliw sayo ang kaibigan ko ehee".patuloy parin ito sa pagtawa.
"Salamat.."nahihiya niyang sabi dito.Kahit papano ay naibsan ang kaba niya.Kahit noon pa magaan na ang loob niya dito.Si Jessie ang kaklase ni Dim na pinakilala sa kanya noong hindi pa sila.Ngayon nalang niya uli ito nakita.
"Ikaw talaga Jessie kong anong pinagsasabi mo.Tara na nga sa loob at baka nainip na yun si Dim sa kaaantay."sabi nito sa babae.
"Sinabi mo pa,".lumabi pa ito.
Nilingon naman siya ni Gino.
"Yani,huwag kanang kabahan mababait ang mga tao dito and im sure magugustuhan ka nila tita"..
"Andiyan naman si Dim hindi ka pababayaan nun"..sabi ni Jessie na nakangiti.
Sabay na silang tatlo pumasok sa loob.Maluwang ang loob ng bahay.Malinis itong tingnan dahil halos buong bahay ay napipinturahan ng puti.Ang mga gamit naman ay halatang mga antique na parang nakakatakot hawakan at baka magasgasan.Hindi ito ang bahay na tipikal niyang nakikita o nababasa sa mga libro. Old modern ito na mula pa siguro sa mga ninuno ni Lapu lapu ehee natatawa pa niyang isip.Pero infairness ang ganda parin ng bahay ng kanyang nobyo.Nilibot pa niya ang paningin sa buong kabahayan.Nakasabit ang isang malaking chandelier sa kisame na napapalibutan ng mga gintong ilaw.At ang mga nakasabit na naglalakihang paintings. Napadako naman ang tingin niya sa isang family picture na nakasabit sa gitna ng iba pang maliliit na larawang nakasabit malapit dito.Una niyang pinagmasdan ang mukha ng nobyo sumunod ang ate nito na si Rita.Hindi sila magkamukha ng ate niya. Minsan narin siyang pinakilala ng nobyo dito.Maganda rin ito at mabait naman sa kanya.Sumunod ang ina ni Dim,makikita parin ang taglay nitong ganda kahit may edad na.Napansin din niyang kamukah nito ang ina.Huli niyang pinagmasdan ang ama nito.Paskil nito ang ngiti sa labi na marahil namana dito ng nobyo.Mukha naman itong mabait,pakiramdam pa nga niya ay nakngiti ito sa kanya.
Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanilang ginang.Nakita niyang humalik ang dalawa at bumati dito.Pagkatapos ay sumulyap ito sa kanya.Nagtatanong ang mukha nito.Pero agad din itong ngumiti sa kanya.At kinagulat pa niya na lapitan siya nito at hinagkan sa pisngi.
"Welcome to our home iha,sa wakas nameet narin kita" nakangiti paring wika nito sa kanya.
"Thankyou po maam,magandang hapon.Happy birthday po".sabi niya sa ginang.Nakangiti narin siya dito.
"Thankyou iha,pasensiya kana at hindi ka nasundo ng anak ko may tinapos pa kasi siyang gawin kaya si Gino na ang pinakausapan kong sumundo sayo."wika pa nito.
So ito pala ang nagpasundo sa kanya.Nakahinga siya ng maluwag ngayon.Ang ibig sabihin ay alam na nito ang tungkol sa kanya.Dahil sa nalaman ay tuluyan ng nawala ang kaba niya.Niyaya na sila nitong kumain.Bumungad sa kanya ang mahabang mesa na nakahain ang masaganang pagkain at inumin.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom.Naalala niyang hindi pala siya naka pananghalian. Nakita niya si Rita na nakaupo at katabi nito ang isang gwapong lalake.Agad naman itong tumayo at pinakilala siya nito sa kasama.Tama nga ang hinala niya na nobyo nito ang katabi.Sa bandang kaliwa naman ng mesa ay napansin din niya ang isa pang babae na nginitian siya.Nakilala niya itong si Liza,pinsan nila Dim. Nakaupo na siya pero hindi parin niya nakikita ang nobyo.Ilang sandali pa ay may narinig silang boses na kumakanta galing sa kusina.Niluwa nito ang dalawang lalake.Ang may edad na lalake na hawak nito ang isang cake at katabi nito si Dim na patuloy parin sa pagkanta.Napapangiti nalang siya habang pinagmamasdan ang mga ito.Tama nga siya,mabuting tao ang pamilya ng kanyang nobyo kaya hindi nakapagtatakang lumaki itong masayahin at mabuting tao katulad ng mga magulang nito.Natapos na ang kanta at hinipan na ng mama ni Dim ang cake at sabay na nagpalakpakan.Tuwang tuwa silang lahat.Tsaka pa siya nilapitan ni Dim at tumabi sa kanya.Bago pa mag umpisang kumain ay ipinakilala pa siya nito sa lahat.Ramdam naman niyang tanggap siya ng mga ito.
"Thankyou iha at dumalo ka sa kaarawan ng aking mahal na asawa malaking bagay ito sa amin.And im glad na meet narin kita.Napakaganda mo nga.Kaya hindi na ako nagtaka na nagustuhan ka ng anak ko".nakangiting wika sa kanya ng ama ni Dim.
Sobrang saya naman niya na marinig mula sa ama nito ang mga katagang iyon.Hindi tuloy siya makapagsalita sa sayang nadarama.Kaya binulungan siya ng nobyo.
"Nag aantay kami sa isasagot mo kay papa baby.."nakangiting wika nito ng nilingon niya ito.
"Ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyo sir maam" sabay sulyap niya dito.Sa pag imbita at pagtanggap niyo po sa akin sa napaka espesyal na handaang ito.At sa pagkakataon na makilala at makasama ko po kayong lahat.Thankyou po talaga".mahabang sabi niya dito.
Nginitian naman siya ng mga ito.
"Tito nalang ang itawag mo sa akin iha.."sabi pa ng ama ni Dim.
"Tita naman sa akin"nakangiting tugon naman ng mama nito.
Nagtawanan silang lahat.At masayang itinuloy nila ang pagkain..
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...