Chapter 10
Maika's POV
"Sh*t! You b*tch!" Sigaw ni Paul habang nami-milipit sa sakit. Pinatay ko yung camera at dinelete yung video.
Alam niyo ba kung bakit nasi-sisigaw yang Paul na yan? Hah! Sinipa ko lang naman siya.... down there.
Kala niya nadala ako nung pill? Oo alam ko may pinainom siya sa akin. Naramdaman ko yun nung nagising ako. Nung hinalikan ko siya, epekto pa nung pill. Pero nung hinubadan niya na ako, dun na lang ako na-tauhan.
Tanga niya lang. Bumili ng pill na pang-madalian ang effect. Psh.
Sinuot ko na yung damit ko at humarap sa kanya. Nami-milipit pa din siya sa sakit. Nag-smirk ako sa kanya.
"Alam mo naman kasi na amazona ako, papatulan mo pa ako? Yan napapala mo. Bagay sa'yo yan. Para ma-baog ka at di na kumalat yung lahi mo. Para umonti ang baliw sa mundo."
Pagka-tapos nun ay lalabas na sana ako pero, bigla niya akong hinila sa buhok ko. What thee?!
Napa-sigaw ako sa sakit. "Bitiwan mo ako!" Sabi ko umikot at sinipa na naman siya sa t'yan kaya nabitawan niya yung buhok ko.
Napa-higa siya sa sahig. Ako nga wag n'yang kakalabanin!
Hinanap ko yung cellphone ni bem. Nakita ko yun na nasa sahig. Ang daming tawag. Missed calls.
Nag-type ako ng number. Number ng police station. After ng tatlong ring, sinagot naman nila.
"Hello! Buti po sinagot niyo!"
["Bakit po, Ma'am? Ano po bang problema?"]
"Kinidnap po ako! Di ko po alam kung anong address nito. Basta alam ko lang po.... bahay po ito ni Paul."
["Paul? Sinong Paul? Madaming Paul sa mundo, Ma'am."]
"Paul Thomas po."
["Okay! Papunta na ang police team d'yan!"]
"S-Salamat po!" Tapos end call.
Lumapit ako kay Paul na naka-higa pa din sa sahig. Tinignan niya ako at tinignan ko siya. Ewan pero, biglang bumalik lahat ng masaya naming memories.
Ewan pero, naiyak ako bigla.
"Alam mo, Paul. Gwapo ka sana. Malambing. Dream guy ko dati." Sabi ko habang naka-tingin sa naiinis niyang mukha.
"Masaya naman tayo dati diba? Pero niloko mo kasi ako. Sinaktan mo ako. Pwede pa sana maging tayo ulit, pero, sa ginawa mo sa akin ngayon, lalo mo akong binigyan ng dahilan para iwasan ka."
Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla niya akong sinampal at tinulak sa sahig. Napa-iyak naman ako sa ginawa niya.
"Akin ka lang Maika! Di mo ako malalayuan! Di mo yun magagawa!" Sabi niya sabay sampal naman. Napa-iyak na talaga ako sa sakit.
Sakto naman na biglang bukas ng pinto. "Taas kamay!" Sabi nung mga police sabay lapit nung babaeng pulis sa akin at inalalayan akong tumayo.
Pinosasan nila si Paul na magagalit tapos tatawa tapos iiyak. Mental disorder.
Pinalabas nila si Paul at nilagyan ako nung isang babaeng pulis ng towel sa balikat at inalalayan lumabas ng bahay.
May mga police cars tapos may mga camera. Nakita ko naman si bem na nag-aantay sa akin.
"Bem!" Sigaw ni bem sabay lapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya at umiyak.
"Huhu bem! Anong ginawa niya sa'yo?! Ehhh!" Sabi niya tapos sinakay na ako sa kotse niya.
Binigyan niya ako ng tubig tapos sinuklay niya yung buhok ko tapos binigyan ng tissue. Aww. Sweet ni bem. Naka-tingin lang ako sa labas.
"Hala! Insan? Okay ka lang?"
"Sino gumawa n'yan sa'yo?! Nako! Lagot sa akin!"
"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Anong ginawa niya sa'yo?"
Nagulat naman ako sa mga nag-salita. Napa-tingin ako sa may left side ko at nakita ko yung tatlong damulag na naka-tingin sa akin.
Nandyan pala sila sa backseat?! Anong ginagawa nila dito?
"Sorry bem. Nag-pumilit kasi sila eh. Dumaan kasi ako sa bahay mo pero sila yung nandun. I thought you we're there. Eh sabi naman nila, pinsan mo sila. Kaya ayun, sinama ko na." Sabi ni Atasha.
Tumango na lang ako sa kanya at tumingin sa tatlo. Wow naman. Na-touch ako sa pag-aalala nila
"Okay lang ako. Wag na kayong OA." Sabi ko sabay inom ng tubig. Huminga naman ng malalim yung tatlo.
"Nag-alala kami sa'yo, Insan. Buti na lang okay ka." Sabi ni Lance. Nginitian ko naman siya. Ano ba yan. Naiilang ako sa tawag nila sa akin na 'Insan'.
"Ikaw, Ma—" pinutol ko yung sasabihin ni bem sa pag-takip ng kamay ko sa bibig niya. Masasabi niya kasi yung pangalan ko. Eh andyan yung tatlo.
Nilapit ko yung mukha ko sa kanya habang naka-takip pa din yung kamay ko sa bibig niya.
"Shh. Wag mong sasabihin yung pangalan ko pag nandyan sila. Maya ko na lang sasabihin kung bakit." Sabi ko. Tumango naman siya at inalis ko na yung kamay ko.
"Ah-eh. Bem! Bakit ba hindi mo sinabi sa akin na may gwapo ka palang mga pinsan! Pakilala me naman!" Sabi niya. Yung normal lang.
Umayos na din ako ng upo. Tumingin kami ni bem sa likod kung saan nandun yung tatlo.
"Atasha, siya si Rex, Marco, at Lance. Guys, siya si Atasha. Bestfriend ko." Sabi ko naman.
"Hi!" Sabay-sabay na sabi nila Marco. Nag-hi din si bem sa kanila. Tapos nag-yaya na ako na umalis na.
Tutal gabi na din naman, sinabihan ko si bem na pumunta na lang kami sa isang resto para dun kumain ng dinner.
"Okay! Order na tayo?" Sabi ko at tumango naman yung tatlo at nag-order na. Parehas lang kami ng order ni Bem.
"Bem. Dinala na daw si Paul sa mental hospital tapos may mga pulis na naka-bantay sa kanya. May mental disorder pala yung lalaking yun." Sabi ni Bem habang naka-tingin sa phone niya.
"Paano mo nalaman? Sinabi ng mga pulis sa'yo?"
"Kalat na kaya agad sa internet." Sabi niya sabay abot sa akin ng phone niya. Naka-bukas yung fb.
May picture nga dun sa bahay ni Paul. Buti walang pic ko. Grabe. Posted 30mins ago palang pero 1,000+ likes and comments na agad.
Bilis naman kumalat ng balita. May mga ibang nagsa-sabi ng kung ano-ano kay Paul at may iba na nanghihinayang.
Pagka-tapos namin kumain, umuwi na kami sa bahay. Nung malapit na kami sa bahay ko, may nakita naman akong isang familiar na kotse sa labas ng bahay.
Inihinto ni bem yung kotse. Mukhang nakita niya din yung nakita ko.
"Bem... diba, kotse yun nila...?" Sabi niya habang tinuturo yubg kotse. Tumango ako.
"Oo. Kotse ni Dad yan." Sabi ko naman.
Ano naman kayang ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...