Chapter 35
(A/N): Okay... so, si Lance magka-ka-POV na din! Yay! So, ayun support niyo din at sana magustuhan niyo. Salamuch.
*
Lance's POV
O_o
A-Anong sinabi niya? M-Mahal niya ako? M-Mahal na din niya ako?! Naka-tulala pa din kong naka-tingin sa mukha niya.
Dahil sa nalaman ko, napa-upo ako sa hospital bed bigla. "A-Anong s-sinabi m— Aray!!" Sabi ko at napahawak ako sa may braso ko. Sa pagka-gulat ko sa sinabi niya, nakalimutan ko na yung sugat ko.
Mabilis naman siyang lumapit sa akin. "Okay ka lang ba? Bigla-bigla ka naman kasing gumagalaw eh!" Sabi niya habang tinitignan kung okay lang ako.
Fvck. Naka-kabakla pero, kinikilig ako sa concern niya sa akin. Napapa-ngiti na lang din ako bigla. Hinawakan ko yung kamay niya na nasa may braso ko.
Napa-tigil siya at napa-tingin sa amin. Ang lapit lang halos ng mukha niya sa akin. Nako! Pag di ako nakapag-pigil, hahalikan ko na 'to. Ang lambot pa naman ng lips niya...
Ang pervert ko!
"A-Ano ba yung sinabi mo kanina, Mimi?" Sabi ko. Kahit na narinig ko naman, gusto ko sabihin niya ulit sa akin. Baka kasi imagination ko lang yun.
"A-Alin? Ang dami ng sinabi ko kanina, di ko na ma-alala." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Ang in-denial niya talaga!
"Y-Yung huli mong sinabi, yung ka-kasabi mo lang." Sabi ko naman. Alam ko na alam niya yung sinasabi ko. Sinisigaw na nung namu-mula niyang pisnge.
Tahimik lang siya at umayos ng tayo. Hawak ko pa din yung kamay niya. Di naman niya inaalis eh. Di ko din naman aalising hangga't di niya uulitin yung sinabi niya kanina.
"Mimi, t-totoo naman yun diba? Y-Yung sinabi mo sa akin... t-totoo yun?" Sabi ko na lang ulit. Kinakabahan pa din ako. Baka mamaya kasi n'yan, di pala yun totoo.
Umasa lang ako.
"Ah-eh... m-mahal kita b-bilang... k-kaibigan! Ganon yun! Yun yung ibig kong sabihin. Hindi yung k-kung anong i-iniisip mo." Sabi niya. Lumuwag ng konti yung hawak ko sa kanya.
Na--tulala ako. So.. yun lang pala talaga ang ibig sabihin niya dun sa sinabi niya? Maya-maya, bigla ko ng nabitawan yung kamay niya. Ewan, pero parang nanghina ako.
Di ko alam kung anong paniniwalaan ko. Yung iniisip ko o yung sinabi niya...
*
Maika's POV
Masakit. Masakit na nakikita ko siyang unti-unting tumutulo yung luha. Ano ba yan kasi eh!
Bakit ba kasi ang indenial ko?! Tapos, bakit ba kasi ang dali niyang maniwala?!
Unti-unti na don siyang yumuko at humiga ulit. Nasaktan ako nung binitawan niya yung kamay ko. Bakit ba kasi di ko na lang inamin yung totoo?
Ewan ko ba. Umamin na nga ako pero binawi ko din. Ang gulo ko din eh. Naunahan lang naman kasi ako ng kaba at takot. Kaba sa kung anong magiging tingin ng iba at kung ano ang sasabihin nila. Takot sa mga pwedeng mangyari pag winork-out namin 'to.
Di ko namalayan na tumulo na din pala yung luha ko. Nakakinis naman kasi eh! Nakaka-inis yung ugali kong 'to! Nakaka-inis yung pagiging indenial ko!
Yumuko ako at tumalikod. Paalis na sana ako pero, di ko kaya. Parang may natapakan na ata akong mighty bond kaya di na ako maka-alis dito sa kinatatayuan ko.
Gusto ko nang umamin. Nasabi ko na nga kanina eh, diba? Pero, nung tinanong niya ako ulit kung ano yung sinabi ko, dineny ko. Naguguluhan na din kasi ako sa sarili ko.
Pinilit kong ihakbang yung paa ko kahit na ang bigat. Lumabas ako at pumunta sa malapit na CR. Sinarado ko yung pinto. Ako labg ang tao dito. Sana wala munang gumamit dito.
Humarap ako sa salamin. Nakikita ko na yung mata at ilong ko na namula kaka-iyak. Napa-lunok ako at huminga ng malalim.
"Ano ba, Maika? Bakit di mo na lang kasi inamin? Mahal mo naman talaga siya diba? Bakit kailangan mo pang itanggi?"
Baliw na ata siguro ako. Kinakausap ko na yung sarili ko. Gulong-gulo na din kasi ako. Sasabihin ko ba o hindi?
Sasabihin o hindi? Sasabihin o hindi? Sasabihin o hindi? Pinikit ko yung mata ko. Hinga ng malalim.
"Lord. Pahingi po ng sign. Kung dapat ko po bang sabihin kay Lance ang true feelings ko o hindi. Pag oo po, may makita ako na isang babae na naka-suot ng damit na puro rose ang design. Pag hindi naman po, lalaki na naka-pink tshirt na may hawak na papel."
Huminga ulit ako ng malalim saka dumilat. Ang weird ng hinigi kong sign kay Lord. Pero, sana makatulong. Para malaman ko ang gagawin.
Lumabas na ako ng CR. Buti talaga walang gumamit. Naka-yuko lang ako at inaayos yung buhok ko gamit ang kamay ko.
*boogshh*
Napa-angat ako ng ulo. May naka-bangga kasi ako. Tinignan ko kung sino.
O_o
"Sorry, Miss." Sabi nung lalaki sabay alis. Sinundan ko siya ng tingin. Lalaki na naka-suot ng damit na puro rose ang design. Lalong gumulo.
"Lord. Yung mas malinaw pa po na sign." Sabi ko sa kawalan sabay alis na din. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Lance ng may biglang lumabas.
O_O
"Ma'am, kasama po kayo ng pasyente?" Sabi niya at tumango naman ako.
"Sabi po ni Doc, pwede na daw po i-discharge ang pasyente ngayong araw. Kailangan niyo na lang pong bayaran yung bills tapos i-sign up yung discharge form at pwede na po kayong maka-uwi. Sige po, Ma'am. Excuse me po." Sabi nung nurse. Naka-tulala lang ako.
Lord? Ito na po ba yun? Is the sign?
Yung nurse na babae kasi, naka-suot siya ng uniform na pang-nurse pero may design na puro rose.
So, ito na nga yung hinihingi kong sign kay Lord. Sasabihin ko na ba talaga sa kanya? Hay. Sana hindi siya galit sa akin.
Gagawin ko na talaga. Sasabihin ko na sa kanya. Sana hindi pa ako huli. Sana mahal niya pa din ako. At sana, maniwala pa din siya sa akin.
It's now or never, Maika. It's now or never.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...