Chapter 4
"Ano?! Tatayo na lang kayo d'yan? Tulungan niyo 'ko!" Sabi ko tapos sabay sunod naman nung dalawa. Tinulungan nila ako na buhatin si gee-enen-snib papasok ng bahay.
"Wow, Mommy! Pa-papasukin mo na kami sa bahay mo?" Excited na tanong ni chinito guy. "Yes! Makaka-pasok na kami sa house mo! Sa wakas!" Sabi niya ulit. Halos mawala na yung mata niya sa sobrang pag-ngiti.
"Oo nga! Ye–" magsa-salita din sana si guy na naka-salamin pero inunahan ko na siya ng sigaw ko.
"Isa pang salita! Di ko na kayo pa-papasukin!" Sabi ko with matching dilat mata. Natakot naman sila kaya ni-lock daw nila kuno yung mga bibig nila at pinasok na namin sa loob si gee-enen-snib.
Pagka-pasok namin sa bahay, nilapag namin si gee-enen-snib sa couch. Umupo naman yung dalawa sa mag-kabilang tabi ni GNNCNIB.
"D'yan lang kayo ha! Kukunin ko lang yung first aid." Sabi ko tapos tumango naman sila habang tinitignan pa yung bahay ko.
Pagka-kuha ko ng first aid kit, bumalik ako at ginamot na si gee-enen-snib. Umupo ako sa mababang center table sa tapat niya.
"Wow, Mommy. Ang laki tapos ang ganda pala ng bahay mo!" Sabi ni chinito guy habang tinitignan yung buong bahay ko.
"Mommy? Ikaw ba nag-picture n'yan?" Sabi naman nung guy na naka-salamin habang tinuturo yung mga photographs ko. Nai-inis pa din ako pag tinatawag nila akong..... 'Mommy'.
Tumango ako at nag-sabi naman yung dalawa ng 'Wow'. Syempre nang sabay. Tinuloy ko na yung pag-gamot kay gee-enen.
Natuwa din ako sa naging reaction nila. Sila lang nag-sabi ng 'wow' sa mga pictures na kinuha ko. Well, si bem at sila lang ang naga-gandahan sa pics ko.
Ayaw din kasi ng pamilya ko at pagiging photographer ko. Especially, my Dad. They want me to be a flight attendant. Pero ayoko nun. Yeah, I wabt to travel the world, pero, gusto ko pag-ipunan yung pamasahe ko.
Isa pa, bata pa lang ako, I really love taking pictures. For me, pictures are memories, diba? Sa mga pictures na makikita ko, lahat may na-aalala ako.
Isa lang talagang picture ang wala ako pero gusto ko mag-karoon.
Family Picture.
Ever since, di na talaga kami close ng pamilya ko. Yung kuya ko, nag-layas nung 19 siya. Yung pangalawa, na-buntis in the age of 16. Tapos ako, eto. Nag-layas din.
Ayoko naman din sana mag-layas eh. Dahil sa dinanas ng Mom at Dad ko kay Ate at Kuya, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako tutulad sa kanila na binigyan sila Dad ng sakit sa ulo.
Pero, ewan ko ba. Siguro nasakal na din ako at nag-sawa. Na-sakal sa utos nila at pag-pupumilit na maging FA ako. Nag-sawa sa sermon nila kasi iba ang kinuha kong trabaho.
You know. Gusto ko din naman maranasan yung tinatawag nilang 'Freedom'. Nakaka-sakal na din kasi eh. Siguro, ganun din yung dahilan ni Kuya.
Nung balak ko na din sana bumalik sa bahay, pinag-tabuyan lang din ako ng Dad ko. Pero ewan sa kanya, ngayon pinipilit akong ibalik sa bahay.
Knowing Dad, lahat ginagawa, makuha lang ang gusto. Mana kami ni Kuya sa kanya. And speaking of that, ginawa niya talaga lahat mapa-balik lang ako sa bahay.
Ginawa niya, pinalabas niya na may malubhang sakit si Mom and she's dying and she needs me. Pero, nalaman ko na di pala totoo yun.
Tapos, nagpa-punta siya ng isang lalaking manyak sa bahay kong 'to tapos pina-gahasa ako para daw sa bahay ang takbo ko. Pero wala. Taob yung manyak na yun sa akin. Isang kick ko lang, beng! Tulog.
"Mommy, may kasama ka ba dito?" Sabi ni chinito. Natigil naman ako sa pag-iisip nung nag-salita siya. Niligpit ko na yung first aid tapos tumingin sa kanya at umiling.
"Ang laki-laki ng bahay mo pero wala kang kasama." - Guy na naka-salamin (GNNS or gee-enens)
"Oo nga. Di ka ba nalu-lungkot na mag-isa ka lang?" -Guy na chinito (GNC or gee-enk)
Napa-isip ako dun ah. Ngumiti ako ng tipid. "Well, hindi naman. Masaya naman akong mag-isa."
Nagulat naman sila kaya napa-tingin sila sa akin. Ng sabay. Problema nila?
"Woah, Mommy. Ngayon mo lang kami sinagot ng words na walang halong sigaw." Sabi ni gee-enk. Sows naman. Yun lang pala, akala ko naman kung ano.
Natawa na lang ako ng very very light. Nakaka-sawa din naman silang sigawan. Kawawa naman din kasi 'tong mga damulag na 'to na tinatawag akong nanay nila.
"So. Pwede bang ako naman ang mag-tanong?" Sabi ko at tumango naman sila. Kanina pa kasi sila nagta-tanong. Andaya.
"Ano bang mga pangalan niyo?" Sabi ko naman. Ang hirap na kay ng di ko alam pangalan nila! Nagagawan ko sila ng nicknames ng wala sa oras.
"Ako po si Arexander Violet H. Ruiz!" Sabi ni gee-enk. Nagulat naman ako sa sinabi niya. First kasi, color yung second name niya. Second kasi, ka-apilyedo niya yung second ex-bf ko.
"Hi! My name is Marco Silver H. Thomas!" Sabi naman ni gee-enens. Okay so bakit niya naman ka-apilyedo si Paul? Yung last ex ko?
"Tapos siya naman po si Lance Blue H. Alcantara!" Sabi ni Marco habang tinuturo si gee-enen-snid. Eh ang ganad naman pala ng pangalan niya eh. Lance.... bagay.
Dalawang bagay talaga ang napansin ko sa mga pangalan nila. Una, colors yung second name nila. Pangalawa, yung surnames nila..... surnames ng mga naging ex ko.
"Siya po yung may pinaka-mahabang apilyedo," sabi ni Arexander habang naka-lahad yung kamay kay Marco.
Huh? Di ba mas mahaba yung 'Alcantara' kaysa sa 'Thomas'? Diba?
Napa-tingin ako kay Arexander tapos sa kamay niya. Napa-tingin din dun si Marco. Tinulak niya naman yung kamay ni Arexander para mapunta sa harap ni Lance.
"Ay sorry. Lumagpas. Hehe." Sabi ni Arexander sabay hawak sa batok.
"Ilang taon na ba kayo?" Tanong ko ulit. Nag-bilang naman sila gamit daliri nila.
"22!" Sigaw nila ng sabay. Tamo 'tong mga 'to! Mag-kasing edad lang pala kami tapos sasabihin nila anak ko sila?! Edi ano yun? Pag-labas nila ka-age ko na sila?! Haist!
"Ta niyo yan! Magkasing-edad lang tayo tapos sasabihin niyo nanay niyo ako?" Sabi ko tapos ngumiti at tumawa lang sila.
22 ba silang lahat? Okay isa pang weird. Ano triplets ba sila? Fraternal? Di magka-kamukha? Oh nantri-trip lang sila.
Colors second names nila. Ka-apilyedo nila yung mga ex ko. Tapos magka-kasing age lang kaming apat. Pero, ang isip bata nila.
Okayyyy~! Life is weirder that I thought.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...