- Kei -

66 1 0
                                    

Chapter 30




"Salamat po." Sabi ko sabay abot nung bayad kay manong. Bumaba na ako at pumasok sa pinaka-main gate. at



At gaya nung unang punta namin ni bem dito, ang daming bata. Na-relax na naman ako. Ang saya kasi nila tignan. Yung mga nagla-larong mga bata. Yung mga masasayang nilang mukha. Hay. Ka-relax.



"Goodmorning, Ma'am." Bati nung isang naka-light blue. Nag-goodmorning din ako tapos nag-smile.



Nilibot ko yung mata ko. Nasaan na kaya si Kei? Bumalik ako dito kasi sabi niya nung una kaming nag-kita, bumalik daw ako.




"Ate!" Sabi ng isang familiar na boses at sabay naramdaman ko na may yumakap sa akin. Napa-tingin ako sa may bewang ko. At ayun! In an instant, napa-smile ulit ako.




Umupo ako at saka siya niyakap. "Kei!" Sabi ko din. Naka-yakap na siya sa leeg ko at ako sa kanya. Bumitaw na ako.




"Kamusta ka na?" Sabi ko sa kanya. Ang lapad din ng ngiti niya at parang excited talaga siya na makita ako.




"Okay lang po! Na-miss ko po kayo. Akala ko po di na kayo babalik."




"Pwede ba yun? Syempre babalik ako. Na-miss na din kasi kita eh!"




Nag-paalam ako dun sa isang naka-light blue shirt kung pwede ko bang ipasyal si Kei. Gusto ko kasi siya ma-pasyal eh. Pero, unfortunately, hindi pwede. Sayang nga eh.




Kaya ayan, malungkot tuloy si Kei. Umupo ako ulit at hinawakan siya sa pisngi. "Wag ka na malungkot, Kei. Magla-laro na lang tayo. Gusto mo ba nun?" Sabi ko.




Napa-tingin naman siya sa akin at napa-ngiti. Instant na kumislap yung mga mata niya. Tumango-tango din siya. "Opo! Opo!" Sabi niya.




Tumakbo na kami papunta dun sa labas. Ang dami naming ginawa dun sa playground. At, natutuwa talaga ako sa batang 'to.




*



Third Person's POV



Sa bahay ni Maika...



Hingal na hingal si Lance na pumasok sa bahay. Sinalubong naman siya agad nila Rex.



"Ano? Alam mo na ba kung saan siya pumunta?" Sabi ni Marco. Nag-usap kasi sila na susundan ni Lance si Maika at aalamin kung saan ito pupunta.



"Sa... *hinga* A-Angel's Heart... *hinga*... p-pinuntahan niya si *hinga* K-Kei." Sabi ni Lance. Kahit na medyo putol-putol yun, naintindihan pa din nila Rex.



"Ano? Bakit niya naman pupuntahan si Kei?" Sabi ni Rex. Umupo si Lance sa couch. Sumunod naman yung dalawa.




"Bakit naman pupuntahan ni Maika yung anak niyo?" Sabi ni Marco. Nagka-titigan naman sila Marco at Rex.




"Di kaya alam na ni Maika ang tungkol kay Kei?" Sabi ni Marco. Si Rex naman ay naguguluhan. Di niya pa din kasi alam ang tungkol kay Kei na 'anak' nila Lance at Maika.




"Pero, teka nga muna. Paano naman ninyo naging anak si Kei, eh wala nga kayong relasyon tapos ngayon ka lang niya nakilala eh." Sabi ni Rex.




"Di talaga namin anak ni Maika si Kei." -Lance. Lalo namang naguluhan si Rex.




"Ganito kasi yun...." sabi ni Lance at kinuwento na niya ang nakaraan... mga, 6 years ago...



Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon