- Aminin Na Kasi -

56 1 0
                                    

Chapter 28



*Ding dong!!!* *Ding dong!!!*



Bumaba ako pagka-rinig ko ng doorbell. Nag-text sa akin kanina si Luis. Sabi niya dadaan daw siya dito sa bahay bago siya pumuntang airport. Ewan ko saan siya pupunta.



*Ding dong!!!* *Ding dong!!!*




"Saglit!" Sabi ko. Nung naka-baba na ako, huminga muna ako ng malalim bago ko buksan yung pinto. Para di mahalata ni Luis na di ako okay ngayon.




Ikaw ba naman konsensyahin ng konsensya mo buong mag-damag? Kaya ayun, di ako naka-tulog ng maayos.




Binuksan ko na yung pinto ng naka-ngiti. "Gurl!!" Sigaw ni Luis sabay yakap sa akin. Niyakap ko din siya. Simula nung hinatid ko siya sa condo niya, di na kami gaanong nagki-kita. Pero, textmate kami.




"Na-miss kita, Luis!" Sabi ko. Kumalas naman siya ng yakap sa akin. Tapos tinignan niya ako na parang nandidiri siya. Hala?




"Yuck, gurl. Ang chakaness ng Luis. Parang boy na boy. Mas bongga yung Yssa! Yun na lang itawag mo sa akin. Mas bet ko." Sabi niya naman. Yssa? Siryusli? Hay hayaan na nga.





"Okay, Yssa." Sabi ko naman. "Halika, pasok ka." Sabi ko tapos pinapasok ko na siya. Pagka-pasok niya, para siyang may hinahanap. Ah, alam ko na kung sino.





"Gurl, nasaan yung mga fafa mong pinsan?" Sabi niya habang nag-hahanap pa din. Sabi na eh, hinahanap niya yung mga damulag.





"Nasa taas. Tulog pa." Sabi ko naman. Bigla naman siyang nag-pout. Ay hala? Anong mukha yan? Eww. "Eww, Yssa. Kadiri, di bagay sa'yo mag-pout." Sabi ko.





"Grabe ka talaga, gurl." Sabi niya sabay tulak sa akin papuntang kusina. "Sige na. Mag-luto ka na lang. Nagugutom na aketch." Sabi niya ulit.





"Ay grabe. Pumunta ka lang dito para maki-kain? Ang yaman mo tapos makiki-kain ka pa talaga?" Sabi ko naman. Humarap ako sa kanya.




"Wag na madaming satsat, gurl! Gora na! Luto na!" Sabi niya at tinulak-tulak na lang ako. Inirapan ko siya at no choice kundi mag-luto na lang.




Habang naglu-luto ako di ko na naman maiwasan na maisip yung mukha ni Lance. Nakakainis naman oh. Nakaka-guilty talaga eh. Yung mukha niya talaga....ugh! Hirap i-explain.



Ewan ko ba kasi. Tama naman kasi yung konsensya ko eh. Totoo naman pero pinipilit ko pa ding i-deny. Sobrang in-denial ko na ba? Nahihiya lang kasi talaga ako na malaman niya.



And isa pa malay mo pag nalaman nila, halimbawa, na ako at si Lance, may gusto sa isa't-isa, tapos malalaman nila na mas bata si Lance sa akin. Eh di iisipin nila na ang pedo ko.



Tapos baka mamay— "Gurl! Yung niluluto mo masu-sunog na yan!" Sigaw ni Lu–Yssa. Natigil naman bigla yung pag-iisip ko. Tinignan ko yung niluluto ko. Muntik na siya masunog.


"Sorry! Sorry!" Sabi ko sabay patay ng stove tapos nilagay na sa lalagyanan yung niluto ko. Luto na rin kasi at muntik lang ma-overcooked.



Pagka-lagay ko sa lalagyanan, inalis ko na sa kamay ko yung cooking gloves at nilagay sa mesa yung plato.



"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo, gurl. Baka ma-lunod ka ah. Ingat." Sabi niya. Huminga nalang ako ng malalim.



"Ano ba kasi yang iniisip mo? Care to share?" Sabi niya ulit. Umupo ako dun sa may mesa tapos siya dun sa tapat ko.



"Wala. Di naman na kailangan pang i-share eh." Sabi ko naman. Ayoko lang talaga sabihin sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko. Ang gulo!



"Sige na gurl. Kung wala at di na kailangang i-share, bakit muntik ng ma-sunog yung niluluto ma kanina? Sige na kasi. Friends tayo dito oh!" Sabi niya ulit.




Tinignan ko siya. Hay. Sige na nga. Kaya ayun, kinuwento ko lahat sa kanya. From the top up to present.


*


"Ohemgee, gurl!" Sabi niya with matching takip-bibig pa. "Hindi ko alam gurl magaling ka pala sa taguan! Haha!" Sabi niya habang tawang-tawa siya.


"Ewan ko sa'yo. Nakuha mo pa tumawa, eh samantalang ako di ko na alam kung anong gagawin."


"Sus naman gurl! Eh di ipagtapat mo! Sabihin mo sa kanya na totoo naman yung nalaman niya. Sabi mo naman, di naman talaga kayo mag-pinsan. Oh, wha'ts the problem? Bakit di mo pa aminin sa kanya?"


"May di ka pa kasi alam. Isa pa, ayoko lang talaga. Kung pwede nga lang alisin ko na lang yung pagka-gusto ko sa kanya eh." Sabi ko na naman. Ngayon, kumakain ka din kami.



"Eh ano ba kasi yung di ko pa alam? Ipaalam mo naman gurl. Para alam ko! Ay, ang daming word na 'alam' dun ah. Haha!" Sabi niya na naman.



"May sakit sila sa utak. Sialang tatlo. Pumunta ako dun sa orphanage kung saan sila galing at sabi doon na may mental disorders sila." Sabi ko ulit.



"OMG! Ganurn?" Sabi niya naman. "Hay saklap naman gurl. Pero, base sa kwento mo, narinig mo si Lancey baby na nag-salita ng pang-matured talaga. Eh kung may sakit sila, bakit nakapag-salita sa matured na boses si Lance?"


Napa-isip ako dun. Oo nga noh? Bakit ba di ko naisip yun? Nagta-taka na tuloy ako ngayon kung may sakit ba sila talaga o wala.


"May point ka dun, Yssa. Pero alangan naman na mag-sinungaling yung mga pinag-tanungan ko dun sa orphanage? Bakit naman nila gagawin yun?" Sabi ko naman.


Bakit nga naman kasi nila ako lolokohin? Bakit kailangan nilang sabihin na may sakit silang tatlo kung wala naman pala?


"I dunno gurl. Pero, ang gulo-gulo na. Ang sakit sa bangs." Sabi niya sabay naman ng pag-tunog ng phone niya. Kinuha niya yun at tinignan. Tapos tumingin sa akin.


"Sorry, gurl. Pero, kailangan ko ng umalis. Pumunta talaga ako dito para mag-paalam. Pupunta ako ng New York. Unwind. And, nag-text na yung kaibigan ko, I need to go to the airport na." aniya.


Tumayo siya at niyakap ako. Kaya pala, yun pala yung sinasabi niya sa text kanina. Aalis pala siya.


"Mami-miss kita gurl! Pero, isang favor lang. Dapat pag-balik ko here, naka-pag tapat ka na ng feelings kay fafa Lance ah. Dapat kayo na pag-balik ko." Sabi niya sabay beso.


"Ewan ko sa'yo. Sige na. Bye, Yssa. Mami-miss din kita." Sabi ko at lumakad na siya palabas. Hinatid ko naman siya hanggang sa gate. May dala pala siyang sasakyan.


Nung maka-alis na siya, sakto namang tunog ng phone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at tinignan kung sino.


Dad Calling....


Huminga ako ng malalim. Ano na naman bang kailangan nito? Pinindot ko yung answer call.


"What now, Dad?"


["I've got something to tell about your Ate."]












Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon