February3,2006..
Naging mag on sila ni Dim. Sa katunayan nga birthday niya sa araw na yun.Napakasaya niya.Nasa tabi sila ng dagat na malapit kina Dim.Alas singko na ng hapon kaya papalubog na ang araw.Nakasandal siya sa balikat nang boyfriend niya habang kinakantahan siya nito.
Siya si Dimitrio Lopez Jr. mas kilalang Dim.Isang maituturing na mayaman sa bayan na yun ang angkan nila.May ari sila nang Hardware sa bayan at isang resort na kung saan sila ngayon nakatambay. Ang ganda ng resort na ito kaya naman dinadagsa ng mga turista lalo na pag summer. Nasa 3rdyear college na ito sa kursong HRST.kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hilig na nito ang pagluto.Kaya nga diba ito pa lahat naghanda nung graduation niya.Sobrang lambing nito sa kanya.Noon paman ay talagang gusto na niya ito dahil likas din itong masayahin gaya niya.Lagi itong bumabati sa lahat ng kilala nito at laging nakangiti.Naalala pa niya noong firstyear highschool pa siya.
"Heyy miss bat ka umiiyak?".
nasa labas siya ng gate ng skwelahan nila sa oras na iyon.Hindi siya pinapasok ng gwardiya dahil nakalimutan niyang dalhin ang id niya.Tumingin lang siya sa lalake na patuloy parin sa pag iyak.Hindi siya nagsasalita kaya naman iniwan siya nito saglit para puntahan ang gwardiya.Maya maya pa ay bumalik na ito.
"Miss pwede kanang pumasok." wika ng lalake sa kanya na nakangiti.
Lumiwanag ang mukha niya sa narinig na pigil parin ang pagsinok.
"Talaga? masayang sabi niya.
"Oo kaya halika na,sabay na tayong pumasok at baka mag bell na.ihatid narin kita sa classroom niyo."wika parin nitong nakangiti.Sabay na silang pumasok sa loob at inihatid nga siya hanggang sa classroom nila.Bago siya nagpaalam dito ay nagsalita siya.
"Salamat nga pala sa tulong mo,ako si Yani.ikaw?"..wika pa niyang nahihiya.
"Wala yun,ako naman si Dim.3rdyear highschool na ako. Next time wag mo ng kalimutang dalhin ang id mo huh..sige Yani kailangan ko ng pumasok,bye!." wika nito pero bago pa ito nakalayo ay nagsalita ulit ito.
"Nga pala,ang cute mong tignan kanina habang umiiyak.."sabay tawa at tuluyan na itong nagpaalam.
Naiwan naman siyang namumula ang mukha.Sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng pagkahiya.At dun na nga nagsimula ang pagkakaibigan nila.Hanggang sa makapagtapos ito ng highschool.Dumalo pa nga siya sa graduation nito at binigyan niya ito ng regalo.Tuwang tuwa naman ito sa binigay niya.At kahit na nalulungkot siya ng sumunod na pasukan dahil nasa kolehiyo na ito ay madalas parin naman silang nagkikita.Tuwing biyernes at sabado kasi itong umuuwi sa lugar nila at babalik kinabukasan sa bayan kung saan ito nag aaral.Kaya naman lalo pa silang nagkalapit sa isa't-isa.Hanggang isang hapon habang nasa kalenderya siya. May humintong motorsiklo sa tapat sakay nito ang dalawang tao na nakasuot pa ng helmet.Pansin niyang bago pa ang motorsiklo,nakita niyang bumaba ang sakay nito at sabay pa nitong hinubad ang helmet.Nagulat siya ng makilala si Dim at napakunot noo naman siya ng makita niyang kumapit sa braso ni Dim ang babaeng kasama nito at naglakad patungo sa kinaroroonan niya..
Sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng kirot sa puso niya.Namalayan nalang niyang nakalapit na ito sa kanya at inakbayan siya.
"Yani,namiss kita ah!.nga pala si Jessie klassmate ko."pakilala nito sa babae.
"Hi Yani so na meet narin kita sa wakas,tama nga si Dim ang ganda mo.."nakangiting wika nito sa kanya.
"Hello..ah ehh salamat.."tipid niyang sabi dito.
"Ewan ko nga ba dito pagdating sayo napakatorpe".wika nitong nakangisi.
Kaya nagtaka man siya ay napalingon siya kay Dim at kitang kita niya na pulang pula ang mukha nito.Naguguluhan siya.Ano ibig sabihin ni Jessie??
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...