- Lost Memories? -

68 1 0
                                    

Chapter 23




"Bem?" Sabi ni Atasha. Saka lang ako natauhan. Nabalik ako bigla sa reality. Ang lalim na pala ng iniisip ko kanina.



"S-Sorry." Sabi ko sabay lapag nung card at kuha ng bag ko sabay labas. Narinig ko pa yung sigaw ni bem sa pangalan ko.



Uuwi na lang ako. Pumunta ako ulit dun sa counter. "Pakisabi kay Madam, sumama yung pakiramdam ko." Sabi ko dun sa nandun.



Pumara ako ng taxi at sumakay. Binigay ko yung address ng bahay. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.




Like, hello?! Baliw si Paul at kilala ko siya. Kaya niyang gawin lahat-lahat. Ngayon pa na dumagdag yung mental disorder niya.




Natatakot ako na baka magka-totoo yung panaginip ko. Ayoko. Ayokong mangyari yun.



Pagka-dating ko, nakita ko na wala yung tatlo sa bahay. Nasaan naman sila? Lumabas ako sa garden pero wala din. Nag-bihis muna ako ng mas comfortable na damit.




Lumabas ako hanggang sa gate. Naka-salubong ko naman si Kuya Rog. Mukha din nga niya akong hinahanap eh.




"Oh! Maika! Maika!" Sabi niya at lumapit sa akin. Parang tuwang-tuwa si kuya Rog ah. Ano kaya meron?




"Oh, Kuya Rog. Ano pong meron?" Sabi ko.




"Buti naman at nandito ka na! Nako! Yung mga pinsan mo!" Sabi niya. Anong meron kayla Lance?




"Ano pong meron sa kanila? At, nasaan po ba sila?"




"Nandun sa court!" Sabi niya sabay turo sa may way papunta sa court ng subdivision. "Nagba-basketball! Ay grabe. Nagka-kagulo na nga yung mga babae dun! Sa gwapo ba naman nila! Ang dami na ngang tao dun eh!"




Ano? Kaya ba wala sila sa bahay? Bakit naman di nila sinabi sa akin? Pinagka-kaguluhan na pala sila ah.



"Kaya pala wala sila sa bahay. Sige, salamat po kuya Rog. Pupuntahan ko lang sila." Sabi ko tapos tumakbo papunta sa court.



Woah. Malayo palang ako sa court rinig ko na yung sigawan nung mga tao. Nung naka-lapit na ako, nakita ko na ang dami ngang tao at nagsi-sigawan pa.



Pinilit ko namang makipag-siksikan sa crowd. At ayun! Napunta ako sa harapan. Kita ko naman sila Marco, Rex, at Lance na tumatakbo.



Naka-suot sila ng jersey. Hey, saan naman nila nakuha yun? Nanonood lang ako. Tingin ko di pa nila ako napapansin. Sa dami din naman ng tao dito.


Napatingin ako sa score board. Blue and Yellow yung naka-lagay. Naka-blue jersey sila Lance so baka sa yellow sila. Char. Syempre sa blue.



80-79 ang score. Fourth quarter na din pala. Lead yung Yellow. Na kay Lance na yun bola. Dapat ma-shoot niya yan sa three point line para manalo sila. Last 30 seconds na lang kasi.



Ayan na! Ayan na! Pinasa na kay Lance yung bola! Nasa three-point line siya. Di ko na mapigilan ang di mag-cheer.



"Go Lance! Kaya mo yan! Go!" May ilang katabi ko ang napa-tingin sa akin. Ay sorry. Napa-lakas ata yung boses ko.



At..... shoot! Yey! Panalo sila Lance! Ang galing ni Lance! Na-shoot niya! Yes! Wohooo!



"Ang galing mo Lance!" Sigaw ko ulit. Ngayon, napa-tingin na si Lance sa akin. Halatang nagulat siya nung nakita ako.



Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon