- Balik -

58 0 0
                                    

Chapter 29



Kay Ate? Ano na naman ba?



"What's with her?" Sabi ko.



["She's getting married next week. And she wants you to be the maid of honor. Kailangan mong pumunta dito sa bahay para masukatan."]



Si Ate? Ikakasal na next week? Bakit di ko alam? Eh kakausap lang namin kagabi tapos di niya man lang sinabi sa akin na ikakasal na siya?



"I'm happy for her. Pero bakit kailangan ko pang pumunta sa bahay? Pwede naman na dito na lang sa bahay ko ako sukatan ah?"



Nakaka-pagtaka talaga. Bakit kailangan sa bahay? Tapos di nabanggit ni Ate sa akin eh gusto niya pala ako maging maid of honor.



["Hassle naman para dun sa magsu-sukat. Kailangan niya pa pumunta sa bahay mo para lang sukatan ka. Ang layo kaya ng bahay mo dito."]



Okay. I get it. You're really wise, Dad. But sorry, I'm wiser than you.



"Well, it's part of her job." Sabi ko at natawa ng mahina. "I get it, Dad. Alam ko isa na naman 'to sa mga plano mo. Now, you're using Ate para mapa-balik ako sa bahay."



Yeah. Alam ko na yun ang plano niya. My Dad is crazy. Alam ko na pag pumunta ako dun hindi na niya ako hahayaan na maka-labas pa.



["Just a try. Akala ko kasi kakagat ka na."] Oh diba, astig namin mag-usap ng tatay ko. ["Well, last time ko ng gagawin yan. I'll give up. Di na kita pipilitin."]



"Well, that's good to hear, Dad! Anong nakain niyo?"



["Nah. Pumunta ka dito kung gusto mo malaman."] Sabi niya ang then he laughed. ["Di na kita pipilitin dahil alam ko, babalik ka din dito. Babalik at babalik ka din dito."] Sabi niya sabay end call.



I admit. Kinabahan ako sa huling sentence ni Dad. Para bang, may ginagawa na siya na di ko alam? Na para ba siyang may pinaplano? Hay ewan ko din.



Pumasok na ako sa bahay at sakto naman na gising na yung tatlo. Nasa couch sila at naka-sandal yung mga ulo sa couch. Lumapit ako at nakita na naka-pikit pala sila.



Tinignan ko yung oras sa phone ko. 10:50 am. Ganitong oras, gising na gising na yang mga yan ah. Minsan nga sila pa ang gumigising sa akin. Anong nangyari?



Para ata silang anok na antok. Sa pagka-kaalam ko, maaga naman kami natulog kagabi. Bakit inaatok pa din sila?



"Hey! Gising!" Sabi ko sabay palak-pak. Nagulat naman sila kaya napa-tayo kaagad. Mukha silang gulat na gulat na ewan.



"Gising na po kami!" Sabay-sabay na sabi nila habang naka-chin up pa. Lakas ng mga tama nitong mga 'to.



Napa-tingin sila sa akin. Para akong si Miss Minchin. Naka-messy hair bun na buhok tapos naka-cross arms at naka-taas ang kilay. Na abot Jupiter.



"Ikaw lang pala yan, Mimi." Sabi ni Rex sabay upo ulit. Parang bumalik yung antok niya kanina.



"Oo nga. Akala ko kung sino na." Sabi naman ni Marco sabay upo din. Parang kagaya nung ginawa ni Rex.



"5 minutes. Inaatok pa ako." Sabi naman ni Lance sabay upo ulit. Kagaya ulit nung ginawa nung dalawa.



Aba? Bakit ba kasi antok na antok sila?!


Lumapit ulit ako sa kanila at pinitik yung noo nila. Isa-isa. Nagising naman sila at napahawak sa mga noo nila.



"Sabi ng gising eh!" Sabi ko ulit. Tumayo naman sila at umakyat sa taas papunta ng kwarto nila.



"Opo! Ito na! Gising na nga!" Sabi nila nung nasa taas na sila. Good. Bumalik naman ako sa kusina para ayusin yung pinag-kainan namin ni Luis kanina.



*



Third Person's POV



Kakalabas lang nila ng mga kwarto nila at kaka-tapos lang mag-hilamos.



"Nakaka-inis naman kasi eh." -Rex



"Kaya nga. Na-puyat tuloy tayo. Kung pwede lang natin sabihin kay Mimi kung ano yung dahilan bakit tayo antok na antok." -Marco



"Di naman din natin pwedeng sabihin na dahil pinatawag tayo ni Master ng 10 ng gabi at pinauwi ng 2 ng madaling araw kaya tayo na-puyat." -Lance.



"Tara na nga. Nagu-gutom na ako." -Rex



*



Maika's POV



"Bakit nga kayo na-puyat?" Sabi ko ulit. Kasi naman itong mga 'to, tinatanong ko kung bakit sila napuyat kagabi, ayaw naman sabihin kung bakit. Hays.



"Na-puyat po kami kakaisip kung paano kami makaka-tulog." Sabi naman ni Rex habang kumakain. Pektusan ko kaya 'to? Isa lang. Isa lang pwede?



"Dahil di namin alam kung paano kami makaka-tulog, na-puyat kami." Sabi naman ni Marco habang tutok pa din sa pagkain.



"Oo nga po. Tapos sa kapagudan namin mag-isip kung paano kami makaka-tulog, ayun. Naka-tulog na pala kami." Sabi naman ni Lance at kumain na din.



Babatukan ko na talaga 'tong mga 'to. May dahilan nga sila tapos ang seryoso pa nila nung sinasabi yun. Eh halata naman na di totoo eh!



"Pinaglo-loloko niyo talaga ako noh?" Sabi ko naman. Sabay-sabay naman silang umiling habang kumakain.



"Naku! Hindi pooo~" Sabi nila ng sabay-sabay. Kailangan talaga mahaba yung pag-sabi ng 'pooo~'?



Napa-iling na lang ako. Sakit pala nila sa ulo kausap pag inaantok. Hay nako.



"Aalis na ako." Sabi ko sabay tayo. Lumingon ako at nakita ko na naka-tingin sila sa akin. Parang gulat na gulat. "Kayo na mag-hugas ng pinggan at mag-linis ng mesa." Sabi ko ulit.



"Saan ka pupunta, Mimi?" Sabi ni Lance. Ano ba yan, bakit ba na-aalala ko na naman yung mukha niyang nakaka-awa?



"B-Basta. May pupuntahan lang ako. D-Dito lang kayo." Sabi ko saka umalis na. Di ko na kaya makita pa yung mukha ni Lance. Lumalakas yung tibok ng puso ko eh. Hays.



Umakyat na ako sa taas. Naligo ako at nag-bihis. Simple lang yung sinuot ko. May pupuntahan lang ako ng saglit.



Sinabihan niya kasi ako dati na bumalik daw ako. Kaya babalik ako para sa kanya. Sa cute na bata.




Lumabas na ako at pumara ng taxi. Sumakay na ako kaagad.




"Ma'am, saan po tayo?" Sabi ni Manong driver.




Ngumiti naman ako. "Sa Angel's Heart po." Sabi ko at nag-drive naman si kuya.












Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon