4 years ago..
Masayang masaya siya ng binalita sa kanyang manager ang pinakauna niyang pagbibidahan na drama sa telebisyon.Sa wakas ay maranasan na niya ang buhay ng pagiging bida.Hindi rin biro ang pakikipagsapalaran nya sa mundo nang showbiz lalo na at baguhan pa lamang siya.
Beautiful Girlfriend.
Ang title ng unang pagbibidahan niyang drama sa TV.Kahit hindi pa siya gaano kasikat ay kilala na naman siya ng mga tao dahil na papanood siya nang madalas sa isang afternoon show.Kinakabahan pa siya ng
tuluyan na niyang makita ang mga kasamahang personalidad.
Ang magiging kaloveteam niyang si Jericho Rosales.Na labis niyang kinatuwa.Bukod sa crush niya ito ay napakabait rin ng aktor mapa off-cam man o on-cam.Sa buwan ng Abril gaganapin ang unang taping nila para sa
Beautiful Girlfriend.Kailangan pa talaga nilang lumipad patungong Bohol.Sa probinsiyang ito kasi napili ng kanilang direktor ang mga kukuhanang eksena para sa pilot episode ng naturang serye.Sakay ng private plane ay lumuwas ang buong produksyon patungong Bohol.Ang lugar kung san kilala sa mga nagagandahang tanawin.Na siya naman talagang dinadayo ng mga turista.Dagdag pa dito ang mga magiliw na paki kisama ng mga Boholano.
Welcome to Tagbilaran Airport!
Ito kaagad ang nabasa niya pagkababa palang nila nang eroplano.First time niyang maka punta ng Bohol kaya excited siya!
Oops hindi lang sya basta excited kundi napaka excited! To think na first ever lead role niya pa ito.Kinuhanan pa sila ng litrato sa harapan mismo ng airport ng isa sa mga staff na kasama nila roon.
Pagkatapos sabay sabay na silang tumungo sa sasakyan papunta sa unang venue ng taping.Halos isang oras din ang
naging byahe nila mula airport papuntang Loboc River.
Sa floating restaurant kasi gaganapin ang mga unang eksena para sa serye ng drama.
Naging abala na ang lahat nang produksyon para sa mga photo shoots.At kalaunan nga ay ang mga gagawing scenes.Natapos ang unang scene ng maayos.Pahinga na daw muna sabi ng kanilang direktor.Minsan pa niyang pinagmasdan ang nasa paligid.Ang ganda ng lugar.Naka karelax.Ang mga punong nakapa ligid sa lugar na kulay green,ang sarap sa paningin.Nakakawala ng stress.
Tinawag siya ng isa sa mga staff at sinabi nitong maglu-lunch na daw sila.Naglakad siya patungo dito at nagpasya nang sumunod. Namangha pa siya ng makita ang mga pagkain.Naka Buffet table ang ayos nito kaya makukuha mo ang lahat na gusto mong kainin.Tumabi pa sa kanya ang kaparehang aktor.Na gaya niya ay amuse na amuse din sa lugar.
Tamang pagsapit ng alas dose
ay umandar na ang sinasakyan nilang floating restaurant.Panaka naka'y tumingin siya sa paligid.
Napakaganda nga naman nang lugar.Greenish ang nakikita nya sa bawat madaanan nilang mga puno.Patuloy parin siya at ng iba pa niyang kasama sa pagkain ng madaanan nila ang mga nagpe perform sa tabi.Nakakaaliw ang mga itong tingnan kaya naman hindi niya maiwasang mangiti sa nakita.Pagkatapos ng masayang sayawan ay nakita niyang may mga taong naghulog ng pera sa donation box.Kaya naman agad siyang tumayo at naghulog din.
Umandar muli ang sinasakyan nilang floating restaurant at mga ilang saglit pa ay nakarating sila sa may waterfalls.Nalaman niya mula kay Echo na Busay Falls ang tawag nang mga Boholano dito.
Pagkatapos ng masarap na lunch ay deritso agad sila sa susunod na eksena.
YOU ARE READING
Please Stay With Me
RomanceLarawan ng isang masayahing babae si Yani.Bakas na sa mukha nito ang ngiti na siyang naglalarawan kung anong klase siyang tao.Hanggang makilala at mahalin niya si Dim.So far perfect couple na nga silang ituring ng mga taong nakakakilala sa kanila.Ei...