Yani's POV
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa apartment sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.Halos nagulat pa sina tiya at William ng makita nila ang hitsura ko.Agad akong yumakap kay tiya at lalo lang akong napahagulhol.Hinagod lang nito ang likod ko para pakalmahin.
Pakiramdam ko katapusan na ng mundo nang marinig ko lahat ng masasakit na salitang galing sa lalakeng sobra kong minahal.
Hindi ko rin alam kung saan ko kinuha ang tapang kong sabihin sa kanyang ayos lang sa akin ang lahat at nangako pang hindi ko siya susukuan.Sumakit ang ulo ko sa kakaisip kong anong gagawin ko para bumalik lang sa akin si Dim.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nakaalis na sila tiya at heto nakatulala parin ako. Nakatingin ako sa tapat ng pinto sa pagbabasakaling bumukas iyon at dumating si Dim. Pero kahit siguro abutan ako ng magdamag ay wala ni kahit anino ng binata ang masilayan ko.Napaiyak na naman ako sa naisip.
Buti nalang at sabado ngayon wala akong pasok.At baka pag nagkataon ay absent ako dahil wala sa katinuan ang isip ko.Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya tinungo ko ang kusina para kumain.Nakita ko ang pagkaing nasa ibabaw ng mesa.Marahil niluto ito ni tiya bago ito umalis.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong naligo at nagbihis. Kailangan kong mag isip ng plano kung paano ko kumbinsihin si Dim na balikan ako. Ngumiti ako ng mapait ng makita ulit ang larawan naming dalawa na nasa gilid ng kama. Huminga ako ng malalim.Tsaka nagpasyang umalis.
Tinawagan ko si Jessie ang kaibigan ni Dim. Makipagkita ako sa kanya and thank God pumayag naman ito.
Nakaupo na ako dito sa meeting place namin ni Jessie.Sa isang coffee shop.Ilang minuto pa ay dumating na ito.Agad naman akong tumayo para bumati.
"Hai Yani tama lang ba ang dating ko?."bati nito sa akin sabay beso.
"Yes salamat Jessie at dumating ka.Upo tayo.."yaya ko dito.
Umorder muna kami ng pagkain tapos nagkumustahan.Nalaman ko mula rito na ilang gabi nadin pala silang magkasama ni Dim na pumupuntang bar.
"Sa totoo lang hindi ko nga rin alam kong bakit siya nagkaganun eh hindi naman mahilig sa gimik yun pero nitong mga nakaraang linggo lagi niya kaming niyayaya ni Gino lumabas para uminom at maglasing."mahabang sabi
sakin nito."Wala ba siyang nababanggit tungkol sa akin? I mean sa amin?."
Umiling ito sabay sipsip nito sa iniinom.Pagkuway seryoso itong napatitig sa akin.
"Hindi kaya may iba na siya?"
pagkuway tanong nito sa akin.Napailing ako sa sarili sa narinig ko mula rito.Hindi magagawa sa akin ni Dim na pagtaksilan ako.Alam ko yun.
"Sorry Yani ha..
Ano kasi---"Bakit Jessie? Paano mo nasabing may iba na siya.?" pabalik kong tanong dito.
"Nitong mga nakaraang gabi kasi lagi niya kasa-kasama ang isang babae.Singer ito sa bar na madalas naming tinatambayan ni Dim. Kumakailan lang din namin itong nakilala.Actually, ipinakilala siya sa amin ni Dim."
Napabuntong hininga ako sa narinig.Hindi parin tanggap ng utak ko na may iba na si Dim.
"Ito rin lagi ang naghahatid kay Dim sa condo nito pag hindi na niya kaya ang magmaneho dahil sa sobrang kalasingan."
dugtong na sabi nito sa akin.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...