- He's back? -

73 1 0
                                    

Chapter 22

Maika's POV


Kinabukasan....

Goodmorning! Bumangon ako sa kama ko at nag-inat-inat. Hay... ang sarap ng tulog ko. Ewan basta ang sarap ng tulog ko kagabi.



Tinignan ko yung phone ko. Nag-text na si bem kung papasok na daw ba ako. Nireplayan ko siya ng oo.


Nag-hilamos ako at nag-toothbrush. Tapos bumaba na para mag-luto ng breakfast. Pagka-tapos kong mag-luto, umakyat na ako sa taas.


Isa-isa kong kinatok yung pintuan nung tatlo. Medyo matagal nila buksan ah. Bakit kaya?


Binuksan na nila. And tenen! Bumungad sa akin ang mga naka-pyjamas na mga damulag! Ang cute talaga nila tignan.



Hala? Ano daw sabi ko? Cute sila tignan? No... ERASE. E-R-A-S-E.



Ngayon, ang design naman ng mga pyjamas nila ay si Superman, Spiderman, at Batman. Oh edi sila na ang super heroes.



"Goodmorning!" Sabi ko naman. "Baba na kayo super heroes! Handa na ang breakfast!" Sabi ko ulit.



Bumaba na ako. Susunod naman na yung mga yun eh. Pagka-baba ko, umupo na ako kaagad. Tapos maya-maya, bumaba na sila.



Umupo na sila sa same place kung saan sila naupo. Kumain na sila. Teka nga... bakit parang, ang sad ng aura nila? Kung kailan masaya ako, sila, malungkot?



Tinignan ko sila ng maigi. At may napansin ako, tinignan ko si Marco, may pasa yung gilid ng labi niya. Si Rex naman, wala. Si Lance din meron. Anong nangyari?



"Teka.. Marco, Lance. Anong nangyari sa mga mukha niyo? Bakit kayo may pasa?" Sabi ko. Napa-tingin naman sila sa akin.



"Ah-eh, M-Mimi... wala lang 'to. Ahm, n-nadulas lang ako s-sa.... sa may CR k-kagabi. Y-Yun lang yun." Sabi ni Marco habang naka-yuko. Ewan pero, di aki naniniwala.



"Eh ikaw, Lance. Anong reason mo?" Sabi ko sabay tingin kay Lance. Napa-tingin naman siya sa akin pero yumuko din.



"A-Ah.. n-nadulas ako s-sa g-garden. Kagabi din. L-Lumbas kasi ako kagabi. H-Hinanap ko yung b-bola ko." Sabi niya naman. Bakit ba feeling ko nagsi-sinungaling sila?



"Sa susunod mag-iingat kayo. Kung saan-saan kayo nadudulas eh." Sabi ko sabay kain. Tumango naman silang dalawa.



Ayieee, Maika! Concerned...!



Shhh! Wag mong sirain yung umaga ko, okay? Shuttap.


Nung natapos na akong kumain, umakyat na ako sa taas para mag-bihis. Gotta be ready for work.




Pagka-tapos ay bumaba na ako. Nakita ko naman yung tatlo na naonood ng TV. Cartoons yung pinapanood nila pero ang seryoso ng nga mukha. Magka-kahiwalay-hiwalay din sila ng inuupuan ngayon.



"Aalis na ako. Kayo na muna bahala sa bahay." Sabi ko. Nakuha ko naman yubg atensyon nila. Tumingin sila sa akin at ngumiti. Pero, biglang tumayo si Marco at lumapit sa akin.



O_O



"Ingat ka." Sabi niya habang naka-ngiti. Napatulala lang ako. H-Hinalikan ako n-ni Marco. Sa cheeks.



Kumurap ako ng ilang beses. Umupo na ulit si Marco. Tumalikod na din ako sa kanila. Medyo shock pa din ako sa ginawa ni Marco. Bakit niya ako hinalikan?



