Dim's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin.
Naalala kong naparami na naman ang nainom ko kagabi.
Masakit na naman ang ulo ko.
Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi dito sa unit ko.Napapikit uli ako para maalala ang nangyari ng nagdaang gabi.Oo nga pala kasama ko na naman sila Gino at Jessie sa isang bar nang dumating si Amy ang babaeng kakilala ko lang nung isang linggo.Marahil hinatid nga nila ako dito na lasing na lasing.
Sinulyapan ko ang babaeng himbing na natutulog sa tabi ko.
Agad akong napabuntong hininga ng makilala kung sino ito.Si Yani.Dahan dahan akong kumawala sa yakap nito at tumayo.Tinungo ko ang banyo para makapaligo.
Nakabihis na ako para handa ng umalis nang maakit akong pagmasdan muli ang dalagang natutulog parin sa kama ko.
Alam kong sobra ko itong nasaktan sa halos isang buwan na nawala akong parang isang bula.Gustuhin ko mang ipaliwanag sa kanya lahat pero wala akong lakas na loob na gawin yun.Mas makakabuti na nga sigurong hindi na nito malaman ang lahat.Tatalikod na sana ako ng marinig kong nagsalita ito.
"Baby.."
mahinang sambit nito.Nang masigurado kong tulog parin ito ay walang lingon ko na itong tinalikuran.Ang bigat ng mga hakbang ng paa kong palabas ng unit ko.Hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko..
Bago paman ako tuluyang makalayo ay narinig kong may tumawag sa akin.Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kong sino ito.Sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong hininga ako. Narinig kong nagsalita ito.
"Iiwan mo na naman ba ako?"
halata sa boses nito ang lungkot.Hindi ko ito nilingon na sa halip ay humakbang ako para umalis.
"Bakit Dim?
bakit mo ito ginagawa sa akin?"
rinig ko na ang mahinang hikbi nito.Damn!! Ba't ba bigla bigla nalang parang sasabog ang dibdib ko sa naririnig mula rito?Dati ayaw na ayaw kong nakikitang malungkot o umiiyak ito pero ngayon ako pa mismo ang gumagawa ng mga bagay na nagpapasakit dito.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang humarap sa kanya.Kita ko kung paano nito pinahid ang mga luhang patuloy na kumawala sa mga mata nito.
Walang emosyon na tinitigan ko ito."Siguro nga panahon na para makapag usap tayo ng maayos."
Nakita kong napatitig ito sa akin at bakas sa mukha nito ang pagtatanong.
Umupo kami sa sofa.
Iniwasan ko ng mapatitig dito at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ito.Tahimik lang itong nakaupo habang inaantay na magsalita ako."Im breaking up with you Yani and please accept it.."
malamig na sabi ko dito.Nakita kong umiling ito habang napapikit.Mayamaya pa ay narinig ko na ang mahinang pag iyak nito na ngayon ay nakatakip na ang dalawang kamay sa mukha.Alam kong sa mga sandaling ito ay gustong gusto ko ng sapakin ang sarili ko sa ginagawa kong pasakit dito.
"Look Yani---."dugtong ko sana dito ng bigla nalang itong yumakap sa akin na patuloy parin sa pag iyak.
"Please Dim wag mong gawin sa akin ito para mo ng awa..
hindi ko kayang mawala ka.."Pilit ko paring pinatatag ang sarili ko ng sa ganon ay makakaya kong panindigan ang desisyon ko.Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para kumawala sa pagkakayakap sa akin.
STAI LEGGENDO
Please Stay With Me
Storie d'amoreLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...