- Ampunan -

89 2 0
                                    

Chapter 18



"Ayan na." Sabi ki sabay lapag ng niluto ko sa harao nung mga damulag.



"Yes! Salamat Mimi!" Sigaw nila ng sabay-sabay. Umupo na lang din ako at kumain.



Habang kumakain, may biglang nag-pop up sa isip ko. Kailangan ko pala malaman ang tungkol sa buhay ng mga 'to. Gusto ko malaman kung bakit nila ako tinatawag na nanay nila.


Gusto ko din malaman kung may mga sakit ba sila or what. Para naman alam ko din noh. Baka mamaya may bawal pala sa kanila, di ako matatahimik pag may nangyaring di maganda.



I still care for them.



"Ay. Oo nga pala. May gusto akong tanungin sa inyo." Sabi ko naman. Napa-tingin naman sila ng saglit sa akin tapos kumain din.



"Ano po yun, Mimi?" Sabi ni Rex tapos kumain ulit.



"Sabi niyo sa akin dati, nanggaling kayo sa ampunan diba?" Sabi ko naman. Napa-tingin naman sila sa akin.



Nagka-tiginan sila tapos tumango ng dahan-dahan sila Rex at Marco. "Gusto ko sana malaman kung anong name nung ampunan." Sabi ko ulit.



*cough* *cough*

*cough* *cough*

*cough* *cough*



Sabay-sabay naman na-ubo yung tatlo. Na-bilaukan. Bakit? May nasabi ba akong masama?



"Eh, M-Mimi... b-bakit mo naman t-titina-tanong?" Sabi ni Rex pagka-tapos uminom ng tubig.



"Wala lang. Gusto ko lang malaman. Magta-tanong lang ako tungkol sa inyo." Sabi ko sabay kain.



"Ah-eh... w-wag na M-Mimi! D-Di naman kami masamang tao. Okay na yun. Di mo na kaylangan pa mag-tanong." Sabi naman ni Marco habang pinupunasan pa yung bibig niya.



"Eh gusto ko eh. Sabihin niyo na lang kasi kung ano yung pangalan!" Sabi ko naman. Nakaka-inis kasi eh. Ang dami pang sinasabi.



"Ah-eh... k-kasi, Mimi... di na namin ma-alala. Oo tama! Yun nga! Di na namin ma-alala kung saan yun at kung ano yung pangalan. Oo tama..." sabi naman ni Rex.



"Ah--ah! Oo nga po! D-Di na namin ma-alala. Sorry, Mimi. Tara kain na ulit!" Sabi ni Lance sabay kain ulit.




Aba talaga naman. Halatang-halata naman na umiiwas sila eh. Ayaw pa talaga sabihin sa akin. Hay nako!



"Ah-eh... w-wag kang mag-alala, Mimi. A-Alalahanin namin. Oo tama... yun nga..." sabi naman ni Marco.



Tinapos ko na yung pagkain ko at tumingin sa kanya. "Siguraduhin niyong ma-aalala niyo ah!" Sabi ko sabay tayo.



Tumigil ako at tumingin ulit sa kanila. "Or else.... goodbye bahay!" Sabi ko sabay diretso na sa sink para hugasan yung plate ko.



*



Third Person's POV


"Paano na?" Bulong ni Lance nung naka-sigurado siya na nasa kusina na si Maika.


"Wala akong maisip na paraan.... wala..." sabi ni Rex. Mukha na din siyang baliw. Natatranta na kasi siya.


"Teka, may naisip ako..." sabi ni Marco sabay tayo. Pumunta siya ng CR.


Nung naka-rating siya sa CR ay ni-lock niya agad yung pinto. Nilabas niya sa bulsa niya ang kanya cellphone. Ginagamit lang nila ito pag kailangan.


Mabilis niyang dinial ang number ni Master. Matapos ang tatlong ring, sinagot na ito.



"Hello, Master."



["Oh, Marco. Ikaw pala. Problem?"]



"Opo. Si Miss Maika po kasi..."



["What's with her?"]


"Ah-eh... tinatanong niya po kasi kung ano yung pangalan nung orphanage na pinanggalian namin."



["Oh! Sorry... naka-limutan kong sabihin sa inyo. Angel's Heart Orphanage. Yun yung sabihin niyong name."]




"Pero... Master. What if, pumunta siya dun? Sabi niya kasi, mag-tatanong daw siya about sa aming tatlo."



["Don't worry, Marco iho. Oriented na ang mga tao dun. Sinabi ko sa kanila na pag may Maika Herrera na pumunta dun, sabihin nila ang mga sinabi ko sa kanila."]



"Master... pwede ko po ba malaman yung sinabi niyo sa kanila?"



["Nah. It's just about your fake personalities. Fake informations. Yun lang. So, may iba ka pa bang tanong? I'm kinda busy right now."]



"Wala na po, Master. Salamat po." Sabi ni Marco sabay baba ng telepono.




Napa-tingin siya dun sa wallpaper niya tapos sa salamin na nasa harapan niya.




"You're really something, Maika Venice Herrera."


*


Maika's POV



"Ano? Di niyo pa din matandaan?" Sabi ko sa tatlo. Naka-upo ako sa harapan nila. Nandito kami sa couch. Hinihintay si Marco lumabas ng CR.



Umiling naman silang dahan-dahan. Haish. Mga walang kwenta 'tong mga 'to. Mga isip batang ulyanin. Diba pag bata, di pa naman ganon ka-ulyanin? Hay! Iba din 'tong mga 'to.




"Hi!" Sabi bigla ni Marco sabay upo sa tabi ni Lance sa may couch. Bakit parang ang tagala ata nito ni Marco?




"Guys? Bakit ang seryoso niyo?" Inosenteng sabi ni Marco. Napa-tingin ako sa kanya. Napa-tingin din siya sa akin.




"Ikaw Marco!" Na-gulat naman siyasa biglang pag-sigaw ko. "Na-alala mo na ba yung pangalan ng orphanage?" Sabi ko.



"Ah.... teka..." sabi niya habang nag-iisip pa. "Aha! Opo! Natatandaan ko na!" Sabi niya. Mukha namang naka-hinga ng maluwag yung dalawa.


Pag wala kasi silang masagot sa akin, palalayasin ko na sila dito sa bahay.



"A... Angel's Heart... Ayun! Tama! Angel's Heart Orphanage." Sabi ni Marco. Angel's Heart? Parang familiar nga sa akin yun..


"Angel's Heart... hmm. Okay sige." Sabi ko. "Pasalamat kayo, Rex at Lance, na-alala ni Marco. Kung hindi niya na-alala, wala na kayong bahay ngayon." Sabi ko ulit.



"Salamat." Sabay na sabi naman nila Rex at Lance kay Marco. Nag-pasalamat nga. Masyado naman nilang sineryoso.



*


Kinabukasan...



"Bem, samahan mo ako mamaya ah. Punta tayo ng Angel's Heart." Sabi ko kay bem habang kumukuha ng kape. Nandito na ako sa work ko.




"Orphanage yun diba? OMG, bem! Bakit? Maga-ampon ka na? Yey!" Sabi bigla ni bem. Sinamaan ko siya ng tingin.



"Seriously bem? Oo, mahilig ako sa bata pero, hello. Tatlo na nga ang hirap na alagaan, da-dagdagan ko pa?" Sabi ko naman sabay inom ng kape.



"Eh ano ba kasi gagawin natin dun?" Naka-pout na sabi ni bem. Ay nako! Di talaga bagay yung pout sa kanya.




"Dun kasi sa orphanage na yun galing yung tatlong damulag. Pupunta ako dun para makakuha ng mga infos." Sabi ko naman.




"Ahh akala ko naman kasi kung ako. Okay!" Sabi niya naman sabay balik sa desk niya.



Ang dami kobg tanong... ang dami kong gustong malaman tungkol sa tatlong yun. Ay? Naging curious ako bigla?










Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon