- Mon Amour <3 -

54 1 0
                                    

Chapter 36


Pinihit ko yung doorknob. Nakita ko siya na naka-higa tapos naka-tingin sa left side niya. Sa may bintana.



Ayan na naman yung mabibigat kong paa. Yung totoo? May mga invisible ba na mga might bond dito?



Huminga ako ulit ng malalim. Kaya ko 'to. I can do this. Simpleng pag-amin lang yan ng feelings. Chicks lang yan.



Lumapit ako sa kama niya. Di padin niya ako napapansin or pinapansin. Haharapin ko kung magagalit man siya sa akin. Tatanggapin ko kasi... mahal ko siya.



Hinawakan ko yung kamay niya. Di pa din niya ako tinitignan. Umupo ako dun sa tabi niya sa kama. Hawak ko pa din yung kamay niya. Pinag-intertwine ko naman yun.



This time, napa-tingin na siya sa kamay namin tapos sa akin. Sheet of paper. Ayan na naman yung tingin niya na nakaka-lusaw.



"Sorry... sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nag-deny ako. Pero, alam mo kung anong totoo?" Sabi ko. Tumingin ako sa mga mata niya. Di naman siya sumagot.



"Oo, Lance. M-Mahal kita. M-Mahal na din kita... hindi bilang kaibigan, kundi bilang tao. Bilang lalaki. Mahal na din kita gaya ng kung paano yung pagma-mahal mo sa akin."



There! Sa wakas! Nasabi ko na din! Yes! Para akong nabunutan ng mga 50 na karayom sa dibdib. Parang nabawasan ng 50 kilos yung bigat sa dibdib ko.



Naka-tulala pa din siya sa akin. Naka-awang yung bibig at abg laki ng mata na watery. Hala? Bakit ganyan ying reaction niya?



Lumapit ako ng konti at hinawakan yung pisngi niya. Sinampal ko yun ng marahan. "Lance...? Lance..." sabi ko. Para kasing humiwalay bigla yung kaluluwa niya eh.



Bigla naman siyang bumitaw sa kamay ko at bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap. Napa-ngiti ako. Ang sarap talaga niya yumakap. I feel safe.


"Ang saya ko... ang saya ko, Mimi. Promise... ang saya-saya ko. Sa sobrang saya ko parang nawala na lang bigla yung sakit nung sugat ko. Mas masaya kasi yung puso ko..." sabi niya.


Okay so, nakita ko na yung ma-dramang side ni Lance. Haha.


"Wala ng bawian yun, Mimi ah? Wala na ah?"


Tumango naman ako. Desidido na talaga ako. "Oo. Wala na. Wala ng bawian yun Lance." Sabi ko. Kumalas siya sa yakapan tapos hinawakan yung pisngi ko gamit yung isa niyang kamay.


Hinawakan ko yung kamay niya na naka-hawak sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti din ako.


"I love you." Sabi niya with full of sincerity.


"I love you too." Ang tagal kong hindi naramdaman 'to. Ang sumaya ng sobra at magmahal ulit. At ang sarap talaga ng feeling. Pero, mas masarap ngayon.


"Ang tagal kong inantay ang araw na 'to, Mimi." Sabi niya sabay lapit ng unti-unti sa mukha ko. Ayan na naman... hindi ko first kiss. Hindi namin first kiss pero, as always...


Parang sasabog na naman ang puso ko. (A/N: Sabay po nilang sinabi yan sa mga isip nila. Imagine it na lang. Salamat.)


After ng ilang seconds, he's lips met mine. This time, ramdam ko na yung pag-mamahal niya. Full of love and care.


Bumitaw siya sa pag-halik sa akin. Tinitigan niya ako. Ngumiti siya at ngumiti din ako saka ko siyang niyakap ng mahigpit.


*

"Anong nangyari sa'yo?" Salubong agad na tanong ni Rex. Kakauwi lang namin ngayon sa bahay. Naka-akbay si Lancesa akin. Kunwari inaalalayan ko pero, kuma-chansing lang yan.


"Na-saksak kasi siya sa may braso nung isang gabi. Niligtas niya kasi ako sa holdaper. Sorry kung di ko na nasabi sa inyo." Sabi ko naman. Di ko pala nasabi sa kanila yung nangyari.


"Sus. Yun lang pala. Masamang damo naman yan si— Aray!" Di natuloy ni Marco yung sasabihin niya kasi hinampas siya ni Rex. Ang kulit nilang tignan.


"Baliw ka talaga. Di ka man lang nagc-care kay Lance." Sabi ni Rex na naka-pout pa. Hala, ankyut. Haha! Saka lang pala nakikita yung mata ni Rex pag naiinis? Haha.

"Sige na ah. Ihahatid ko lang si Lance sa kwarto niya." Sabi ko sabay alalay kay Lance paakyat sa kwarto niya. Pero, bago pa kami makalayo, narinig ko pa yung sinabi nila Marco.


"Diba, sa braso yung sugat? At, hindi naman siya pilay diba?" -Marco


"Kaya nga eh. Pero kung maka-kapit akala mo nawalan ng paa." Sabi naman ni Rex. Natawa na lang ako ng konti sa narinig ko. Mga baliw talaga.


Nung naka-rating na kami sa kwarto niya, nilapag ko siya sa kama. Umupo lang siya. Ayaw niya daw humiga eh. Edi sige, wag na.


"Dito ka na lang." Sabi niya habang naka-pout pala. Hala, ampanget. Jokes. Syempre ankyut niya. Kamukha niya nga si Jungkook pag nagpa-pout eh.


Hinawakan niya yung kamay ko. Paalis na kasi talaga dapat ako pero pinigilan niya. Napa-tingin ako sa kanya. Napa-puppy eyes na naman po siya.


"Du na ako sa kwarto ko. Baka mamaya makita pa tayo nila Marco na nasa iisang kwarto tapos iisipin nila na may ginagawa tayong milagro."



"Sus, ano naman masama? I love you, you love me. We're a happy family. With a great big hug and a kiss from me to you, and I would say that I love you." Sabi niya. Kinanta pa talaga niya yung theme song ni Barney. (A/N: Di po tama yung lyrics na 'And I would say that I love you. Pauso lang po yun. Haha.)



"Anong konek nung kanta ni Barney sa sinabi ko?" Sabi ko habang natatawa pa. Kasi naman eh, kantahin pa talaga yung kanta ni Barney.



"Kasi, you know, couple naman tayo. Di naman siguro masama yun." Sabi niya. Naiilang na kinikilig at the same time ako nung sinabi niya yung 'couple'.



"Hay nako. Wag ka ng makulit. Lalabas na ako." Sabi ko saka pumunta papunta sa pintuan. Di niya pa ako binitawan nung una, pero nai-alis ko pa din.



Naka-bukas lang yung pinto at lalabas na sana ako pero may biglang yumakap sa akin mula sa likod at sinara niya yung pinto gamit yung isang kamay niya.



Ni-lock niya yun at na-nigas ako sa kinatatayuan ko. Yakap niya ako at yung mukha niya naka-subsob sa leeg ko.



Ramdam na ramdam ko yung mainit niyang hininga sa leeg ko. Shocks! It's givin' me goosebumpsss.



"Mon amour..." sabi niya sabay halik sa leeg ko...


***

(A/N): Rated SPG po ang next chap XD









Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon