- Camp Site -

44 0 0
                                    

Chapter 33



"Na-deposit ko na sa mga bank accounts niyo ang mga salary niyo for this month. Pwede niyo ng makuha yun mamaya." Sabi ni Madam. Oh yes, may sweldo na kami.



"Yes! Makukuha na natin yung sweldo natin mamaya!" Excited na sabi ni bem. Nag-lakad na kami palabas ng office. Uwian na din kasi at tinawag lang kami ni Madam para sabihin yun.



"Ano, bem? Pasyal tayo!" Sabi ni bem habang papunta kami sa sasakyan niya. Napa-isip ako. Good idea din naman.



"Okay sige." Sabi ko sabay ngiti. Pumasok na kami sa sasakyan ni bem. Umupo lang muna kami at di niya muna yun pinaandar.



"Okay then! Saan mo gusto?" Sabi ni bem. Di ko din alam eh pero, parang gusto kong isama si Lance? I mean, sila Marco, Rex, at Lance. Silang tatlo. Hindi si Lance lang. Hindi.



"Kahit saan naman pwede eh. Ah, bem." Sabi ko. "Pwede ba nating isama sila Lance?" Sabi ko. Bigla namang ngumiti ng sobrang lapad si bem. Yung may halong pang-aasar pa.



"Talaga? Mali ka ata ng sabi bem eh. Parang ang gusto mong sabihin ay, SI Lance at hindi SILA Lance."



"Uy, bem, hindi ah! Silang tatlo nga gusto kong isama. Para naman di sila ma-bore sa bahay."



"Sus bem. Alam mo ang clingy mo."



"Clingy?"



"Oo. Clingy. Ayaw mo na kasing mahiwalay kay Lance eh. Nako bem ah. Iba na yan." Sabi niya at inirapan ko naman siya.



"H-Hindi kaya!" Sabi ko naman. Pero alam ko, ang pula na naman ng pisngi ko. Kasi naman eh.



"Okay, sabi mo eh. Sige na. Isama na din natin SILA." Emphasizing the word 'sila'. Nag-aasar kasi talaga siya eh.



"Bukas. Suduin ko kayo. 7am. Hihiramin ko yung van ni Dad at yung driver niya. Sa Laguna tayo." Sabi niya sabay lagay ng susi sa kotse niya at pinaandar niya na yun.



*



Kinabukasan sa Laguna...


"Seriously, bem?" Sabi ko habang naka-tingin sa lugar na pinuntahan namin. As in? Dito talaga? "Sa Camp Site? Anong nakain mo at gusto mong bumalik bigla sa pagiging girl scout?"



"Bem, maganda naman dito eh. Adventure. Oh diba. Masaya dito, promise." Sabi niya ulit. Umiling-iling na lang ako. Pumunta pa talaga kami ng Laguna. Hay nako, bem.



Nilapag na namin yung mga gamit namin. Kaya pala eh, may nakita kasi akong mga camping materials kanina sa likod ng van nila. Akala ko sa Dad niya, gagamitin pala namin.



"Goodafternoon! Welcome to El Feliz Camp Site! Where you can experience adventure and nature!" Sigaw nung isang naka-boy scout na uniform tapos papalapit sa amin.



Nung naka-lapit na yung boy scout sa amin, in-orient niya na kami. Kung saan ang ganito, kung ano ang ganyan. And something something.



"Okay! So, pagka-ayos niyo ng tent niyo, magsa-start na tayo sa ating activities! Yehey!" Sabi ni Scout V Cut. Ang sarap nung pangalan niya eh noh? Tinanong namin siya bakit ganon ang pangalan niya pero sabi niya, dun daw kasi siya pinag-lihi.



Ahh, ganon pala. Now I know kung bakit mukha siyang potato. Haha. Joke lang. Peace lang.



Pumunta na kami sa mga pwesto kung saan naka-pwesto yung ipu-pwesto yung mga tent. Ay, ang daming pwesto ng paragraph na yun.



Partner-partner. Dahil lima kami, yung isa, ka-partner ay isa ding scout. Kasamahan nila dito. So, ang magka-kapartner ay, Atasha and isang girl scout, Marco at Rex, and syempre, ako at si Lance.



Nag-simula na kami na ayusin yung tent. Shocks. Bakit ba dito pa kami namasyal? Pasyal nga eh. Dapat mag-relax. Pero eto kami at nagpa-paka scout. Sorry pero, di ko feel maging scout ngayon.



Pero, masaya ako. Kasi kasama ko si bem. Si Marco, si Rex, at.... si Lance. Pero, kasi eh. Di naman ako naging scout dati. As in, never akong naging scout nung nag-aaral palang. Pero, naging CAT.



Kaya ito ang problema ko. Paano mag-tayo ng tent? Paano kami maglu-luto ng pagkain? Hay! Sana talaga nag-scouting ako dati.



"Mimi!" Sigaw ni Lance. Napa-tingin ako sa kanya. Naka-tayo siya dun sa kabilang gilid ng tent.




"Ano yun?" Sabi ko din. Tinuro-turo niya nman yung tent.




"Ayusin na natin." Sabi niya at tumango-tango nalang ako. Kahit di ako marunong mag-tayo ng tent.




Unti-unti na ding natayo ni Lance yubg kabilang banda ng tent. Tapos ako ginagaya ko lang siya. Ayos din yung panggaya ko, at least natayo ko yung kabilang side ng tent. Hihi.




"Okay, campers! Ngayon mags-start na tayo!" Sabi ni Scout V. Na-agaw naman niya yung pansin namin. Pumunta na kami dun sa may open field. Dito may oarang mga obstacle course.




"You need to pass here and then go there and then roll over there and then jump there and then U-Turn and then repeat the process until you get back here." Sabi ni Scout V habang tinuturo yung mga obstacle.




Seriously? Ganito ba ang ginagawa sa scouting? Eh ganito din naman yung ginagawa namin sa CAT eh. Sus. Wala din naman atang pinag-kaiba. O meron?




"Okay. The first pair to get back here will win an award and prize." Sabi niya ulit at sabay pito. Kaya ayun, tumakbo kami papunta dun sa first part.




*




Ayan na! Ayan na! Mananalo na kami ni Lance! Isang bar nalang tapos finish line na! Mananalo na kami! Mananal—




"Ahhhh!" Sabi ko. Sa sobrang pagma-madali ko, hindi ko nahawakan yung last bar kaya ayun, na lag-lag ako.




"Mimi!" Sigaw ni Lance sabay lapit sa akin. Buti damuhan 'tong binaksakan ko kung hindi baka pati ibang buto ko ma-apektuhan.




"Mimi! Ayusin ka lang?! Anong masakit ah?!" Nagpa-panic na din si Lance. Tinignan niya ako at hinawakan ako sa balikat. Kitang-kita yung alala sa mata niya.




"Okay kang ako. Pero, yung paa ko di ata okay." Sabi ko habang naka-hawak sa malapit sa paa ko. Nabali ata yung buto ko dun. Huhu. Di na ba ako makaka-lakad? OMG. Lord wag po please.




"Alin?" Sabi niya. Tinuro ko naman yung bandang masakit. Hinawakan niya yun pero, hawak palang masakit na.




"A-Aray.. Lance masakit." Sabi ko. Tinitignan niya kasi at medyo pinapaling-paling niya. Eh masakit pag nagagalaw.




"Na-sprain ka ata. Halika," sabi niya at binuhat ako. Bridal style. Nagulat ako sa ginawa niya. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Kahit na pawis na siya, ang bango niya pa din.




Bakit ganon? Ang bango ng pawis niya. Nakaka-inis.




Dinala niya ako sa isang parang clinic or parang health center dito sa loob lang din ng camp site. Inupo niya ako sa isang bed dun. Hinawakan niya yung pisngi ko bigla.




"Sa susunod, Mimi magi-ingat ka na ah. Ayoko kasi napapahamak ka. Ayoko na nasasaktan ka. Mahirap para sa akin na nakikita kang ganyan."










Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon