- What?! -

113 1 0
                                    

Chapter 11




"What?! Damn it, Dad!" Sabi ko habang gulat na gulat at galit na galit na naka-tingin kay Dad.

Matapos kong malaman ang dahilan kung bakit siya nandito, nawala bigla yung respeto ko sa kanya. Napunta lahat sa ilalim ng lamesa.

Ngayon, ang natira lang sa akin ay galit, stress at inis. Hay!

"Stop saying those words to me, Maika! I'm still your father and you must respect me!" Sigaw naman ni Dad sa akin.

Ako at si Dad lang ang nandito ngayon. Sila Lance iniwanan ko muna kay Bem dun sa kotse niya sa labas. Buti na lang at pumayag si Bem.

"Ano na naman ba kasing kalokohan 'to, Dad?! Isa na naman ba 'to sa mga paraan na gagawin niyo para mapa-balik ako sa bahay? Well, I'm telling you. This won't work!"

"Why can't you just accept it?! Napag-kasunduan na namin yun at hindi mo na mababawi! Wala ka ng magagawa dun kaya tanggapin mo na lang!"

"Damn it! Paano ko ta-tanggapin yun, Dad?! Paano ko tatanggapin na ipapakasal niyo ako sa isang taong di ko mahal and worst, di ko kilala!"

Yeah fellas, you read it right. Isang arranged marriage between me and a man na napulot ni Dad sa kung sinong business partner. Hay! Napaka-laking teleserye ng buhay ko!

"Matutununan mo din siya mahalin! At isa pa, bibigyan naman namin kayo ng time na magka-kilala pa. Can't you just cooperate? Please. Kahit para sa pamilya natin."


Para sa pamilya natin... Wow! Big words!


"Para sa pamilya o para sa negosyo? You always think of business, Dad. I know you. Kaya nga gusto mo ako maging FA eh. Am I right or am I right?"


*PAK!*


A hard slap on the left cheek ang nataggap ko kay Dad. Automatic na tumulo ang luha ko. Napa-hawak ako sa mukha ko.


Ano ba kasi yan eh! Yung mukha ko quota na sa sampal ngayong araw ah! Huhu! My beautiful face!


"Dad..." sabi ko habang umiiyak at sapo pa din yung left cheek ko.


"You don't talk to me like that! Lahat ng ginagawa ko para sa'yo! Para sa inyo! Para sa pamilya ko! Kaya wag mo akong pinagsa-salitan ng ganyan dahil wala kang alam!"


Umiiyak na lang ako. Yumuko ako at inalis yung kamay ko sa cheeks ko. Tinignan ko ang galit na mukha ni Dad.


"Wala po akong alam kasi di niyo po pinapa-alam. Dad, kung gusto niyo ako bumalik sa bahay, payagan niyo po ako sa gusto ko. Gusto ko po maging photographer. Pag pinayagan niyo po ako, babalik akosa bahay. Agad-agad. Yun lang naman po ang gusto ko. Di niyo na kailangan gunawa ng kung ano-ano pang bagay. Pero kung di niyo po kaya gawin yun, sorry po pero di ko pa kaya bumalik sa bahay. Di ko pa kaya na diktahan niyo ako ulit. Makaka-alis na po kayo."


"Wala kang karapatan pa-alisin na lang ako ng ganon-ganon lang!"


"Meron, Dad! Bahay ko 'to! Kaya please lang! Umalis na kayo."


Bumuntong-hininga naman si Dad. Maya-maya pa, umalis na din siya. Pagka-alis niya, umupo ako kaagad dun sa may hagdanan.


Bakit ba kailangan umabot sa ganito? Ipapakasal ako ng Tatay ko sa isang lalaking di ko naman mahal. Para na niya akong tinatanggalan ng karapatang mag-mahal eh.


And I can't believe it. Nagawa akong sampalin ni Dad. Napag-buhatan niya ako ng kamay. Sa 22 years ng buhay ko, never niyang ginawa sa akin yun.

Siguro nga pabalang yung naging sagot ko pero, sinasabi ko lang naman yung totoo. Yun lang naman yung nasa isip niya lagi eh.

Negosyo here. Work here. Negosyo there. Work there. Negosyo and work everywhere! Dinadamay niya pa yung pamilya.


Kung talagang pamilya, bakit hindi si kuya yung hanapin at lapitan niya? Bakit hindi si kuya yung ipakasal niya sa iba? Bakit ako pa?


Gusto lang talaga ng tatay ko na bumalik ako sa bahay. Bakit ba kasi ang hirap sa kanya tanggapin na gusto ko ang photography.


I love taking photos and not wearing fitted dress and riding in an airplane. Gusto ko ang maging photographer. Hindi maging flight attendant. Mahirap ba tanggapin at intindihin yun?


Mahirap ba? Di naman diba?


Maya-maya pumasok na sila Atasha, Rex, Marco at Lance. Nilapitan nila ako kaagad.


"Omo bem! Yung left cheek mo ang pula!" -Atasha


"Hala. Anong ginawa niya sa'yo?" -Marco


"Bakit pati siya.... sinaktan ka." -Rex


"Ayos ka lang? Wag kang mag-alala. Kahit na sinaktan ka niya, isipin mo lang lago, mahal ka niya. Ginawa niya lang yun kasi gusto niya mapa-buti ka." -Lance


Napa-tingin ako kay Lance na hawak yung pisngi ko. Ang seryoso niya. Ang matured niya mag-salit kahit na pambata pa din yung tono.


Pinunasan niya yung luha ko. Ngumiti siya sa akin. Ang aliwalas ng mukha niya. Nakaka-hawa yung ngiti niya...


Di ko namalayan, nahawa na ako. Nginitian ko din si Lance. Di kasing sigla ng ngiti niya, pero, napa-ngiti niya pa din ako. Kahit ngiti lang din yung ginawa niya.


"Mas bagay sa'yo, Insan." Sabi niya tapos tumalikod. Naka-luhod kasi siya kanina tapos ngayon tumalikod siya. Naka-luhod pa din pero likod niya na ang naka-harap sa akin.


"A-Anong ginagawa mo?" Sabi ko. Naguguluhan ako eh. Gusto niya ba na sumakay ako sa likod niya?


Tinapik niya yung likod niya. "Sakay ka. Hatid kita sa kwarto mo." Sabi niya naman.


Ilang seconds ang lumipas, bigla siyang tumayo. Sasakay na dapat ako eh.


"Ay. Sorry. Naka-limutan ko. Bawal pala kami sa kwarto mo." Sabi niya sabay lagay na naman ng kamay sa batok.


"Hindi. Okay na. Okay na kayo pumasok sa kwarto ko. Pero hindi lagi ah!" Sabi ko naman at nag-yehey naman silang tatlo.


Umupo ulit patalikod si Lance sa akin. After ng mga 5 seconds, sumakay ako sa likod niya. Awkward ng feeling pero, nae-enjoy ko.


Nag-simula na siyang umakyat sa taas. Sinubsob ko yung ulo ko sa balikat niya at pumikit. Ang bigat na din ng mata ko.


Nakikiramdam pa din ako. Naka-pikit ako pero di pa tulog. Naramdaman ko na lang na pumasok na kami sa kwarto ko.


Hiniga niya ako sa kama ko tapos kinumutan.


Nilagay niya yung ilang strands ng buhok ko sa likod ng tenga ko.


"Goodnight, Insan." rinig kong sabi niya sabay naman ng pag-dalaw ng antok sa akin.














Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon