"Atlast we're here!!"
Malakas na sigaw ni Jessie pagkadating nila sa kanilang destinasyon.Kanina pa silang dalawa umaga umalis pero heto't pasado alauna na sila nakarating.
Paano ba naman kasi ang magaling na kaibigan niyang ito ay hindi pala kabisado ang daan.
Kaya ang nangyari nagkaligaw ligaw pa sila kanina.Kung saan saan pa sila nakarating.Buti nga lang at hindi sila nasiraan.Well kasalanan iyan ng Location Map na iyan.Yan ang laging sabi ni Jessie kanina.Sinisi ba naman ang site ahaha.Hindi daw kasi malinaw ang bawat direksyon na sinasabi.Tahimik lang din naman siya sa biyahe kasi hindi rin niya kabisado ang lugar ng Rizal.
Disin sana kung kasama lang
nila si Harold ay kanina pa sila nakarating.Sa isang araw pa ang dating ng nobyo at susunod lang daw ito.Kaya nagpasya nalang siyang sumama na nga dito kay Jessie.Atleast di siya ma bored sa biyahe.Kanina pa nga tawag ng tawag sa kanila si Gino kung nasaan na ba daw sila.Nag aalala na ang mga ito.Imbes kasi na dapat sila ang mauna heto nga ang nangyari.
Pero nasabi na nga ni Jessie sa mga ito na on the way na sila.
At sa wakas nakarating na sila.Pinark agad ng kaibigan niyang si Jessie ang sasakyan at kinuha nila ang mga dalang mga gamit sa likod ng kotse.Ng masigurong dala na nila ang lahat nang gamit ay mabilis na silang naglakad papasok sa loob.
"Magandang hapon po sainyo maam.Welcome po sa Farm View Resort.Sana po mag enjoy kayo." nakangiting bati sa kanila ng dalawang babae.
"We will.Thankyou."
magkasabay pa nilang sabi ni Jessie sa mga ito.Natatawa nalang sila pareho.
Pagbungad palang ng resort ay kita mo na ang mga kamangha manghang landscape.Lalong lalo na ang ang ayos ng mga halaman sa paligid.Pakiramdam niyang nasa isang plantation sila ng mga bulaklak nang orchids dahil sa sobrang dami ng mga iyon.Ilang sandali pa'y may nag assist na sa kanila na mga empleyado ng resort.Dala na ng mga ito ang mga gamit nila at iginaya na sila sa kanilang ni-rerent na rooms.
Finally four almost ten minutes ay narating na nila ang cottages na kanilang tutuluyan.Yes mga kubo iyon.Native house na yari sa kawayan at nipa hut.Pero wag ka ang gaganda.Very refreshing.
Nakikinita na niya ang sarili sa pagnamnam ng preskong hangin at ang kaaya-ayang tanawin sa buong paligid.Inaamin niyang beach lover siya at hindi ito ang tipo niyang bahay bakasyunan.
Pero sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pananabik na libutin ang lugar na ito."Jessie ! ikaw na ba iyan?"
malakas na sigaw buhat sa
kung saan."Gino the man sa wakas nagkita rin tayo! Gosh namiss kitang loko ka." natatawang saad naman ni Jessie kay Gino.
Nagkayapan pa ang dalawa sa sobrang tuwa.Ni hindi nga yata alintana ng mga itong nandito rin siya.Tsaka pa siya napansin ng lalake ng dumako ang tingin nito sa kanya.Napangiti siya.
"Oh Jesus Yani andito ka nga.!"
di makapaniwalang sambit nito."Hello Gino,kumusta?"
nakangiting tanong niya.Pero sa gulat niya ay bigla siya nitong niyakap ng napakahigpit.
Nabigla man sa inakto nito ay gumanti siya ng yakap dito.Ilang sandali pa ay masayang mukha nito ang humarap sa kanya."Ayos lang ako Yani eto masaya.
Lalo pang sumaya ng makita ko kayong dalawa ni Jessie.Finally, nagkakasama muli tayo.Na miss ko kayo ng sobra." tila nalukot naman bigla ang mukha nito.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...