Chapter 34
(A/N): First time na may magp-pov na isa sa mga damulags. So, okay sana support niyo. Haha. Wag kayong masyadong maguluhan ah? :)
Marco's POV
Naiinis ako. Nagse-selos ako. Akala ko okay na kami ni Lance pero, hindi pa din pala. Galit pa din ako sa g*gong yan.
Ngayon pa na nakikita ko sila na ganyan ang itsura. Pauwi na kasi kami galing Laguna. Isang gabi lang kami dun dahil na din nga na-sprain si Maika.
Ngayon, nasa harapan ko si Maika at Lance. Naka-higa yung ulo ni Maika sa lap ni Lance at naka-patong yung paa niya kay Atasha. Tapos kami naman ni Rex nandito sa likod.
"Easy-han mo lang. Wag mong patayin." Bulong ni Rex sa tabi ko. Di ko na lang siya pinansin at tumingin sa bintana.
Sabi niya susubukan niyang tigilan. Pero anong ginawa niya? Mukhang nag-tapat na siya ng feelings niya eh. Bwiset. Ang laki niyang sinungaling.
Gusto ko na siyang isumbong kay Master pero kinuha ni Rex yung phone ko. Sabi niya hindi daw yun pwedeng malaman ni Master dahil paniguradong papatayin si Lance.
Ayoko din naman nun. Syempre, kaibigan ko pa din siya kahit papaano pero, nagagalit talaga ako sa kanya. Sabi niya nung isang gabi sa amin na balak na niyang umayaw.
Pero, hindi pwede yun. Hindi siya pwedeng umayaw. Kaya sinabi namin na pag-isipan niya munang maigi. Dapat hindi siya padalos-dalos. Gamitan niya din minsan ng utak.
Sana lang talaga pinigilan na lang ni Lance yung pagma-mahal niya kay Maika. Kasi panigurado, pag nalaman ni Maika ang totoo, madaming pwedeng mangyayari.
Madaming pwedeng mag-bago.
*
Maika's POV
"Mimi..." sabi ng isang boses habang tinatapik yung mukha ko. Unti-unti kong minulat yung mata ko at nakita ko at naka-ngiting mukha ni Lance.
"Goodmorning," bati niya. "Goodmorning." Bati ko din. Ang gwapong pambungad naman nito.
Hala siya Maika?! Inlove ka na ba kay Lance?!
Maybe yes. Maybe no. But, we really don't know. Haha!
Umupo na ako ng dahan-dahan. Inalalayan naman ako ni Lance. Bumaba siya at umikot para mapunta sa side ko.
Binuhat na naman niya ako ng pa-bridal style. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya.
Pinasok niya ako sa kwarto at nilapag sa kama. Nilagyan niya ng patungan yung paa ko. Yun daw sabi nung doctor dun sa camp site.
"Pahinga ka na ah." Sabi niya sabay halik sa ibabaw ng ulo ko. Ang caring niya ah ag para ko siyang boyfriend sa ginagawa niya.
And there it echos on my mind. Boyfriend... boyfriend... ang sarap pala pakinggan. Napa-ngiti ako ng wala sa oras.
*
2 weeks ago...
"Bem! Buti talaga maayos na yung paa mo! Sorry talaga dinala pa kita dun." Sabi ni Atasha. Nandito na kami ngayon sa may office niya.
"Bem, okay lang yun. Kasalanan ko din. Di ako nagi-ingat." Sabi ko sabay smile. It's been two weeks at maayos na din yung paa ko. Mabuti nga at magaling na siya. Maka-kapag work na ulit ako.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...