Inalis ko na lang muna sa isip ko yun. Lumabas na ako at pumara ng taxi. Tapos, maya-maya lang, naka-dating na ako sa office.



Pumunta ako ulit dun sa may counter para ulit nag-check in.



"Ayan na ang malandiii~" Chismosa1




"Yah. Ang landi niya talaga ever. Di na nakuntento sa hot model, may ibinahay pa na tatlong hunks." Chismosa2



"Napaka-landi talaga. Ano bang meron sa kanya at nilalapitan siya ng mga lalaki? She's just a simple bitch." Chismosa3



Tapos narinig ko silang nag-tawanan. Ano na naman bang problema ng mga yan? Tinignan ko sila at naka-tingin sila sa akin habang naka-taas ang mga kilay at naka-cross arms.




"Ano na naman bang problema niyo sa akin?" Sabi ko sabay lapit sa kanila. Tinitigan lang nila ako.




"Ako? Tiniwag niyong simple bitch?" Sabi ko sabay sarcastic laugh. "Yes I'm a bitch but I'm not that simple. Tigilan niyo ako ah. Can't you just go fix your lives first bago makialam sa buhay ng iba? Puro chismisan. Anong mapapala niyo d'yan? Isa pa, kung magpa-pakalat na lang din kayo ng balita, yung totoo naman. Hindi yung imbento niyo lang." Sabi ko sabay alis.




Aba, wag nilang nilalabas ang bitch side ko. Baka di nila magustuhan.




"Bakit? Totoo naman yun diba? Your living with three guys under the same roof." Pahabol na sabi pa nung isa. Napa-hinto ako. Hah, sinusubok talaga nila ako ha.



Unti-unti akong humarap sa kanila. "Yes. Totoo yun. At sa tingin niyo sapat ng dahilan yun para masabi niyo na malandi ako? Ang babaw niyo ha." Sabi ko sabay alis na.




Buti at di na sila nag-salita pa ulit. Pagka-tapos ay pumunta ako sa office ni bem. Kainis yung taalong mga mukhang dinosaurs! Nasira umaga ko sa kanila!




"Hay! Grabe! Nakakainis talaga!" Sabi ko pagka-pasok na pagka-pasok ko sa office ni bem. Halata naman na nagulat siya.



"B-Bakit bem?" Sabi niya. Bakit sa tono ng boses ni Atasha para siyang kinakabahan na nata-takot na ewan?



"Okay ka lang bem?" Tanong ko. Tumango naman siya.



"Yeah. I'm okay. Ano ba yung kinaiinis mo?" Sabi niya. Ngayon naman, naging normal na ulit yung tono niya.



"Kasi naman eh. Pag-pasok ko palang chismisan na agad ang bumungad! Nakaka-irita talaga! Mga dino!" Sabi ko naman sabay upo sa chair dito.



"Nako... sira na pala umaga mo." Sabi ni bem. May kinukuha siya sa may drawer niya. Tinguan ko naman siya. Tapos, may bigla siyang inabot sa akin.



"Ano 'to?" Sabi ko. May inabot kasi siya sa aking parang card eh. Yung parang greeting card. Pero iba lang 'to. Wala siyang ka-design-design.



"May nag-abot nyan dito kanina. Para daw sa'yo. At bem, baka lalo lang n'yan masira ang umaga mo." Sabi niya. Yung expression ni bem, seryoso.



Tinignan ko yung card. Isang plain white lang pero may naka-sulat sa harapan.


To: Maika Herrera


Binuksan ko naman yung card. Sulat-kamay. At alam ko kung kaninong sulat 'to. Unti-unti akong kinabahan.


I'm back, babe. Magkikita tayo ulit. Magiging akin ka ulit. You're mine. Only mine. Remember that.



No... oo tama ako. Siya nga 'to. Hindi pwede. Natatakot na naman ako. Paano kung balikam niya nga ako? Paano kung saktan niya ako?


Paul.....








Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon