Chapter 17
*beep* *beep*
Tinignan ko yung phone ko. Tumunog kasi eh. May nag-text kasi eh.
From: Bem Atasha
Bem, otw na kami sa bahay niyo. Dinis-charge na si Lance.
On the way na din kasi sana ako papunta ng hospital, pero, dahil uuwi na sila, uuwi na din ako.
To: Bem Atasha
Okay bem. Otw na din ako. Salamat.
"Ah manong dito na lang po sa address na 'to." Sabi ko dun sa taxi driver sabay bigay ng address ng bahay.
"Sige po Ma'am." sabi niya naman. Kaka-hatid ko lang din kay Luis sa condo. Buti nga at nandun yung friend niya kaya siya na yung gumamot.
Maya-maya pa, naka-dating na ako sa bahay. Binigay ko na yung bayad kay Manong tapos bumaba na.
Nakita ko yung kotse ni bem na nasa labas. Nauna pala sila sa akin. Binuksan ko yung gate at pumasok sa loob.
"Hi bem!" Sabi ni bem sabay yakap sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Ah-eh, Mimi, saan ka galing?" Sabi ni Lance. Teka... ano daw tawag niya sa akin?
"Anong tawag mo sa akin? Mimi?" Sabi ko naman. Saan naman nila napulot yung Mimi?
"Yup. Ayaw mo kasi sabihin yung name mo. Eh ayaw namin ng insan, kaya Mimi na lang." Sabi niya.
"Yung Mimi, dinobleng Mi yun. Galing sa word na 'Mommy'.... 'My' (Mi).... Mimi." Sabi ni Marco.
Ohhh okay. Pero mas okay na yun kaysa sa Mommy. The hell. Di bagay sa akin ang tawaging Mommy ng mga kasing edad ko lang.
"Okay." Sabi ko naman. Di naman ganon kasama pakinggan yung Mimi diba? Pero parang ang ewan.... hay! Bahala na nga. Basta ayoko ng Mommy.
"Ah sige bem. Uwi na ako. Hinahanap na ako ng Tatay ko." Sabi ni bem saka umalis. Dumiretso naman ako paakyat.
"Di kaba kakain, Mimi?" Sabi ni Rex. Nilingon ko naman sila.
"Di na. Pagod ako ngayon. Gusto ko na mag-pahinga." Sabi ko at di naman na sila nag-salita. Good. Pagod talaga ako ngayon.
*
Kinabukasan....
"Mimi! Gising na! Mimi!!" Rinig kong sabi ng boses. Si... Rex yun ata. Naka-pikit pa din ako. Bakit naman nila ako ginigising? Aish!
Lagi na lang talaga. Kung hindi alrm clock ang gigising sa akin sa umaga, yung phone ko. O di kaya yung doorbell. O di kaya boses nial. Haish.
Tinatamad pa ako gumising. Nag-talukbong ako ng kumot. Bahal kayo ma-paos d'yan. Di ako babangon.
"Mimi! Gising na!!" Sabi naman ni Marco. Ay! Bahala kayo! Kahit pa maputol vocal chords niyo di ako gigising. Give me an hour pa. Please lang.
*
Third Person's POV
"Ano ba! Bakit ang tagal gumising ni Mimi?" -Marco
"Kasi naman eh. Gutom na ako oh." -Lance
"Wag kayong mag-reklamo! Mag-isip tayo ng paraan!" -Rex
Halos 10 na din kasi ng umaga. Buti at walang pasok si Maika ngayon.
Di naman talaga gusto gising ng mga damulag si Maika. Pero kasi, di pa sila naga-almusal. Di kasi sila marunong mag-luto.
"Kasi naman eh! Bakit ba di tayo tinuruan ni Master mag-luto?!" -Lance
"Aha!" -Rex. Naka-isip kasi si Rex ng isang magandang idea.
"Alam ko na!" Sabi ni Rex. Napunta naman sa kanya ang atensyon nila Lance.
"Ano?" Naiinip na tanong nila Lance. Ngumiti lang sa kanila si Rex.
"For sure gagana 'to. Ma-gigising si Mimi dito." -Rex.
Ano kaya ang plano ni Rex?
*
Maika's POV
"Mimi! Si Lance! Si Lance, Mimi! Mimi! Si Lance!" Sigaw ni Rex. Napa-bangon ako ng wala sa oras.
Sa tono ng boses ni Rex parang may nangyari kay Lance na di maganda. Tumayo ako at pumunta sa pinto.
Binuksan ko yun at bumungad sa akin yung tatlo na naka pyjamas pa.
"Anong nangyari kay Lance?!" Sabi ko sabay lapit kay Lance. Hinawakan ko siya sa balikat.
"Anong nagyari sa'yo?! Ano ha? Sabihin mo! May masakit ba sa'yo?! Ano! Gusto mo dalhin na kita sa ospital?! Mag-pa doktor ka na! Tatawag na ako ng ambulansya! Ano ba kasing nangyari sa—"
O_O
Napa-tahimik ako sa ginawa ni Lance. Did he j-just k-kiss me? Hinalikan ako ni Lance! Smack lang naman.
But still why?!?!?!?
Naka-tulala lang ako habang naka-tingin kay Lance. Alam ko ang pula na ng pisngi ko. Sh*t. Yung tibok ng puso ko.... ang bilis.
"W-Why?....." sabi ko. Parang nawala ako bigla sa sarili ko. Basta na lang lumabas yan sa bibig ko.
"Ang ingay mo kasi Mimi eh. Gutom na kami." Sabi niya. Napa-kurap ako ng ilang beses.
Akma na sana akong papasok ulit sa loob ng kwarto ko. Pero, pinigilan ako ni Rex.
"Hep! Saan ka pupunta Mimi?" Sabi niya naman. Tinignan ko naman siya.
"Babalik sa pag-tulog. Baka kasi na-nanaginip lang ako." Sabi ko tapos babalik na sana sa loob ng kwarto. Pero pinigilan ako ni Marco.
O_O
"A-Ahh! A-Aray! Mharco! Mashaket!" Sabi ko. Bigla ba naman daw kasi akong kurutin sa pisngi?!
Binitawan niya na yung pisngi ko. "Oh ayan na Mimi. Nasaktan ka. Di ka na-nanaginip." Sabi niya naman.
"Sige na Mimi. Gutom na talaga kami eh! Di naman po kami marunong mag-luto..." sabi ni Rex habang naka-hawak pa sa tyan.
"Oo nga Mimi. Please...." sabi naman ni Marco. Nako po ayan na naman sila. Nagpu-puppy eyes pa talaga silang tatlo.
Tinignan ko si Lance. Shocks. Na-alala ko yung ginawa niya. Ngayon totoo na. Totoo na yung halik niya sa akin.
Hinalikan niya na ako. For real. Can't take it. Di ko naman first kiss yun pero, iba pa din yung feeling nung hinalikan ako ni Lance. Kahit na smack lang yun.
"Oo na sige na sige na!" Sabi ko naman sabay baba. Pumunta ako ng kusina at nag-simulang mag-luto. Kawawa naman sila eh.
Hay ano ba yan! Bakit ba di mawala sa isip ko yung pag-halik ni Lance sa akin?! Noong di pa nga totoo, iniisip ko na sana totoo. Pero ngayon na totoo, iniisip ko na sana hindi na lang totoo.
Hay ang gulo ko!
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Novela Juvenil[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...