Chapter 40
Lumabas na ako ng bahay pagkatapos nun. Di ko na alam. Di ko alam kung saan ako pupunta. Siguro dun na lang kay bem.
Lumabas ako ng gate. Napahinto ako bigla nung nakita ko siya na nakatayo. Dun sa harapan ng gate. Unti-unti na naman akong nagalit at nasaktan.
"Maika..."
PAK!
Naka-baling lang yung mukha niya sa right side. Nakikita ko na din yung luha na tumutulo sa mata niya.
"Pwede wag ka ng dumagdag? Masyado na akong nasasaktan! Kung ano man yang sasabihin mo, wala akong pakialam! Wala akong pakikingan!" Sabi ko habang umiiyak.
"Ang sakit, Lance. O Harold? Ang sakit-sakit nung ginawa mo sa akin. Ang sakit na niloko mo ako. Ang sakit isipin na..." nahihirapan akong mag-salita ng dahil sa pag-iyak ko.
"... na I fell in love with the man that dosen't really love me. That I fell in love woth the wrong person. Ngayon alam ko na. Kung gaano ako ka-tanga. Ang tanga ko na minahal kita."
Lumakad na ako palayo. Di pa ako nakakalayo nung bigla niya kong niyakap sa likod. Sheet. Nanghihina talaga ako pag niyayakap niya mula sa likod.
"M-Maika... sorry. Sorry. Kahit ilang beses kong sabihin yan, di ako magsa-sawa. Ayoko na isipin mo na mali ang mahalin mo ako. Kasi ako kahit kailan di ko inisip na mali ang mahalin ka. A-Alam ko di ka maniniwala pero... totoo, Maika. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal..."
Nag-pumiglas ako sa yakap niya. Ginamit ko yung lakas ko. Inalis ko yung braso niya at saka lumayo.
"Ano ba?! Ayoko na makarinig ng isa pang kasinungalingan! Ayoko na maniwala sa kung anong sasabihin mo! Sawa na ako maniwala sa mga kasinungalingan mo!"
I wiped my tears. "Ayoko na... ayoko na... please. Ang sakit-sakit na..." sabi ko. Hindi ko na kaya pa... bibitaw na ako sa aming dalawa. "L-Layuan mo na ako, Lance. H-Hiwalay na tayo... tigilan mo na ako." Sabay alis.
Mukha namang di niya agad na-sink in yung sinabi ko kaya naka-alis na ako at di na niya ako napigilan.
Pumara ako ng taxi. Ewan ko ba kung saan ako pupunta. Di ko alam. Masyado pa akong nasasaktan...
3 years later....
"Yehey!" Sigaw namin ng mga co-workers ko kasabay ng pag bagsak ng confetti.
"Congrats, Madam!" Sigaw pa namin. Bridal shower na kasi ni Madam. Oh yes. Kahit na masungit minsan yan, may nakatiis pa din. I wonder who's the lucky guy...
Kasing edad lang din naman namin si Madam. Maaga kasing nawala yung parents niya kaya siya na yung nag-taguyod ng company nila.
"Salamat, sa inyo. Ah, Maika, Atasha. Pumunta kayo sa office ko after ng party. May sasabihin ako." Sabi ni Madam. Nagka-tiginan kami ni bem. Ano kaya yun?
After nung party, pumunta na si Madam sa office niya. Susmunod naman kami ni bem. Tinatanong ko pa din ang sarili ko kung ano ba yung sasabihin ni Madam?
"Upo kayo." Sabi ni Madam at tinuro yung upuan sa harap ng table niya. Umupo naman siya dun sa swivel chair niya.
"Ah, Madam. Ano po ba yung sasabihin niyo?" Sabi ni bem. Ako naka-tingin lang kay Madam na all smiles at inaantay ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Fiksi Remaja[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...