Chapter 15
"Lance!!!" Sigaw ko tapos lumapit kay Lance na naka-higa sa kama niya pero gising naman.
Niyakap ko siya. Halata namang nagulat siya. Nag-alala kasi talaga ako eh. Yung nurse na yun kasi. Nakaka-inis.
"Ano ka ba naman! Tignan mo kasi yung pagkain bago mo kainin! Ayan tuloy, naka-kain mo yung pagkain na allergic ka! Paano na lang kung may mas malala pang nangyari sa'yo?! Alam mo ba kung gaano ako nag-ala—"
O_O
Na-putol yung sasabihin ko nung biglang nilagay ni Lance yung index finger niya sa tapat ng labi ko.
"Okay na ako. Wag ka ng maingay." Sabi niya habang naka-pout pa. Inalis ko naman yung daliri niya sa labi ko. Para kasi akong may kuryenteng naramdaman.
"Oo na! Sa susunod, magi-ingat ka na. Baka kung ano na mangyari sa sususnod." Sabi ko naman.
"Bem, tara. Bili tayo ng pagkain." Sabi ni Atasha. Sumama naman ako sa kanya.
"Uy bem. Bakit nga ulit ayaw mong banggitin yung pangalan mo pag nandyan sila?" Sabi niya habang nagla-lakad kami. Ay! Oo nga di niya pa nga pala alam.
"Ganito kasi yun bem." Sabi ko. "Di ko talaga sila pinsan. They are crazy people na nagsasabi na anak ko daw sila. We lived in the same roof. Pinayagan ko na din sila kasi na-aawa ako. Mababait naman sila, pero yun lang, stranger pa din sila para sa akin. Names lang nila at kung paano sila napunta sa bahay ko yung alam ko. Pero, magaan naman yung loob ko sa kanila. At, gusto ko, sila mismo maka-alam ng name ko. Ewan, basta gusto ko lang na they discover it themselves."
"Ohmygee? Seryoso bem? Bakit naman nila sinasabi na anak mo sila?"
"Ewan ko ba. Para silang may mental disorder. Sasabihin na anak ko sila, eh mag kasing edad lang kaming apat. Ano yun, pag-labas nila, ka-age ko na sila?"
Bumili na kami ng pagkain at naisipan na umupo muna saglit.
"And then?"
"Yun nga. Tapos paano ako magka-ka anak eh, wala na nga akong boyfriend. Tapos virgin pa kaya ako." Sabi ko naman.
"Eh bakit parang, mga isip bata ata sila? Ano yun? May sakit sila sa utak?"
"Ewan. Mga damulag nga sila. 22 years old na may utak na pang-10 years old."
"Ganon? Eh di ang kukulit nila?"
"Oo naman noh. Ang hirap tumira kasama ang mga may utak na 8 years old."
"Wow. Kanina lang 10 years old, ngayon 8 na lang?"
"Na-realize ko kasi, mas mature pa mag-isip ang isang 10 year old kaysa sa kanila."
Pagka-tapos nun, tumayo na kami at pumunta sa kwarto ni Lance.
Pagka-pasok namin, napa-tingin ako sa kanila. Bakit ganyan mga mukha nila? Parang kakagaling lang nila sa isang seryosong usapan.
Tapos sila? Magka-karoon ng seryosong usapan? Weh. Parang di kapani-paniwala.
"Bakit ganyan mga mukha niyo? Okay lang kayo?" Sabi ko sabay lagay nung pagkain sa may table sa tabi ng kama ni Lance.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...