Chapter 25
Nangyari ba talaga yun? Di ko ma-imagine na nangyari pala talaga yun. Nagawa ko yun? Nasabi niya yun? Totoo ba yun?
Nandito na ako sa kwarto ko ngayon at nag-iisip na naman. Halos 11pm na din pero di pa din ako maka-tulog at nag-iisip pa ako ng malalim.
Hindi kasi ma-alis sa isip ko yung ginawa ko kanina at yung sinabi ni Lance kanina. Di ko nga alam kung totoo ba yun.
Napa-hawak na naman ako sa lips ko. Na-alala ko na naman yung nangyari kanina sa may garden...
-Flashback-
He kissed me again. For the second time. Under the moonlight. Under the stars. At feeling ko sasabog na yung puso ko.
After ng ilang minuto, di pa din bumibitaw si Lance. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin pero, tumugon ako sa halik niya.
Nagha-halikan na kami?! Sh*t! Bakit ba parang, ayaw kong tumigil?! Argh! I can't understand myself!
Maya-maya pa, bumitaw na siya. Nag-habol naman kami ng hininga. Dumilat ako at nakita ko siya na naka-tingin sa akin. Ang lapit pa din ng mukha niya.
"Lance..." sabi ko. Pero, tinitigan niya lang ako. The same way ng titig niya nung napa-naginipan ko siya dati.
Bigla niya na naman akong ninakawan ng halik. Potek na yan! Nakaka-tatlo na siya ah! Nakaka-inis na! Masasampal ko na 'to!
"Fvck. Sorry kung hinalikan na naman kita. I just can't take it. Mimi..." sabi niya. Nagulat naman ako.
For the first time. Narinig ko siyang mag-mura. Narinig ko siyang seryoso. Narinig ko yung manly niyang boses na parang matured. Yung boses na bagay talaga sa mukha niya. Yung boses na hindi pang bata na gaya ng usual niyang boses.
Am I dreaming again?!
"Lance? I-Ikaw ba talaga y-yan?" Nauutal kong sabi. Di ko kasi talaga ma-absorb eh. Yung boses niya...yung kinikilos niya... yung sinasabi niya. Parang hindi yung usual Lance na nakilala ko.
"Mimi... di ko na talaga kayang itago 'to. Feeling ko sasabog na yung puso ko." Sabi niya. Oo nga siya nga yan. Tinatawag niya pa akong Mimi eh. "Mimi... I... I-I l-love you..." sabi niya ulit.
O_o
Totoo ba yung narinig ko?!?! S-Sinabi n-niya sa akin na... na... mahal niya ako?! For real?!
"A-Ano?" Sabi ko. Ewan pero biglang nag-halo halo yung feelings ko. Nagulat. Natuwa. Kinabahan. Natakot. Ewan.
"Mimi..." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Kinuha ko yun agad. Para kasing may kuryente akong naramdaman.
Tumayo na ako at saka tumakbo papunta sa kwarto ko.
-End of Flashback-
Di pa din talaga mag-sink in sa akin eh! Paano ko ba ia-absorb yung sinabi niya?!
He just said he loves me. Pero, paano naman mangyayari yun? Agad-agad, mahal niya ako? Halos one month palang ata silang nandito at halos one month palang niya akong kilala and then he's going to fall in love with me?
Pero sabagay. Ako din naman. Feeling ko nga crush ko na si Lance eh. Crush lang. Di pa mahal. Magkaiba yun.
Sus naman! Ganon lang din yung Maika! It's the same!
Bwiset na konsensya ka! Manahimik ka nga! Nakikidagdag ka pa sa isip ko eh.
Humiga na lang ulit ako sa kama ko. Tulala na naman sa kisame. Naka-kaloka naman talaga oh! Panigurado talaga, awkward na naman kaming dalawa.
"Hay, Lance Alcantara! Why are you always bothering my mind?!" Sigaw ko sa kawalan.
