- Mommy -

264 3 0
                                    

Chapter 1



"You're crazy." Sabi ko at isasara na sana yung pinto pero pinigilan ako nung isang lalaki na naka-coat.



"No we're not. Mga anak mo nga kami." Sabi niya habang pinipigilan pa din akong isara yung pinto. In-emphasize pa niya yung word na 'anak'.



"Sabihin niyo nga?! Paano ko kayo magiging anak?!" Sinigawan ko na naman sila sabay pinandilatan pa ng mata. Nakaka-inis kaya!



"Ahm, siguro kasi, lumabas kami sa'yo at nasa t'yan mo kami for 9 months?" Sabi nung isa na naka-glasses. Sinamaan ko naman siya ng tingin.



"How would that happen?" Sabi ko nang naka-taas na ang kilay na abot Uranus.



"Uhm, yung egg cell mo at sperm cell ng Daddy namin, nag-combine. Tapos, yun. Nabuo kami?" Sabi naman nung isa na chinito.



"What the?!" Sabi ko naman. Nagulat ako sa sinabi niya ha. Bwiset sila ha. Yung sira ko ng umaga, lalo pa nilang sinira!




Sinara ko na ulit yung pinto pero pinigilan na naman ako nung naka-coat. Sinamaan ko na naman siya ng tingin.




"What now?!" Sigaw ko na naman sa kanila sabay masamang tingin ulit.




Mukha naman silang natakot sa tingin at sigaw ko. Aba! Dapat lang noh! Bumitaw siya sa pinto at yumuko. Nilagay niya yung kamay niya sa may batok niya tapos tumingin sa akin.




Nagpa-pa cute ba sa akin 'to?! Well, sorry siya. Di niya ako madadaan d'yan sa pagpa-pa cute niya. Di mawawala ang inis ko sa kanila. Psh.



"P-Pwede mo ba kaming patuluyin sa bahay mo, Mommy?" Sabi niya with matching puppy eyes. Na-ah! Di niya ako mada-daan sa pag pa-paawa effect niya.




Bukod sa pagpa-pa cute niya, nagulat din ako sa sinabi niya at kasi tinawag niya akong... M-Mommy. WTF?! Matapos niya sabihin na maki-kituloy sila dito, tatawagin niya akong Mommy?! Ay grabe talaga!




"And what made you think na pa-patuluyin ko kayo dito?!" Sigaw ko na naman. Arghhh! Kawawa vocal chords ko sa kanila eh!





Baliw na nga talaga sila. Sinong noob ang magpa-patuloy ng mga lalaking di niya kilala sa bahay niya?! Baka nga mamaya, magna-nakaw 'yang nga yan eh! Modus nila na sabihing anak ko sila. Hah! Pwes, di nila ako maloloko! Don't me, damulags. Don't me!





"Ah-eh. K-Kasi..... anak mo kami?" Sabi naman nung chinito. Nakaka-inis na ah! Nakaka-inis na talaga sila! Pigilan niyo ako! Ma-sasabunutan ko na 'tong mga 'to!





"Hindi ko nga kayo anak!" Sigaw ko. Ulit. Nagulat naman silang tatlo sa sigaw ko.





"Hayyy! Mommy! Pwede ba. Wag kang sumigaw. Kawawa naman yung mga ear drums namin oh." Sabi nung naka-salamin habang naka-lagay yung pinky niya sa tenga niya. Ewww~! Bakit?





Kasi, gawin daw ba niyang cotton buds yung pinky finger niya tapos kumuha ng tutuli sa harapan ko?! Yuck lang!!





"Eh di wag kayo dito! Kasi, kung nandito kayo, araw-araw ko kayong sisigawan! Walang sawa!" Sigaw ko na naman tapos yumuko na sila.




"Ngayon. Go away or ipa-papulis ko kayo at kakasuhan ng harassment!"





"Bakit mo naman kami kakasuhan non? Eh hindi ka pa nga namin hinahawakan." -Guy with glasses





Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon