Chapter 19
"Wow bem! Ang daming bata!" Sabi ni bem. Nandito na kasi kami sa Angel's Heart. At tama siya, ang daming bata.
Napa-pangiti talaga ako pag may nakikitang bata. Ang ku-cute kasi nila eh. Tapos ewan, pag naka-kakita ako ng bata, nare-relax ako.
"Tara na." Sabi ko at hinanap yung pinaka-main office. Nahanap naman namin yun agad.
May bumungad sa amin na babae na naka-braid tapos naka-suot ng t-shirt na sky blue at may logo ng Angel's Heart sa may left chest.
"Yes, Ma'am? Good afternoon. Ano pong kailangan nila?" Sabi nung babae pagka-kita sa amin.
"Ah-eh. May gusto lang po sana akong itanong." Sabi ko naman. Pinaupo niya kami sa may upuan dun. Tapos siya sa harapan namin.
"Yes, Ma'am. Ano po yun?" Sabi niya naman.
"Gusto ko sana mag-tanong ng about kayla Lance Alcantara, Arexander Ruiz, at Marco Thomas. Dati daw kasi silang nandito."
"Ah Ma'am kas—" naputol yung sasabihin nung babae nung may biglang pumasok na babae na naka-formal. Naks. Lakas maka-principal ng outfit niya.
"Ah. Sel, sige na. Pakainin niyo na ang mga bata. Ako na bahala dito." Sabi ni principal. Ay este nung naka-formal. Umalis na yung Sel daw? Ah basta.
Yung babae naman na naka-formal yung umupo sa harapan namin ni bem. "Yes, Miss. Ano po bang sadya niyo dito?" Sabi niya.
"Ah, mag-tatanong lang po sana tungkol sa mga dati niyong inlagaan dito." sabi ko naman.
Napa-taas naman yung kilay niya. Hala? Problema nito? Porke't mukha siyang principal, gaganyan na siya?
"Can I know what's your name?" Sabi niya ulit. Grabe talaga eh. Ang lakas niya maka-principal talaga!
"Ah, Maika Herrera po." Sabi ko naman. Di ko na minention yung second name ko. Okay na yung Maika Herrera.
Halata naman na parang natigilan siya ng konti. "Ahm, ano ba yung itatanong mo?" Sabi niya naman.
"Itatanong ko lang po yung about kayla Lance Alcantara, Arexander Ruiz, at Marco Thomas." Sabi ko naman. Tumango-tango naman siya.
"Okay. Ano bang gusto mong malaman?" Sabi niya na naman.
"Anuthing about them. Nung nandito pa sila sa inyo." Sabi ko. Umayos naman siya ng upo at nag-chin up. Ay naks!
"Silang tatlo ang pinaka-matanda sa lahat ng mga bata dito. Well, pinaka-matanda by age. Pero, by mind, magka-kasing edad lang sila. Lagi silang tinutukso noon dito. Lola nila ang laging pumupunta dito. Pero, nalaman na lang namin na patay na yung lola nila. Tumakas sila sa amin. Hinanap namin sila pero wala. Hindi namin mahanap kahit saan."
"May... may sakit po ba sila sa utak? Kasi po.. parang mga isip-bata sila." Tanong ni bem. Ako tahimik na kikinig lang.
"Yes. Meron. May mental disability sila. Mga 22-years-old pero ang nga utak nila ay late na-develop. Kaya nga lagi silang tinutukso. Pero, ma-aasahan sila. Nagli-linis pa minsan. May ibang bata din na paborito silang kalaro."
"May gamot po ba sa sakit nila? At, gaano na sila ka-tagal may sakit?" Sabi ko naman. Di ko na din maiwasang di mag-salita.
"Sabi ng doctor na tumingin sa kanila, wala na daw gamot ang sakit nila. At ang alam ko, simula ng pinanganak sila, ganyan na yung condition nila." Sabi niya naman.
"Diba, 22 na sila? Bakit nasa ampunan pa din sila hanggang ngayon? Eh hindi naman na sila minor." Sabi ko pa ulit.
"Dahil nga may mga isip sila na pambata. Sa isip nila, di pa nila kayang maging independent. Kaya nandito sila sa ampunan." sabi niya naman. Bakit para ata siyang... kinakabahan?
"Kung gano—" naputol naman yung sasabihin ko kasi biglang tumayo yung mukhang principal na 'to. Ang hilig niyang mam-putol ng sasabihin!
In short, B-A-S-T-O-S!
"Sorry but if you'll excuse me, may kailangan pa akong gawin. Busy din kasi aking tao. At napaka-laking istorbo mo." Sabi niya sabay alis.
Aba't! Grabe na talaga! Tumayo ako para sana sugudin at sabunutan yung mukhang principal na yun. Pero, pinigilan ako ni bem.
"Bem! Wag msyadong warfreak. Kalma!" Sabi niya. Tumayo aki ng tuwid at huminga ng malalim. Hay! Kaka-HB ah!
"Tara na nga!" Sabi ko tapos nag-lakad na palabas ng office na yun.
*boogsshh*
O_O
May naka-bangga ako! Napa-tingin ako sa sahig. Nakita ko naman yung maliit na bata na naka-higa sa sahig. Hala!
Nilapitan ko siya kaagad. Sa hula ko nasa 6 years old palang siya. At isa siyang babae.
Nagsi-simula ng umiyak yung bata. Hala! Di ko naman sinasadya. Hinawakan ko yung pisngi nung bata at pinunasan yung luha niya.
"Shhh. Sorry baby. Sorry di sinasadya ni Ate. Di kita nakita eh. Shh.. tahan na baby." Sabi ko naman. Unti-unti naman tumahan yung bata.
"Sorry talaga baby girl." Sabi ko at niyakap yung bata. Niyakap niya din naman ako. At least, di mashado nagalit yung bata.
"Okay ka lang ba ha?" Sabi ko pagka-kalas sa yakapan namin. Tumango-tango naman siya.
Pinagpag ko yung damit niya. Nadumihan kasi eh. Maya-maya pa, may lumapit sa amin na naka-sky blue din.
"Kei, halika na nga. Sabi ko naman sa'yo wag kang magta-tatakbo eh." Sabi nung naka-sky blue saka binuhat si Kei? Nice name.
"Nako, sorry po Ma'am." Sabi nung naka-sky blue t-shirt sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Bye bye ate. Babalik ka dito, ah." Sabi ni Kei. Wow. Napa-ngiti naman ako in an instant. Nag-wave naman ako sa kanya at tumango. Tapos umalis na sila.
Pumunta naman kami ni bem pabalik sa sasaktan niya. "Naks naman bem. Pwede na!" Sabi niya paka-sakay namin.
"Pwede na ano?" Sabi ko naman. Kung ano-ano naman kasi sinasabi nitong babaitang 'to eh.
"Pwede ka na maging Mommy! Bagay sa'yo! Ang cute niyo tignan nung bata kanina. Tapos, parang ang gaan ng loob ng bata sa'yo! Gosh bem. Bagay na talaga sa'yo super maging Mommy!"
"Sira! Tigilan mo nga ako bem. Ayoko pa maging nanay noh. Not yet ready for commitment." Sabi ko naman sabay seatbelt.
"Nako bem! Sige na kasi! Itry mo kaya mag-boyfriend ulit! Para naman di ka tumandang dalaga! Sayang ang beauty mo bem!"
"Alam mo, just drive. Gusto ko na umuwi." Sabi ko naman. Tumingin ako kay bem and she's wearing her most goofy smile.
"Why?" Tanong ko. Yung ngiti niya kasi eh. May halong panga-asar.
"Nothing!" Sigaw niya sabay drive. Napa-iling na lang ako. Baliw talaga siya ever.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...