Chapter 27
*katok* *katok* *katok*
"Mimi?" Sabi ni Lance pagka-bukas ng pinto ng kwarto niya. Nag-salita na siya pero ako tulaley pa din. Di ko ako nagdu-drool sa kanya ah!
I'm just in the state of shock. Paano ba naman?! Si Lance binuksan yung pinto! Tapos... tapos... w-wala siyang damit pang-itaas tapos naka-boxer brief lang siya! What the?!
Tumalikod ako kaagad. Feeling ko ang pula ng pisngi ko. "M-Mag-damit ka nga, L-Lance!" Sigaw ko nung naka-talikod na ako. Potek na naman kasi.
"S-Sorry!" Sabi niya at na-rinig ko ang pag-sara ng pinto. Napahawak ako sa pisngi ko. Ang init-init.... ng pisngi ko. Napa-lunok na lang ako.
Akala ko ba isip-bata siya?! Eh bakit siya may abs?! Bakit... bakit... argh! Feeling ko na-trauma ako sa nakita ko. Hooo.
Maya-maya narinig kong bumukas yung pinto sa likod ko. "Okay na?" Sabi ko. Hindi pa din ako humaharap.
"Oo. Okay na, Mimi." Sabi niya. Saka lang ako humarap ulit. Naka-hinga naman ako ng maluwag. Buti naman. Okay na.
"Ah-eh, Mimi. A-Ano palang kailangan mo?" Sabi niya ulit. Ano nga ba? Ay oo ayun! Na-alala ko na. Psh. Yung abs kasi eh, nakalimutan ko tuloy yung pinunta ko dito.
"Ah, may itatanong lang sana ako." Sabi ko at kinuha yung sticky note sa bulsa ko. Inabot ko yun sa kanya at kinuha niya naman. "Sa'yo ba galing yan?" Sabi ko ulit.
Mga ilang minuto din siyang natahimik. Sa kanya kaya galing yun? Tapos, maya-maya, bigla siyang tumango. OMG. So, sa kanya nga galing yun? Goshie.
"Oo, Mimi. Ako si LB. At, sa akin galing 'to." Sabi niya habang naka-ngiti. Nakuha niya pang ngumiti?! Samantalang ako, kumakabog ang dibdib.
"I-Ikaw? Pero... bakit may pa-ganyan ka pa? Tapos ano yung sinasabi mong natuwa ka sa nalaman mo...?" Sabi ko. Ngayon, gusto ko na talaga malaman, ano ba yun?
"Sa tingin mo ano?" Sabi niya habang natatawa-tawa pa. Ang damulag na naman niya tignan at kumilos.
Teka nga, ano daw sabi niya? Sa tingin ko ano? Aba ayos din eh! Nag-tanong ako tapos magta-tanobg din siya? Tapos ano ako, manghuhula? Hah! Grabe din eh. Ameyzeng!
"Ang ayos mo din eh. Sasagutin mo yung tanong ko ng tanong din. Paano ko naman malalaman kung ano yung ikinatuwa mo? Madam Auring ako? Psh." Sabi ko.
"Isipin mo lang naman kung ano yung nangyari kanina, Mimi eh." Sabi niya naman. Di pa din nawawala yung 'Damulag Accent' niya. Sila lang may ganyang accent. Pramis.
Eh di dahil ang masunurin ko, inalala ko yung nangyari kanina. Ani bang nangyari kanina? Pumunta ako sa office. Nung lunch, lumabas kami. Nag-kwentuhan. May nag-bigay ng papel sa akin.
Nag-kwentuhan. Tapos may nag-bigay ng papel na galing kay Lance. Tapos ang naka-lagay, masaya siya sa nalaman niya. Eh ano ba yung topic namin ni bem? Siya. Na.... crush ko siya. Oh?
Di ko gets. "So, anong konek nung nangyari kanina sa sinasabi mo sa note? Di ko gets eh." Sabi ko. Bigla naman siyang napa-kamot sa ulo niya.
Sorry naman kung di ko talaga ma-gets. "Hay nako, Mimi." Sabi niya sabay gaya pa ng gesture ni Onyok sa Ang Probinsyano na hampas-mukha.
"Sabihin mo na lang kasi. Di naman kasi ako marunong sa hulaan eh." Sabi ko naman. Tumango-tango naman siya. Kita mo yan. "Sasabihin din pala, pinahirapan pa ako." Bulong ko.
"Nandun ako nung nagu-usap kayo ni Ate Atasha. Narinig ko yung usapan niyo." Sabi niya naman. Ate talaga tawag niya kay Atasha. Ewan ko ba.
"Di ka naman chismoso noh?" Sarcastic na sabi ko. Kasi naman eh. Nakikinig sa usapan ng may usapan. Pshh.
"Di naman, Mimi. So ayun nga, ikinatuwa ko yung sinabi mo. Yung inamin mo kay Ate Atasha." Sabi niya ulit. Inisip ko naman yun. Ano ba yu—
O_O
"NARINIG MO YUN?!" Sigaw ko naman. Parang napunta sa akin yung nalunok na megaphone ni bem kanina. Naramdaman ko naman yung unti-unting pamumula ng pisngi ko.
Narinig niya yung inamin ko kay bem. Nako po lagot na! Hindi pwede! Hindi niya pwedeng malaman yun.
Kinalma ko yung boses ko. Huminga ako ng malalim. "Narinig mo yun? At naniwala ka naman?" Sabi ko. Tinarayan ko talaga. Para effective.
"A-Anong ibig mong sabihin, Mimi?" Sabi niya naman. Yung expression niya, parang naguguluhan.
"Sinabi ko lang yun para manahimik na si bem." Sabi ko. Sorry, Lance. But, I need to do this. "Hindi yun totoo." Sabi ko ulit.
Yung mukha niya, mukhang nasaktan na parang di maka-paniwala tapos parang lahat ng saya niya nawala. Napalitan lahat ng disappointment.
And I admit it, it hurts like hell seeing him like this. Kayo kaya, makita niyo crush niyo na ganito mukha, masasaktan din kayo.
Parang anytime babagsak na yung luha niya. Bumalik na ako sa kwarto ko at ni-lock yun. Aish. Ano ba yan. Nag-karoon na naman ng trabaho ang conscience ko.
Tsk. Tsk. Tsk. Hay, Maika. Ayaw mong binubwiset kita pero ikaw 'tong gumagawa ng dahilan para konsensyahin kita.
I know. I know. Di ko naman ginusto eh.
Pero ginawa mo na. Di mo dapat sinaktan yung tao para lang di mo masabi yung totoo. Totoo naman bakit di mo na lang inamin.
Argh! Nakakainis naman kasi eh! Nahihiya lang naman ako na malaman niya eh.
Alam mo, isa kang malaking SHUNGA. Hay. Bahala ka. Di kita titigilan hanggang sa malaman mo na kung ano ang tama.
Di ko na alam. Di ko na alam kung anong tama. Ang gulo na. Haish!
Basta, tandaan. Honesty is the best policy even though the truth hurts but still, the truth shall set you free. Kung totoo, wag nang itago.
Hay! Ewan! Ewan!
Patuloy lang sa pagfa-flashback sa ulo ko yung itsura ni Lance kanina. He really looks hurt. Naniwala ba talaga siya na di yun totoo?
Hay naman! Kung alam mo lang, Lance! Kung pwede ko lang aminin na lang eh. Hooo.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...