Chapter 31
"Basta, babalik ka Ate ah." Sabi ni Kei. Paalis na kasi ako. Hapon na din kasi. Ang tagal ko pala dito sa orphanage. Tapos, itong si Kei, ayaw pa akong paalisin.
"Oo naman, Kei. Promise yan." Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya.
"Ate, gusto ko pag-balik mo dito, dala mo na yung boyfriend mo ah." Sabi niya sabay kindat. Abang bata 'to. Saan niya naman natutunan ang ganyan?
"Ano ba yan. Bata ka pa masyado. Wag mo na munang iniisip yan." Sabi ko uliy at ginulo naman ng konti yung buhok niya.
"Tara na, Kei." Sabi nung isang naka-light blue polo shirt. Hinawakan niya na sa wrist si Kei.
Ngumiti at kumaway naman si Kei sa akin. "Bye bye Ate Mimi!" Sabi niya at nag-wave din ako sa kanya. Mahilig siya sa 'bye bye'.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Sabi bigla ng isang boses sa likod ko. Lumingon ako at oh! Yung babaeng lakas maka-principal ng dating.
Nag-crossarms siya at nag-taas ng kilay. "Bakit? Bawal na ba akong pumunta dito?" Sabi ko naman.
"Nandito ka na naman siguro para mag-tanong tungkol sa tatlong damulag, noh? Sorry, pero, wala ka ng makukuhang impor—"
"Binibisita ko lang si Kei. At hindi ako nagha-hanap ng impormasyon. Kaya pwede? Wag kang masyadong defensive." Sabi ko sabay alis.
Ka-HB siya talaga ever! Hay. Lumabas na ako ng gate tapos pumara ng taxi at sumakay.
Maya-maya pa, naka-dating na ako sa bahay. Pag-dating ko, wala na naman yung tatlo sa bahay. Nag-basketball na naman ba yung mga yun? Hay.
Nag-bihis na lang muna ako at bumaba sa sala para manuod ng TV habang inaantay yung tatlo na bumalik.
Habang nanunood ako, napunta ako sa isang cooking channel. Sakto pa na baking ang episode ngayon. Nagb-bake sioa ng cupcakes. Natakam tuloy ako bigla sa cupcakes.
Mag-bake kaya ako ng cupcakes? Marunong naman akong mag-bake eh. Di ko lang talaga feel minsan. Pero ngayon, feel ko mag-bake.
Pinatay ko yung TV tapos umakyat ulit para mag-bihis. Kinuha ko yung sling bag ko at nilagay yung phone at wallet ko dun. Tapos bumaba at lumabas at punara ng taxi.
Maya-maya pa, naka-dating na ako sa supermarket. Nag-hanap ako ng mga ingredients na kailangan ko.
Nung magha-hanap na ako ng fruits para sa magiging flavor ng cupcake ko, di ko na alam kung ano ang kukunin. Di ko pala alam kung anong gustong prutas ni.... Lance.
Napa-ngiti naman ako. Natatawa ako sa sarili ko. Bakit ba gusto kong malaman kung ano yung gusto ni Lance? Eh di oang naman siya ang kakain nito diba?
Gusto ko kasi magustuhan niya yung cupcake. First time kong mag-bake para sa isang lalaki na special sa akin. Kahit yung mga ex ko, di nila alam na marunong akong mag-bake.
Namimili pa din ako. Di ko din talaga alam ano ang pipiliin.
"Gusto ko ng strawberry." Sabi bigla ng isang familiar voice mula sa likod ko.
O_O
Tama ba yung narinig kong boses? Nandito ba talaga siya? As in?? P-Pero, anong ginagawa niya dito? Paano..?
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...