Chapter 39
Two months later....
"Bem! Can you make it a bit faster?!" Sigaw ko sabay hampas sa pintuan ng CR. Nasa CR kasi si bem and she's almost 30 mins inside!
"Saglit lang naman bem! Atat mo! Di naman tayo male-late eh!" Sabi niya. Napa-irap na lang ako.
"Better early than late bem! Please! Make it faster!" Sabi ko ulit sabay hampas ulit sa door. Maya-maya pa, lumabas na din siya. Oh! Finally!
"Atat ka na talaga bumalik sa Pinas, huh? Ito naman. 2 months lang kayong nagka-hiwalay, para namang 2 decades kayong di nagkita." Sabi niya habang naka-crossarms pa.
"Whatever bem! Just go and get dressed then, pupunta na tayo ng airport!" Sabibko sabay labas sa unit ni bem. It's been two months. And I really, really miss him. So damn much.
Inayos ko na yung maleta ko. Pagka-tapos ay nag-bihis na din ako. Tapos lumabas na. Hinantay ko si bem saka kami umalis papunta ng airport.
Ilang oras na lang, love. Magki-kita na ulit tayo. Miss na miss na miss na kita to the nth level.
*
"We've just arrived at Ninoy Aquino International Airport."
Nagising ako sa yugyog ni bem at sa sinabi ng flight attendant. "We're here, Maika!" Sabi ni bem. Kinusot ko yung mata ko at tumingin sa labas.
Yes we're here. Nandito na ulit kami sa Pinas. Kinakabahan ako na excited. Mixed emotions. Bumaba na kami ni bem ng airplane.
Pagka-kuha namin ng luggage namin, pumunta na kami sa labas. Nakita ko agad si Tito at Tita na parents ni Atasha. And wow, pati sila Mom at Dad.
Pero, asan sila Lance? Sabi niya, susunduin niya din ako. Nagka-usap pa kami kagabi eh.
"Anak!" Bati ni Dad sabay yakap sa akin. Niyakap ko din sila. Nag-paalam na din sila Atasha na mauuna na daw sila. Inakay ako ni Dad papunta sa kotse.
"I'm so happy na uuwi ka din sa bahay sa wakas!" Sabi ni Dad. Hala na tuwang-tuwa siya. Yes, babalik na ako sa bahay namin. Pasalamat si Dad kay Lance. Because of him kaya ako pumayag na umuwi na. Kinonvince niya ako.
"Yeah, Dad. Pero, pwede po ba muna ako pumunta sa bahay ko? Mauna na lang po kayo ni Mom sa bahay." Sabi ko. Tumango-tango naman si Dad.
"Okay. Basta uuwi ka sa bahay ah?" Sabi ni Dad sabay tawa. Inirapan ko siya ng slight saka tumawa at tumango. Nilagay ko yung luggage ko sa likod ng kotse at pumara ng yellow cab.
Binigay ko yung address ng bahay ko dun sa driver. Why do I have this feeling na parang may hindi magandang mangyayari? No. Erase that thought, Maika.
Bumaba na ako at huminga ng malalim. Binukasan ko yung gate. Ang tahimik ata ng bahay? Pero ewan, kinakabahan talaga ako.
Binuksan ko yung pinto pero walang tao. Ang tahimik talaga. Naka-rinig naman ako bigla ng kalabog mula sa taas. Napa-tingin ako dun. Umakyat ako.
May naririnig akong nagsi-sigawan. Lumapit pa ako at nalaman ko na sa kwarto ni Lance nanggagaling yung sigaw.
"G*go ka talaga!" Sigaw ni... Marco? Nagmu-mura siya at ang manly ng boses niya.
"Ano na naman bang pumasok sa isip mo ah?! Gusto mo ba talaga mapatay ni Master?! Sinasabi mo na aayaw ka na tapos sasabihin mo pa na kayo na?! Ha?!" Galit na galit na sigaw ni... Rex? Ang manly din ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...