- Dead? -

102 2 0
                                    

Chapter 14



Sa hotel.....



"Basta ah. Secret lang natin yung pagiging serena ko gurl. Pag andyan si Papa, go with the flow ka na lang sa acting ko." Sabi ni Luis sa akin.



Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nandito na kami sa hotel kung saan kami magla-lunch nila Daddy.



Nagla-lakad na kami pasok. Nung bago kami maka-pasok sa loob, nagulat ako sa ginawa ni Luis.



He suddenly hold my hand. Napa-tingin ako sa kamay namin tapos sa kanya. Napa-tingin din siya sa akin.



"Sorry gurl. Go with the flow na lang ha?" Sabi niya at napa-tango na lang ako.



Kaloka ha. Di naman namin kailangan na magka-holding hands na papasok sa loob eh.



Pagka-pasok namin, hinanap agad namin yung table nila Dad. Nung nakita na namin, pumunta na kami sa pwesto nila.



Nung naka-dating na kami sa table, tumayo silang lahat. Woah. Di ko expected na nandito siya.



Na.... nandito si Mom. Bale, ang nandito ay si Dad, Mom, yung Daddy ata ni Luis at yung Mommy niya ata.




"Oh! Finally! Nandito na kayo!" Sabi ni Dad. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Lumapit naman ako kay Momy tapos niyakap niya ako.




Bumeso din ako sa parents ni Luis. Pagka-tapos, umupo na ako sa tabi ni Mom. Kaharap ko si Luis.



"Ang ganda naman ng baby ko." Sabi ni Mom. Nagulat naman ako kaya napa-tingin ako sa kanya. Naka-ngiti siya sa akin.



"I miss you, anak." Sabi niya habang hawak yung pisngi ko. Haish! Si Mommy talaga weakness ko.




Ngumiti ako kay Mommy tapos yumuko. Ewan ko ba pero di ko masabi na miss ko na din siya.




"Grabe, kumpadre. Ang gandang bata pala talaga ng anak mo." Sabi nung tatay ni Luis. Nginitian ko naman siya.




"Oo nga. Bagay na bagay sila ng Luis namin." Sabi naman nung Nanay ni Luis. Napa-tingin ako kay Luis. Tinignan niya lang ako ng saglit tapos tumingin na siya sa ibang direksyon.



"Oh eh, Luis anak. Ano bang masasabi mo tungkol kay Maika?" Tanong naman ng tatay ni Luis. Napa-tingin kaming lahat sa kanya. Naka-tingin lang siya sa akin.



O_O



Dub.... Dub...

Dub.... Dub...

Dub.... Dub...


Hala? Bakit ganito? Yung puso ko, lumakas yung tibok nung nagka-titigan kami ni Luis. Eh kanina naman, normal lang naman yung tibok ng puso ko eh.



"Well, she's beautiful and nice." Sabi niya habang naka-titig lang sa akin. Yung boses talaga niya, di mo talaga mahahalata na beks siya.



"Oh that's nice!" Sabi bigla nung nanay ni Luis. Ano ba yan. Nai-ilang ako. Si Luis kasi eh. Naka-titig pa din sa akin.



Nagulat naman ako nung bigla nalang ngumiti si Luis. Omo! Ang manly niya ngumiti.



"And... I think I already like her." Sabi niya habang naka-tingin pa din sa mata ko at naka-ngiti.




O_O




Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon