Chapter 5
"So, paano kayo na-punta dito sa bahay ko?" Tanong ko ulit sa kanila. Para na nga akong isang astig na policewoman sa ginagawa at look ko eh.
Naka-braid yung buhok, naka-chekered na polo na may sando na white sa loob tapos maong jeans tapos nagta-tanong ako sa kanila na parang nasa isa silang interrogation.
"Lola lang namin ang nagba-bantay sa amin. Sabi niya, yung mga magulang daw namin patay na," sabi ni Marco habang naka-yuko at nilalaro yung daliri niya. Mannerism I think?
"Dinala niya kaming tatlo noon sa ampunan kasi di niya daw kami kayang buhayin kasi matanda na siya," sabi naman ni Arexander. "Binibisita niya kami tuwing Sabado at Lunes." Sabi niya pa.
"Tapos isang Sabado di niya kami dinalaw tapos nung Lunes yung Tita namin ang dumalaw. Kapatid daw ni Tatay ko." Sabi naman ni Marco.
"Sabi niya patay na daw si Lola. May binigay siyang papel sa amin tapos sabi niya buhay pa daw ang nanay namin." Sabi ni Arexander.
"Kaya hinanap namin yung address na nandun sa papel tapos napunta kami dito. Sumakay din kami nung ano nga tawag dun?" Sabi ni Marco tapos tumingin kay Arexander.
"Taxi." Sabi naman ni Arexander. "Sumakay kami dun tapos dito kami na-punta." Sabi niya ulit.
Pasali-salit lang yung tingin ko sa kanila. Yun naman pala eh. May pera sila. Naka-sakay nga sila ng taxi papunta dito eh.
*DING DONG!!!*
Napa-tingin kaming lahat dun sa pintuan ng may nag-doorbell na naman. What the?! Sino na naman yung may balak na sirain yung doorbell ko?
Humarap ako dun sa dalawa. "May kapatid pa ba kayo?" Sabi ko sa kanila. Umiling naman sila ng sabay. Napa-tingin ako ulit dun sa pinto.
Sino naman kaya yun?!
Tumayo na lang ako at pumunta dun sa pinto. Binuksan ko yun at bumungad sa akin ang isang namumula sa galit na mukha ng isang, I think, taxi driver na may good morning towel pa sa balikat.
"Yes? Ano po ang kailangan nila?" Tanong ko dun sa mukhang sasabog na anytime na driver.
"NANDITO BA YUNG MGA LALAKING NAKA-COAT, NAKA-SALAMIN, AT CHINITO?!" sabi niya naman. Napa-layo ako ng konti sa kanya.
Bukod sa natalsik laway niya sa mukha ko, ang lakas pa ng sigaw niya na akala mo nasa Mt. Everest ako at naka-lunok siya ng megaphone.
Pero teka, ano daw sabi niya? Naka-coat, naka-salamin, tapos chinito. Teka parang sila Marco yun ah?
"Ano po bang kailangan niyo sa kanila?" Sabi ko naman dun sa driver na dumoble yung pula ng mukha. Okay, sasabog na 'to anytime.
"DI LANG NAMAN NILA AKO BINAYARAN NUNG SUMAKAY SILA SA TAXI KO!!!!!" Okay. So ayun na nga. Nag-burst out na si kuya. Well, not literally.
Lalo akong napa-layo kay kuya. Lumaki kasi yung butas ng ilong niya, yung mata niya at yung bibig niya. Akala mo lalamunin niya na ako eh.
Pero nagulat ako sa sinabi niya. What? Di pala nag-bayad yung mga mokong na damulag na yun? Aba naman!
"Haish. Magkano po ba yung bayad?" Sabi ko naman habang naka-tingin kay Manong.
"600!!" Sabi ni kuya. Nagulat naman ako. Wowwww! O_O
"600?!" Sabi ko tapos tumingin sa may couch kung saan naka-upo sila Marco at Arexander. Sinamaan ko sila ng tingin pero nag-peace sign lang sila saakin.
Tinaas ko yung kamao ko at nag-sabi ng mahina, "Lagot kayo sa akin mamaya..."
Humarap ako kay kuyang driver tapos kinuha ko yung wallet ko. Binigyan ko siya ng 600.
"OH AYAN NA KUYA AH!" Sigaw ko naman. Pinapantayan ko lang yung sigaw niya kanina. Sakit kaya sa ear drums!
"Ah-eh. S-Salamat, Ma'am!" Sabi niya sabay alis na sa bahay ko. Eh pwede naman pala siyang mag-salita ng mahinahon eh! Kainis.
Sinara ko yung pinto tapos humarap sa mga damulag na 'to. Tumayo sila at nag-tago sa likod ng sofa.
"Labas dyan!!" Sigaw ko at lumapit sa may couch. Nagka-sigawan na at lahat pero itong si Lance tulog pa din.
"Ayaw po, Mommy!" Sabay na sigaw nung dalawa. Abaaaaa! Sinusubukan ako ha. Sige sige.
"Isa!"
"Ayaw po!"
"Dalawa! Pa-palabasin ko kayo ulit!"
"Ito na po! Ito na po!" Sabay labas nila sa likod ng sofa. Nilapitan ko sila at kinurot sa mga tenga nila.
"A-Aray, Mommy!! Tama na! Ouchhhh!" Sabay na naman na sabi nila. Hinigpitan ko pa yung hawak ko sa tenga nila.
"BAKIT ANG MAHAL NG FARE NIYO SA TAXI TAPOS DI NIYO PA BINAYARAN!!!" Sigaw ko naman. Ano ba yan. Napunta ata sa akin yung megaphone na na-lunok ni kuyang driver.
"M-Malayo po kasi p-pinag-galingan namin! A-Aray!" Sabi ni Marco habang hinahawakan yung wrist ko.
Binitawan ko sila at pumunta sa harapan nila at nag-pamewang sabay sama ng tingin sa kanila.
"S-Sorry na po Mommy! Sorry po!" Sabi naman ni Arexander habang magka-dikit pa yung kamay at nagpu-puppy eyes. Kainis na puppy eyes yan!
"Oo nga po, Mommy! S—"
*Braggggghhh*
Na-tigil yung sasabihin ni Marco nung tumunog bigla yung tyan niya. Oh yes nagwa-walang tyan ang sound na yun.
"Sorry po. Nagu-gutom na po kasi ako..." sabi ni Marco habang naka-hawak sa tyan niya at nagpu-puppy eyes din.
*Braggggghhh*
"Sorry po. Kaninang umaga pa po kasi kami di kumakain eh." Sabi naman ni Arexander. Woah. Buong araw silang walang kain.
And I believe na kasalanan mo yun. Ikaw kasi eh. Bad bad mo, Maika.
Shut up, conscience.
Pakainin mo na yang mga yan. Nanay ka nila at responsibilidad mo na pakainin sila 3 times a day.
Ano ba?! Ilang beses ko ba sasabihin na HINDI NILA AKO NANAY!
Okay. Sabi mo eh. Pero, ikaw pa din may kasalanan pag namatay sa gutom yang mga yan.
Tinignan ko silang dalawa na medyo namu-mutla nga tapos naka-puppy eyes pa at naka-hawak sa mga tyan nila.
"Sige na, Mommy. Kahit tinapay, okay na po sa akin." Sabi ni Arexander.
"Sige na po, Mommy. Gutom na po talaga kami..." sabi ni Marco na puppy eyes na puppy eyes na talaga.
Sige naaaa, Maikaa!
"Sige na po, Mommy!"
"Sige na pooo!"
Ano ba! Ano ba! Ano ba!
"Argh!" Sabi ko sabay talikod.
Pumunta ako sa kusina para mag-luto. "Bakit ba kasi ang bait-bait ko!!!!" Sigaw ko habang papunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...