Chapter 8
Napa-tingin ako sa alarm clock ko. 7:00 am. Inalis konna sa isip ko si Lance. Nilapag ko si Mickey tapos inayos yung kama.
Pagka-tapos ko mag-hilamos at mag-toothbrush, bumaba na ako para mag-luto ng breakfast. Syempre. Wala naman akong maid.
Medyo madami yung niluto ko compare sa usual kong niluluto. Apat na kasi kami ngayon sa bahay. Nakaka-panibago pa din. Mas sanay kasi ako mag-isa lang.
Pagka-handa ko ng almusal, umakyat ako paratawagin yubg mga damulag.
Kinatok ko yung mga pinto nila. "Gising na!" Sigaw ko.
Maya-maya pa, lumabas na silang tatlo. Sabay-sabay. Tinignan ko naman sila.
Mga nagu-unat-unat pa tapos mga naka-pyjamas at naka-suot ng bunny slippers at may mga hawak na teddy bear. Natatawa ako sa mga itsura nila.
Para nga talaga silang mga damulag. Haha! Pero infair, bagay sa kanila!
"Goodmorning!" Sabay-sabay na sabi ulit nilang tatlo. Nginitian ko naman sila.
"Baba na okay? Handa na ang breakfast." Sabi ko sabay baba.
Pagka-baba ko, umupo na ako kaagad dun sa isang upuan sa table. Sakto lang naman kaming apat sa table.
Bumaba na sila tapos si Rex umupo sa tabi ko tapos si Marco sa harap ni Rex at si Lance sa harap ko.
Nag-simula na kaming kumain. Nara-ramdaman ko naman yung awkwardness at yung pa-tingin-tingin ni Lance sa akin.
Na-alala ko na naman kasi yung nangyari kagabi na nakita nila akong naka-towel lang tapos yung panaginip ko!
Di ko na lang sana papansinin yung pag-tingin tingin ni Lance sa akin pero, bigla siyang nag-salita.
"Ah, Mo–" na-putol yung dapat sasabihin niyang 'Mommy' dahil sinamaan ko siya ng tingin. "Ah-eh gusto ko lang m-mag-sorry. T-Tungkol dun sa kagabi.." sabi niya habang naka-hawak na naman sa batok.
Di ba sila nagsa-sawa kakahawak sa batok nila?! Haish.
"Kalimutan na lang natin yun." Sabi ko tapos kumain na ulit. May pasok pa ako noh.
"Ah-eh okay." Sabi ni Lance at kumain na lang din. Tahimik kaming kumain at natapos. Pagka-tapos namin kumain, hinugasan ko na yung mga plato.
"Oist!" Sabi ko bago pa maka-alis yung tatlo. 'Oist' talaga pinantawag ko eh noh.
Lumingon naman sila sa akin at tinuro ko yung nga upuan dun sa table at ginesture na umupo sila dun.
"B-Bakit po?" Sabi ni Marco. Tinukod ko yung braso ko sa may table at yumuko para maka-lapit ng konti sa mga mukha nila.
Tinignan ko sila ng seryoso.
O_O mukha nila
-__- mukha ko
Bakit ba kasi ganun kalaki yung mga mata nila?
"Bakit ganyan kalaki mga mata niyo?" Sabi ko habang tinitignan sila. Napa-tingin naman sila sa akin.
"Ah-eh k-kasi... y-yung a-ano m-mo.." sabi ni Rex pero di ko siya maintindihan. Bakit ba kasi siya u-utal utal?
"Y-Yung a-ano m-mo...." sabi ni Lance sabay turo sa may bandang..... O_o
"K-Kita..." sabi niya habang naka-turo sa nay bandang dibdib ko. Napa-yuko ako at shemay! Kita nga! Napa-ayos ako bigla ng tayo.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Novela Juvenil[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...