- Baking Session -

52 0 0
                                    

Chapter 32



*batok*




"Aray naman, Mimi!" Sabi ni Lance sabay hawak sa batok niya. "Bakit mo yung ginawa?" Sabi niya ulit.




Pagka-tabi na pagka-tabi ko sa kanya, binatukan ko siya kaagad. Buti nga at hindi na siya tumatakbo. Kaya ayun, naabutan ko na.




"Bakit mo ako hinalikan sa cheeks kanina?!" Inis na sigaw ko. Kasi naman eh. "Tapos sinabi mo pa na-girlfriend mo ako, tapos may pa-akbay-akbay ka pa! Ang PDA mo alam mo yun?!" Sigaw ko ulit.




"Sus naman, Mimi." Sabi niya sabay baba nung kamay niya. "Sinakyan ko lang yung cashier kanina." Sabi niya ulit.




"Bakit?! Ano ba yung cashier, sasakyan para sakyan ha?!" Sigaw ko ulit. Ayan. Nasigaw na naman ako. Itong Lance na 'to kasi eh!




"Sorry na, Mimi, okay?" Sabi niya sabay tigil sa pagla-lakad at punta sa harapan ko. "Binibiro lang naman kita kanina. Wag ka nang sumigaw. Smile ka na lang dali," utos niya.




Aba't inutusan pa ako oh! Umiling naman ako para sabihin na ayokong ngumiti. Bigla naman niyang binitawan yung hawak niyang mga supot tapos nilagay yung dalawang index finger niya sa magka-bilang side ng lips ko.




Hinila niya yung pataas para ma-form ng smile yung lips ko. Naka-ngiti na siyang naka-tingin sa akin. "Ayan! Mas bagay sa'yo, Mimi." Sabi niya.




Mukhang shunga yung itsura ko pramis. "Mas maganda ka talaga pag naka-ngiti." Sabi niya naman. "I love you." Sabi niya sabay bitaw sa lips ko at kuha nung mga supot at nag-lakad.




Natulala naman ako. A-Ano daw? S-Sinabihan niya ako ulit ng 'I love you'. Pangalawang beses niya na akong sinabihan tapos hindi pa siya nauutal.




I inconsiously put my hand on my left chest. Sa may puso ko. Pinakiramdaman ko yung tibok niya. Sheet of paper! Ang lakas ng tibok ng puso ko.




Tinanaw ko siya. Naka-tayo pa din ako na parang tanga dito. Huminto siya at nilingon ako. Bakit parang... nag-slowmo ata?




Nung lumingon siya, lumakad na din siya papalapit sa akin. Di ko nga namalayan na nasa harapan ko na siya sa kaagad.




"Ikaw naman, Mimi. Masyado kang kinikilig. Halika na." Sabi niya sabay kuha nung supot na dala ko kanina at hila sa kamay ko. Ang galing niya ah.




Yung isang kamay hawak yung tatlong supot. Tapos yung isang kamay, hawak yung kamay ko.




Hawak niya yung kamay ko... napa-tingin ako dun sa kamay namin tapos sa kanya. Ewan pero ito na naman! Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.




*




Sa bahay ko...




"Ayan na lahat." sabi niya pagka-lapag niya ng mga pinamili ko sa may work surface. Magb-bake na kasi kami ngayon eh.




"Okay sige. Iwan mo na ako dito. Salamat." Sabi ko habang hindi siya tinitignan. Hello, diko siya kayang tignan. Pshhh.




"Sasagadin ko na ang pag-tulong sa'yo, Mimi. Tutulungan kitang mag-bake." Sabi niya. Napa-tingin ako sa kanya ng wala sa oras.




"S-Sigurado ka?" Sabi ko. Ngumiti naman siya sabay tango. Nan-laki yung mata ko. "Marunong ka?" Sabi ko ulit.




"Oo naman! Sa aming tatlo ako lang ang marunong mag-bake. Sarap na sarap nga sila sa cake ko eh." Proud na proud na proud na sabi niya.




"O-Okay sige." Sabi ko na lang din. As if naman ma-pipigilan ko siya. Magsa-sayang lang ako ng laway. Yan pa, eh ang kulit n'yan.




Nag-simula na ako na mag-halo. Sa pagha-halo ko, may ibang natalsik. Tapos nadu-dumihan na din yung kamay ko. Ay ano ba yan! Naka-limutan ko pala na itali yung buhok ko!




Hala? Paano na? Ang dami ng dumi sa kamay ko. Pag hinawak ko sa buhok ko, madu-dumihan na din yung buhok ko. Kasi naman eh, sa pagka-gulat ko kay Lance, ayan. Naka-limutan kong mag-tali.




"Tsk. Tsk. Tsk." Sabi bigla ni Lance. Naka-hawak pa din ako sa mixer tapos naka-tingin sa bowl.




O_o




Naramdaman ko na lang bigla na hinawakan ni Lance yung buhok ko. Tinali niya yung buhok ko ng pa-ponytail.... marunong siyang mag-tali ng buhok... ng babae.




"Nagb-bake ka tapos naka-lugay yung buhok mo. Tsk. Gusto mo ba na masama yung buhok mo sa cupcakes? Eww." Sabi niya. Ano daw sabi niya?




"Hahahahaha!" Sabi ko. Ewan ko ba bakit ako natawa. Natatawa kasi ako nung narinig ko siyang mag-eww! Hahaha!




"Bakit? Anong nakaka-tawa?" Sabi niya. Habang inaayos sinusuklay yung buhok ko.




"Ikaw! Hahaha! Nakaka-tawa yung pag-eww mo!" Sabi ko tapos binitawan ko na muna yung mixer at humarap sa kanya. Ayan na naman!




"Hahahahaha!" Sabi ko ulit. Ano ba yan! Ang sakit na ng t'yan ko kakatawa kay Lance. Hahaha.




"Oh? Bakit na naman?"




"Kasi yung mukha mo eh! Puro ka flour tapos naka-pout ka pa kanina. Hahaha! Nakakatawa ka ngayon, Lance ah! Haha!" Sabi ko ulit. Tawang-tawa talaga ako sa kanya!




"Grabe ka talaga." Sabi niya. Tumatawa pa din ako at nakita ko na natatawa na din siya. Napa-tigil ako. Ngayon ko oang kasi siya narinig tumawa...




"Hay. Okay lang ako ang pag-tawanan mo. Basta ba, nakikita kita na tumatawa at masaya." Sabi niya ulit. Hindi na siya tumatawa pero naka-ngiti.




Kinuha niya yung isang face towel na naka-lagay sa may isang tabi. Pinunasan niya yung noo ko. Pawis na din kasi ako. Nilagay niya naman yung ilang strands ng buhok ko sa likod ng tenga ko.




Pinupunasan na niya yung pisngi ko tapos bigla siyang napatigil. Naka-tingin lang siya sa akin. Ang seryoso na niya.




Nag-titigan lang kami for about a minute. Binaba na niya yung face towel at hinawakan yung chin ko. Sa lapit ng mukha niya na-duduling na ako.




"Kahit hindi ngayon. Kahit hindi mo ako ngayon mahalin. Mag-iintay ako. Pag mahal mo kasi ang isang tao, maghi-hintay ka sa kanya kahit gaano katagal. Basta, sana manatili pa din tayong ganito. Masaya. Nagta-tawanan. Kahit anong mangyari." Sabi niya.




Bakit ba ako naiiyak sa speech nitong lalaking 'to?




Hinalikan niya yung noo ko. At nagwala yung pakiramdam ko nung ginawa niya yun. Siya lang ang kauna-unahang lalaki na hinalikan ako sa noo. Siya lang... siya lang...




"I love you, Mimi. I will always do. At, aantayin ko yung araw na sasabihin mo din sa akin na mahal mo ako."











Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon