Chapter 20
"Mimi! Mimi, saan ka galing?"
"Mimi! Bakit wala ka sa office mo kanina?"
"Mimi. Saan ka ba pumunta? Sabi nung babae dun sa office niyo umalis ka daw."
Pambungad ng mga damulag sa akin. Pagka-pasok ko palang sa pinto ng bahay, sumulpot na agad sila at pinaulanan ako ng tanong.
"Teka nga, paano niyo nalaman na umalis ako? Pumunta ba kayo sa office?" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila ng sabay-sabay.
"Eh bakit kayo pumunta dun? Diba sabi ko wag kayong pupunta dun?" Sabi ko naman. At ayan na naman sila.
Nilagay na naman nila yung mga kamay nila sa batok nila tapos nag-puppy eyes at tumingin sa akin. Oh please. Mukha silang mga aso.
Mga asong gwapo! Uy! Aminin mo, Maika!
Shhhh!
"Eh kasi Mimi, may tumawag kanina. Hinanap ka." Sabi ni Marco. Bakit ba naku-cutan ako sa ginagawa nila ngayon?!
"Oo nga. Sa habang ng tawag, yung hinahanap ka lang niya yung naintindihan namin. Puro kasi siya tawa." Sabi naman ni Rex.
"Tapos para siyang baliw. Nung tinanong namin kung sino siya, di namin naintindihan kasi tumawa na naman siya." sabi ni Lance. Oh shocks. Bakit ko ba iniisip na ang hot tignan ni Lance?! No! No. ERASE!
"Kaya niyo ako hinanap sa office?" Sabi ko. Tumango-tango naman sila. Tinaggal na nila yung kamay nila sa mga batok nila at naging normal na yung mga mukha nila.
"Ohmygee!" Biglang sigaw ni bem. Ano ba 'to? Ang sakit sa tenga ng sigaw.
"Bem. Pwede wag kang sumigaw?" Sabi ko naman. Napa-tingin na din kaming lahat sa kanya.
"Sorry bem. Eh kasi... nagpa-panic na ako dito!" Sabi niya. Uh-oh. Narinig ko na naman yang 'nagpa-panic na ako dito!' line niya. Di maganda ang nangyayari pag naririnig ko yan eh.
"A-Ano ba kasing problema?" Sabi ko. Kinakabhan na din ako eh. Huli ko kasing narinig yang line ni bem is nung na-ospital si Lance.
"Look!" Sabi niya sabay abot ng cellphone niya. Kinuha ko namn yun at tinignan kung anong bang meron dun.
Nakita ko naman yung picture ni Paul tapos may caption sa taas.
"Ang hot model na si Paul Thomas, naka-takas!"
Yan yung caption. Nanlaki yung mata ko bigla. What?! S-Si Paul n-nakatakas?! Binasa ko ulit yung isang paragraph.
"Sinasabi na si Paul, na kamakailan ay nabalitaang may mental disorder ay nakatakas mula sa mental hospital kung saan siya kinonfine. Di alam ng mga nurse at pulis na nagba-bantay kung paano ito nangyari."
Kinakabahan ako. May mental disorder siya. Baliw siya. Tapos sinasabi niya pa na sa kanya lang ako. Paano kung balikan niya ako at this time, mapatay na niya ako.
"Bem? Okay ka lang?" Sabi ni bem. Tumango na lang ako kahit na ang totoo, hindi. Natatakot pa din ako sa pwedeng gawin ni Paul sa akin.
"Aakyat na ako sa taas." Sabi ko sabay bigay ng phone kay bem at akyat papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko naman yun.
Paano kung si Paul pala yung tumawag kanina? Kung siya pala yung nagha-hanap sa akin? Natatakot ako. Baka bukas, makita ko na lang siya bigla at kung ano ang gawin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Novela Juvenil[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...