- Kissed under the Moonlight -

78 0 0
                                    

Chapter 24



"Oh, Mimi. Dahan-dahan lang." Sabi ni Lance. Hawak-hawak kasi ako ni Lance at Marco sa mag-kabilang braso. Inaalalayan, ganon.



"Ano ba kayo? Okay na nga ako diba? Isa pa, di naman ako disable." Sabi ko tapos inalis ko yung braso ko sa kanila. Pumaosk na ako sa loob.



I know, nagc-care lang sila sa akin pero, ang OA naman kasi eh. Natamaan lang ako ng bola sa noo pero di naman ako maputulan o nabalian. Psh.


Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Hay, kahit dalawang gabi lang ako sa ospital, ayoko na agad sa amoy dun. Amoy alcohol na ewan. Tapos puro puti pa.



Umakyat ako papunta sa kwarto. Di pa talaga ako inaantok. Like hello, two straight days puro ako higa at tulog.




Kinuha ko sa kama ko yung malaking stuff toy ni Mickey Mouse. Niyakap ko yun. Kaya ako umakyat sa kwarto ko, na-miss ko kasi si Mickey eh.



"I miss you, Mickey!" Sabi ko habang yakap si Mickey. Tinignan ko yung kwarto ko. How I missed my room. Kahit na two days lang ako nawala. Miss ko na yung....




Mickey Mouse here... Mickey Mouse there.... Mickey Mouse everywhere! Haha!



Humiga ako sa kama ko. Pero, di talaga ako inaantok. Yakap ko lang si Mickey. Naka-tulala ako sa kisame.




Kinuha ko yung phone ko pati yung earphones ko. Nilagay ko yung earphones sa tenga ko at sinaksak sa phone. Nag-search ako ng kanta. Hmm, ano ba pwede?




Nag-scan pa ako. Nung di ko talaga alam, pinindot ko na lang yung shuffle. Tapos nilapag ko na yung phone ko sa kama at niyakap ulit si Mickey.



~You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.

So stop time right here in the moonlight,
Cause I don't ever wanna close my eyes.~



Napa-papikit na lang ako sa ganda nung kanta. Pero, parang ang familiar niya?



~Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.~




Oo tama! Na-aalala ko na! Ito nga yung kanta na kinanta ni Lance nung nagka-sakit ako. Yung unang kanta na narinig kong kinanta niya.




Bigla na kang siyang pumasok sa isip ko. Ang astig ah. Iniisip ko siya habang may romantic background music pa.



Ewan ko ba. Pero, sa pinapakita ni Lance na care sa akin, di ko maiwasang di matuwa. Gusto ko yung pinapakita niya. Tapos yung ngiti niya na nakakahawa. Yung mukha niya na lagi mong makikita sa isip mo.




Yung.... lips niya na malambot. Inaamin ko naman. Malambot yung lips niya. At, ang sarap ng feeling ko nung hinalikan niya ako.




I unconsiously touched my lips and unconsiously smiled. Ewan ko ba pero pag na-aalala ko siya, di ko maiwasang di mapa-ngiti.




Am I falling inlove with that guy? Oo. Hindi. Ewan. Di ko alam. Basta, ang gusto ko lang, makita siya, makita yung ngiti niya, makitang masaya siya.



At, mabilis lagi ang tibok ng puso ko pag nandyan siya. Is that a sign? Argh. I don't know.




Baka nga nafa-fall na ako kaagad kay Lance? Ganon din kasi yung naramdaman ko sa mga naging boyfriends ko dati.




But, I have this feeling na, parang ayoko. Natatakot ako. Na baka mamaya, saktan niya lang din ako. Nakakasawa din kaya na masaktan.




Para akong dinudurog. Tapos inaapakan. Edi, wasak na wasak na. Natatakot na din kasi akong mag-mahal. After, three heart breaks? Ewan pero, tingin ko nakaka-trauma na.




Tinabi ko muna si Mickey tapos nag-linis ng katawan. Di pa talaga ako inaantok. Pagka-tapos kong mag-linis, nag-palit na ako.





I decided na bumaba na lang muna at magtimpla ng gatas. Kinuha ko yung phone ko. Nilagay ko sa bulsa ng pajama ko at nilagay sa tenga ko yung earphones.






Lumabas ako. Napa-tingin ako sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Tulog na kaya siya? Siguro. Pass 9:30 na din kami nakauwi.




Nag-timpla na ako ng gatas. Naisipan ko na lumabas na lang muna sa garden. Lumabas ako at pumunta sa may swing. Meron kasi akong ganon dito.




Pero, napa-tigil ako. May naka-upo kasi sa may swing. At, as I've said earlier, ang lakas ng tibok ng puso ko pag nakikita ko siya.




Si Lance.... naka-upo sa isa sa may swing. Naka-talikod siya sa direksyon ko at naka-tingin sa langit.




Dahan-dahan akong lumapit. Umupo ako dun sa kabilang swing. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napa-tingin si Lance sa akin.



Naka-yuko lang ako. Inalis ko yung earphones sa tenga ko. Ang tahimik ng paligid. Napa-tingin ako sa stars.




"Ang ganda pala ng langit ngayon. Ang daming stars." Sabi ko habang naka-tingin sa langit. "Di ka din maka-tulog?" Sabi ko sabay tingin kay Lance.




Tumango naman siya sabay ngiti. Ay ano ba yan! Bakit biglang lumundag yung puso ko nung nakita ko siyang ngumiti?!



Ngumiti din ako at uminom ng gatas na hawak ko tapos yumuko. Ewan ko ba, pero feeling ko namula yung pisngi ko ng dahil lang sa ngiti niya.



"Ah, ang ganda ng stars noh, Mimi?" Sabi niya bigla. Napa-tingin naman ako sa kanya. Naka-tingin lang din siya sa langit. Ang gwapo niya pala sa side view. Bakit ba ako nagwa-gwapuhan sa kanya?!




"Hm? Oo nga." Sabi ko tapos inom na naman ng gatas. Yumuko na lang ulit ako. Naramdaman ko naman na tumayo siya. Napa-tingin ako sa kanya.




"Saan ka pupunta?" Sabi ko tapos lumapit siya sa akin. Naka-tayo pa din siya sa harapan ko tapos ako naka-tingala na naka-tingin sa kanya. Naka-upo pa din kasi ako sa swing.




Bigla naman siyang umupo sa harapan ko. Bale, yung isa niyang paa naka-tukod sa lupa tapos yung isa niyang paa naka-taas. Parang naka-half luhod. Kaya, mag-katapat na kaming dalawa.




Yung tingin niya nakaka-tunaw, sheet. Naka-tingin lang siya straight to my eyes at naka-ngiti.





Bigla niya namang tinaas yung kamay niya. Akala ko kung ano ang gagawin niya, pinunasan niya lang pala yung sa ibabaw ng labi ko.




"May gatas kasi..." sabi niya pagkatapos ma-punasan yung sa may labi ko. Napa-yuko naman ako. Ay ano ba yan! Nakaka-hiya!



"Ah-eh, s-salamat." Sabi ko. Naka-yuko pa din ako. Tapos bigla niyang hinwakan yung chin ko at tinaas yung mukha ko.



Naka-tingin lang siya sa akin ng seryoso. Hinawakan niya yung pisngi ko. At napansin ko na unti-unti niya nilalapit yung mukha niya.




At....



O_O



SH*T. Nangyari na naman. For the second time around. Parang di ako maka-hinga. This time, mas gentle at mas matagal.



He kissed me again. For the second time. Under the moonlight. Under the stars. At feeling ko sasabog na yung puso ko.








Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon