Chapter 26
LB?!?!!?!
Aba sino naman 'to?! Naka-titig pa din ako sa papel. Sino naman si LB? Tapos masaya daw siya sa nalaman niya? Eh ano ba yung nalaman niya? Baka mali ng bigay yung lalaki.
"Bem! Alam ko na!" Sabi ni bem. Nandito na kami sa office. Pinakita ko na din sa kanya yung papel kanina. Ngayon, iniisip namin kung sino si LB.
"Anong alam mo na bem?" Sabi ko naman. Binaba ko na muna yung sticky note at tumingin kay Atasha.
"Kung sino si LB." Sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko.
"Talaga? Sino bem?" Sabi ko. Kanina pa kasi talaga ako nacu-curious kung sino si LB eh. Kung ano yung nalaman niya at bakit siya masaya.
"Si Lance." Walang ka-abog-abog na sabi niya. Napa-tulala naman ako. Ano? Bakit naman si Lance?
"Paano mo nasabing si Lance si LB?" Sabi ko naman. Kinuha niya yung papel sa akin.
"Oh, anong kulay ng sticky note?" Ano ba yang tanong niya. Akala mo naman kinder ako tas siya yung teacher.
"Blue." Sinagot ko na lang din.
"Oh, anong pangalan ni Lance? Yung full."
"Lance Blue Alcantara."
"Oh. Blue. Lance Blue. LB." Sabi niya sabay bigay nung papel sa akin. "Baesic." Sabi niya naman. Oh edi siya na. Siya na talaga!
Pero, si Lance? Siya si LB? Pero ano yung nalaman niya na ikinatuwa niya? Naguguluhan pa din ako.
"Eh paano mo naman ie-explain yung letter niya?" Sabi ko ulit. Ano ba kasi meaning nung letter niya?
"Aba, edi itanong mo na sa kanya. Ako na nga nakakuha kung ano yung LB eh. Ako pa din sa letter?" Sabi niya naman. Ay nako talaga si bem.
"Sus naman. Tutulong ka na nga bakit di mo pa lubusin?" Sabi ko naman. Inilagay ko na lang din muna yung papel sa bag ko.
Mamaya ko na lang muna iisipin yung letter na yan. Itatanong ko na lang kay Lance mamaya. Kung siya nga si LB.
*
Nandito na ako ngayon sa bahay. Kakadating ko lang. Yung tatlo nag-paalam, magba-basketball daw sila. Gusto ko nga sana mag-basketball din eh pero, may kailangan akong gawin.
Pumunta ako sa kwarto at nag-ayos ng gamit tapos nag-bihis. Kinuha ko yung camera ko at napag-isipan ko na mag-picture sa may garden.
Nagha-hanap ako ng pwedeng picturan. Nag-hanap ako sa mga halaman. At ayun! May nakita akong butterfly. Ang ganda niya. Color blue at black yung pak-pak niya.
Mahilig din ako sa mga butterflies. Dati, nung highschool, lagi ko silang pini-picturan gamit ang phone ko. Wala pa kasi akong cam nun.
Pinicturan ko yung butterfly. Pero nung nakita ko yung image, ang pangit. Ang blurd. Tinignan ko yung lens. Kaya pala eh. Medyo madumi na din pala yung lens.
Umakyat ako ulit para kuhanin yung pang-linis. Pero, di ko siya mahanap sa kwarto ko. Ang alam ko meron akong panlinis dun sa isang kwarto. Yung kwarto ni Marco ngayon.
Kaya pumunta ako dun. Wala pa naman sila eh. And, hahanapin ko lang yung pan-linis sa lens ng cam ko.
Pumunta ako dun. Hindi naman nila nilo-lock. Pag gabi lang sila naglo-lock. Pumunta ako sa may drawer tapos binuksan yun.
Nag-hanap-hanap pa ako. Asan ba yun? Natigilan naman ako sa pagha-hanap nung may nakita ako. Kinuha ko yun at tinignan.
Di ko ugali mangialam ng gamit ng may gamit pero, picture ko 'to eh! Stolen pictures ko di pa ba ako makikialam?!
Sa pictures na 'to, kinuha 'to bago ko pa makilala sila Marco ah. Bakit may ganito si Marco sa mga gamit niya? Bakit may pictures ako dito?
"Mimi?" Sabi ni Marco. Napa-tingin ako sa pintuan. Nakita ko si Marco na pawis pa at naka-jersey. Naka-tingin siya sa akin. Tapos napa-tingin sa hawak ko.
"Bakit ka nandito, Mimi?" Sabi ni Marco sabay lapit sa akin at kuha nung hawak kong pictures.
"Ah, hinahanap ko kasi yung pan-linis ng lens ng camera ko. Alam ko kasi meron non dito kaya hinanap ko dito sa kwarto mo. Pero, nakita ko yan." Sabi ko sabay turo sa pictures.
Tinignan niya yung pictures at nagulat siya. Siguro nagulat siya na nakita ko yung pictures na yun. Bakit nga ba kasi siya may pictures ko?
"Bakit may ganyan ka dito sa drawer? Ang alam ko wala akong ganyan dyan bago kayo dumating." Sabi ko ulit. Nag-cross arms ako. Tumingin naman siya sa akin.
Yung pawis sa mukha niya, di ko alam kung dahil ba yun sa pagla-laro niya or dahil kinakabahan siya.
"Ah-eh... d-dati p-pa nasa akin 'tong pictures. B-Binigay po s-sa akin 'to ni lola. S-Sabi niya, ito daw ang nanay namin." Sabi niya naman habang naka-yuko.
Di ako magaling mag-recognize ng nagsi-sinungaling sa hindi. Pero ewan ko ba, pag-dating sa mga damulag na 'to, alam ko kung kailan sila nagsi-sinungaling at kung kailan hindi.
Mother's instinct.... yesh! Haha!
Of course not! I'm not their mother.
"Okay. If you say so. Sige na, aalis na ako. Wala ata dito yung hinahanap ko." Sabi ko sabay alis na. Ayoko na siyang kulitin na hindi siya nagsa-sabi ng totoo. Alam ko naman di siya aamin.
Pero, it's still weird. Bakit meron si Marco ng stolen pictures ko? Hay ano ba yan!
Pagka-labas ko, sakto namang dating nila Rex at Lance. OMG. Na-alala ko na naman yung kiss, yung 'I love you', yung letter. Yun letter! Oo tama! Tatanungin ko pala si Lance about dun.
"Hi Mimi!" Bati ni Rex. Nginitian ko naman siya.
"Mimi, bakit ka galing sa kwarto ni Marco?" Sabi ni Lance. Ngayon balik na naman sa pambata yung boses niya. Minsan talaga iniisip ko na baka hindi nga totoo yung kagabi.
"Ah-eh, may hinanap lang ako. Sige." Sabi ko sabay pasok na sa kwarto ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Everytime talaga na makikita ko si Lance. Hayy!
Umupo ako sa kama. Kinuha ko yung blue na sticky note sa bag ko. Tinignan ko na naman yun.
"Ikaw ba talaga si LB, Lance?" Sabi ko sa sarili ko. Kung si Lance nga si LB, ano ba yung nalaman niya na ikinatuwa niya?
Hay! Tatanungin ko na nga siya! Amp.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Roman pour Adolescents[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...