- Ugali -

84 2 0
                                    

Chapter 16




"Now. Tell me. Ano yung sasabihin mo sa akin?" Sabi ng Papa ni Luis. Gesh naman. Bakit ba kasi kailangan akong kasama??




"Speak!" Sigaw ng Papa ni Luis. Grabe, nakakatakot talaga super. Parang gusto ko na lang tumakbo bigla eh. Kung hindi lang yun kabastusan.




"Papa... d-don't shout please..." sabi ni Luis. Naka-yuko lang kami pareho. Ramdam na ramdam ko talaga yung tensyon.




"Sabihin mo na!" Tingin ko alam na talaga nung Papa ni Luis na beki siya, pero, gusto lang ng Papa niya na malaman mula mismo sa bibig ni Luis.




"P-Papa... I-I'm... I... I'm g-gay..." sabi ni Luis na napa-iyak na lang din. Napa-tingin ako sa Papa ni Luis.




*boogshhh*




O_O




Bigla na lang sinuntok si Luis ng Papa niya. Galit na galit yung aura ng Papa ni Luis. Binubogbog na siya nung Papa niya pero nailag lang si Luis.




Ano ba, Maika!! Pigilan mo sila! Maika!!




Sandali lang naman oh! Nata-taranta na nga din ako oh!




Weh? Parang di na—




Oh please shuttap! Your no help!




"Luis! Tito! Tama na po yan! Tama na po!" Sabi ko at saka pilit na lumapit. Yung nga guard at maid nakikitulong na din sa pag-awat sa kanila.




Hinawakan nung mga guard si Tito sa braso. Tapos ako at yung mga maid inalalayan si Luis.




"Wala akong anak na bakla! Wag na wag kang magpa-pakita sa akin nang hindi ka lalaki! Lumayas ka sa pamamahay ko! Lumayas ka!" Gigil na gigil na sabi ng Papa ni Luis.




Napa-tingin ako kay Luis. Bugbog sarado talaga siya. Umiiyak na din siya.




"Layas!!!!" Sigaw ng Papa ni Luis. Halos rinig yun sa buong mansyon nila.




Inakay na namin palabas si Luis. Sinakay namin siya dun sa kotse niya.




"Sige po, Manang. Ako na po bahala sa kanya." Sabi ko dun sa isang katulong na tumulong akayin si Luis.




Sumakay ako sa driver's seat. Nasa backseat naman si Luis. Umiiyak pa din. Buti na lang marunong akong mag-drive.




Nag-drive ako. Di ko din alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko na lang, napunta kami sa isang lugar.




Parang burol 'to na may mga grills naman sa gilid. Pag kasi na-laglag ka dito, mamatay ka. Bangin na kasi.




Medyo mataas din na lugar 'to. Tahimik at walang tao. Kita yung buong bayan. Yung mga bahay at ilang building.




"Dito na tayo." Sabi ko nung tinigil ko na yung sasakyan. Binuksan ko yung pintuan sa tabi ni Luis.




Umiiyak pa din siya. Ang dami niyang pasa at dugo sa mukha. Ibang-iba yung itsura niya kaysa kanina.




Mas gusto ko pang makita na kinikilig siya kayla Lance kaysa nakikita siya na ganito. Ang miserable.




"Halika. Maganda dito sa lugar na 'to." Sabi ko at pinilit siyang ilabas. Kaysa naman mag-kulong lang siya sa loob ng kotse.




Nung maka-labas na kami, inalalayan ko siya na maka-punta dun sa may grills.




Ang ganda nung view. Sunset na kasi eh. Tanaw na tanaw pa man din ngayon yung sunset.




"Sigaw na." Sabi ko habang naka-tingin pa din sa sunset. Ang romantic sana eh. Iba lang yung kasama ko. Haha.




"Baliw ka na gurl." Sabi niya kaya napa-tingin ako sa kanya. Naka-tingin lang din siya sa sunset.




"At bakit naman?"




"Paano ako sisigaw kung nanghihina ako? Hay." Sabi niya naman. Edi sorry na. Just wanted to help.




Tumingin na lang ako ulit sa sunset. Pawala na yung araw.




"Mas masakit pala yung emotional pain kaysa sa physical pain noh?" Sabi niya sabay tawa ng fake. "Nung nilesson kasi namin yun sa values, absent ako. Kaya diko alam."




Napa-ngiti na lang din ako. Nakukuha pa talaga mag-biro kahit nasasaktan na.




"Kaloka. Yung beauty ko nawala na." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. "Paano na ako sasali ng Miss U nito? Psh."




"Iba ka din eh." Sabi ko. "Nakuha mo pang mag-patawa kahit nasasaktan ka na. Hindi ka ba nahihirapan?" Sabi ko at saka tumingin sa kanya.




"Wala din naman magagawa kung iiyak lang ako at magpa-paka bitter gurl eh. Di din naman ako matatanggap ni Papa." Sabi niya sabay yuko.




"Alam ko matatanggap ka din ng Papa mo. Di niya din naman siguro ikaw matitiis eh." Sabi ko naman.




"Pero sabi niya, pag lalaki na daw ako, saka lang niya ako tatanggapin." Sabi niya. "Gosh gurl! Di ko na ata kaya ibalik yung pagka-straight ko."




"Eh saan ka titira ngayon?" Sabi ko naman. Gustuhin ko man na sa bahay ko na lang, di naman pwede. Enough na ang tatlong damulag. Please lang.




"May friend naman ako na may ari ng condominuim. Dun na lang muna ako mags-stay." Sabi niya naman. Tumango-tango na ako.




"Sige. Sabihin mo na lang sa akin kung saan, para mabisita kita minsan." Sabi ko habang naka-ngiti.




Napa-tingin ako sa kanya at napa-tingin din siya sa akin. Ngayon yung ngiti niya sincere na.




"You know what, gurl? Kung siguro di ako gurl din, baka nagka-gusto na ako sa'yo." Sabi niya. "Madali lang ma-fall sa'yo eh. Maganda ka, mabait, sexy, caring. Nakaka-inggit na nga eh."




"Kita mo nga eh, ngayon pa lang kita nakilala but, ang gaan na agad ng loob ko sa'yo." Sabi niya ulit. "Ohmy! Baka long lost twinie pala kita!" Sabi niya ulit na naka-lagay yung kamay sa bibig.




"Sira!" Sabi ko at natawa na lang kami. Nahihiya ako sa sinasabi niya. Alam ko naman na beki siya pero, ang sarap padin ng feeling na mapuri ng lalaki.




"Pero, hindi gurl eh. Beki ako at boys ang type ko. Pero, pwede tayong maging mag-kaibigan. Promise, di kita ibi-blade." Sabi niya sabay tawa.




"Oh sige ah. Sabi mo yan di mo ako ibi-blade." Sabi ko at natawa kami pareho. "Sige. Friends." Sabi ko ulit sabay lahad ng kamay ko para makipag-shake hands.




"Friends!" Sabi niya sabay shake hands sa akin. Napa-ngiti na lang din ako.



Ever since, gusto ko na talaga ng kaibigan na girlalush. Masarap kasi sila kausap at kasama. Lagi lang silang masaya. Kahit na minsan nasasaktan sila.




Sana din kasi ma-adopt ko yung ganong ugali nila.




Yung maging masaya, kahit na ang sakit-sakit na.




**

(A/N): #HugotniMaika haha! Humu-hugot dun sa huling line eh noh. Kdot. Haha!








Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon