Chapter 38
A year later.....
"Maika Venice Solidad Herrera!" Sigaw ni Atasha. Kakadating ko lang dito sa company at sinalubong ako agad ng sigaw ni Atasha. Plus, sinabi niya pa yung full name ko.
"Wahhh!" Sabi niya sabay yakap sa akin. Nakakaloka ang hyper niya to the nth leveeel!
"Atashaaaa!" Sigaw ko din sabay alis ng kamay niya sa akin. Kasi naman eh, tumatalon-talon pa siya. Nakaka-loka ang hyper talaga!
"Sorry bem! Ang saya ko lang kasi talaga!" Sabi niya. Inayos ko yung damit ko at saka huminga ng malalim.
"Ano ba kasi yun?" Sabi ko. Mukha na kasi talaga siyang di mapakali. Mukha siyang natatae na kinikilig. Hay ewan.
"Bem! Look!" Sabi niya sabay abot sa akin nung envelope na hawak niya kanina. Kinuha ko yun at tinignan...
O_o
Is this for real?! Ngumanga ako ng literal. Grabe... di ako makapaniwala!!!
"Ikaw ang pinili ng Elle Magazine para photographer nila para sa September Issue! Tinaggap din nila ako para maging fashion editor! Wahhh!"
Unti-unti akong ngumiti at saka niyakap si bem. Nagta-tatalon n kami sa tuwa ngayon. Mukha na nga kaming mga shunga eh. But, I don't care! Eh sa ang saya namin ngayon eh. This is our dream project.
Alam niyo naman siguro yung Elle Magazine diba? Sikat yun at talagang pangarap na namin dati pa na ako maging photographer dun at si maging fashion editor si bem.
Now, it's really coming true.
"Sa New York ang punta natin. Kinontact ako ng company nila kanina. Naka-book na yung flight natin next week papunta sa NY." Sabi niya. Yung saya ko nahaluan ng lungkot.
"Gaano tayo katagal dun?" Sabi ko naman. Pumunta na kami sa office niya para dun nalang kami mag-usap.
"Tatawagan na lang daw nila ulit ako. Aalamin pa muna nila." Sabi niya. Malayo din ang NY ah. Nalu-lungkot ako syempre kasi, magka-kalayo kami ni Lance.
Umupo na si bem sa may desk niya at ako sa harapan nun. Biglang tumunog yung phone niya. Tinignan niya yun at unti-unti akong ginapang ng kaba.
"Elle." Sabi niya nung nakita na niya kung sino ang tumawag. Please, sana hindi ganon katagal.
"Yes hello— Yes, Ma'am, that's us — Uh-huh,— Oh, okay, Ma'am. Thanks. Okay, Ma'am I understand. Thanks." Sabi ni bem. Shemay kinakabahan talaga akl.
"Ano?" Sabi ko. Mukha kasi siyang kabado na ewan eh. Di ko na maintindihan.
"Napa-aga ang alis natin bem. Yung flight daw na naka-book next week, para daw pala yun sa iba nilang staff. Tayo daw, bukas na agad."
"What?! Bakit bukas na agad?" Sabi ko. Nakakagulat naman yun. Bukas na agad? Agad-agad?!
"Yun ang sabi nila eh. Sinabi niya pa yung pangalan natin para i-confirm kung tayo pa yun. Tapos, 2-2 months daw tayo dun."
Napa-tayo na ako this time. "What?! Two months tapos bukas na agad?! What the fvck?!" Sabi ko. Di ko na napigilan yung sigaw ko.
Umupo na lang ako ulit at pilit na kumalma. "Ayaw mo na ba bem? Do you want to cancel it?" Sabi niya. Napa-tingin ako sa kanya.
"Look bem. Ayoko. Syempre, pangarap ko yun. Natin yun. Pero, kasi, bukas na agad yung alis natin tapos 2 months tayong mawawala? Di man lang nila tayo bigyan ng mga kahit ilang araw pa."
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...