***
Kinabukasan...
"OMG!! Talaga bem?! Ayieee~! Kinikilig ako!!" Sabi ni bem sabay hampas-hampas pa sa akin. Huhu. Yung braso ko.
"Bem ano ba! Wag kang sumigaw! Nakalunok ka na naman ng megaphone kagabi eh. Isa pa, wag mo nga akong hampasin! Masakit!" Sabi ko naman.
Nandito na ako sa office at nakwento ko na din sa bestfriend ko na nakalunok ng megaphone ang nangyari kagabi saamay garden.
At ito nga. Si Atasha Hernandez kinikilig na naman.
"Sorry naman bem. Kinikilig kasi talaga ako eh! Biruin mo yun? Si Lance sinabihan ka ng 'I love you'!" Sabi niya na naman.
"Ano ba, Atasha! Sinabi ng wag maingay eh!" Sabi ko naman. Sa ingay niya kasi nakaka-agaw na kami ng atensyon. Buti sana kung nasa office niya kami. Eh, nasa may lobby kaya kami!
"Oo na hindi na. Pero, bem, ano sinagot mo sa 'I love you' niya?" Sabi niya ulit.
"Wala. Tumakbo ako eh." Sabi ko naman. Tapos bigla na lang akong binatukan ni bem. Napa-hawak ako sa batok ko. "Aray naman! Para saan naman yun?!" Sabi ko. Ang sakit kaya!
"Bakit wala kang sinagot?!"
"Eh di ko alam kung anong isasagot! Ano ba dapat?!"
"Baliw! Edi syempre, 'I love you too'!"
"Bem. Di ko nga love, paano ko sasabihan ng ganon?" Sabi ko. Palabas na kami ng office. Magla-lunch kami sa malapit na kainan dito.
"Di love. Sus! Kilala kita bem. Elementary palang tayo, mag-bestfriend na tayo, kilalang-kilala na kita. Kaya, wag ka ng mag-kaila. Alam ko. Alam ko."
"Anong alam mo?" Sabi ko tapos umupo dun sa upuan dun sa may karinderia na mapalit.
"Alam ko na love mo na din siya!" Sabi na naman ni bem. Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa kanya.
"Bem, hindi ko nga love diba. Ang gulo mo din eh." Sabi ko sabay order. Nag-order na din si bem.
"Oh sige. Sabihin na natin na di mo nga love, pero, nagka-kagusto ka na diba?" Sabi ni bem sabay taas-kilay pa. Natawa ako ng konti sa kanya.
"Uy! Aminin! Ayieee~!" Sabi niya habang tinutulak-tulak pa ako ng konti. Ano ba yan kasi eh!
"Oo na nga! Oo na!" Sabi ko tapos lalo lang din siyang nag-wala. Hinampas-hampas ulit ako tapos kinukurot na din.
"Ayieee~! Sabi na eh! OMG bem!! Dun na din papunta sa love yun!" Sabi niya naman. Napa-irap na lang ako sa kanya.
Maya-maya, ayan na yung inorder namin. Inabutan ako nung nagti-tinda na lalaki ng bowl ng soup. Tapos binigyan din si bem ng inorder niya.
Kumain na kami pagkatapos, binigay na namin yubg bayad. Paalis na sana kami pero bigla akong tinawag nung isang tindera na lalaki.
"Miss!" Sigaw niya kaya napa-tigil kami ni bem. Lumingon kami.
"Yes?" Sabi ko naman. May nakalimutan ba kaming hindi bayadan?
"Pinapabigay po sa inyo." Sabi niya sabay alis. Ayan na naman yang pinapabigay na yan. Kinakabahan ako eh.
May inabot siyang parang isang blue na sticky note. Tinignan ko naman yun at binasa kung ano ang naka-sulat. Sulat kamay siya. Cursive. Infair, ang ganda nung sulat.
Ang saya ko sa nalaman ko. :)
-LB <3
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...