Chapter 21
Kinabukasan...
*cough* *cough*
Argh! Bakit ba ako inuubo? Ang sakit din ng ulo ko. Minulat ko yung mata ko. Argh. Parang di ko ata kaya pumasok ngayon.
Napa-tingin ako sa tabi ko. Wala na si Lance. Tinext ko naman si bem na di na muna ako papasok. Ang sama ng pakiramdam ko eh. Super talaga.
Pinilit kong umupo. Sumandal ako sa headboard. Tapos, napahawak sa noo ko. Argh.. ang sakit ng ulo ko.
*cough* *cough*
*achoo!* *achoo!*
Sige na! Lahat na ng klase ng sakit nasa akin na. Kainis mukhang may lagnat pa ata ako. Ano bang nangyari? Bakit parang magka-kasakit ata ako?
Ahh alam ko na. Natuyuan siguro ako. Nabasa ata yung damit ko nung binuhusan ako ni Lance ng tubig para magising ako.
*tok* *tok*
Napa-tingin ako dun sa pinto. May kumakatok. Halata naman eh. Di ko talaga kaya tumayo.
"Yes? Pasok..." sabi ko. For sure naman sila Lance lang din yan eh. Maya-maya pa, bumukas na yung pinto.
"Goodmorning, Mimi." Sabi ni Lance na naka-ngiti pa sa akin. May dala siyang tray na may pagkain. Nilagay niya yun sa may gilid ko dito sa kama.
"Kanina kasi pag-gising ko, inuubo ka. Tapos chineck ko, may lagnat ka kaya, nag-hanap ako ng kahit instant noodles man lang. Sorry din Mimi ah. Lumabas kasi ako kanina para bumili ng gamot mo. Tapos, sorry din kasi, di ka nakapag-bihis kagabi kaya nagka-sakit ka."
"Okay lang yun. Salamat.." sabi ko. Kukuha na sana ako ng pagkain pero kinuha na niya yung spoon.
"Susubuan na kita, Mimi. Alam ko naman na masakit din ang ulo mo." sabi niya. Naga-alagan pa ako. Ang awkward kasi nun eh.
Susubuan niya ako? Edi nag mukha kaming couple! "Say ahh." Sabi niya habang naka-tapat pa yung spoon sa bibig ko. Srsly? Mukha tuloy akong bata.
No choice kundi kainin ko na lang. Kinain ko na lang yung nasa spoon. Pagka-subo ko nung spoon, bigla niyang ginulo ngvkonti yubg buhok ko.
"Good girl." Tamo 'to. Una ginawa aking bata, tapos ginawa akong aso. Pero, nagulat ako sa ginawa niya. Ang init nung palad niya.
"Ito, Mimi oh. Inumin mo." Sabi niya at inabot sa akin yung mga tablets. Ininom ko naman yun isa-isa. Ngayon ko lang nakita si Lance na ganito.
Medyo pambata pa din ang boses pero, caring. Inaalagaan niya ako. Gusto ko sa mga lalaki yung caring. Pero, nadala na ako sa tatlong heartaches. Parang... ayoko na mag-mahal ulit.
"Ah-eh, Mimi... kailangan mo mag-bihis, lalabas na lang muna ako." Sabi niya sabay dala nung pagkain at labas. Tumayo ako at pumunta sa may walk-in closet ko.
Kumuha ako ng sando at pajama. Okay na din 'to. Pumunta ako sa banyo at nag-punas lang muna. Tapos, nag-palit.
"Mimi? Tapos na?" Rinig kong sabi ni Lance. Pinuntahan ko yung pinto at saka binuksan.
"Okay na." Sabi ko ng naka-ngiti. Tumalikod ako at naramdaman ko na naman yung panghi-hilo. Muntik na ako matumba pero buti at nasalo ako ni Lance.
BINABASA MO ANG
Living with The Damulags: Book One ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Huli na ba talaga? Hindi na ba talaga ako?" - Maika Herrera Ano ang gagawin mo kung isang araw, may kumatok sa pintuan mo at may bumungad sayo na TATLONG NAGWA-GWAPUHANG MGA LALAKI. Pero, ISIP-BATA?! Tapos sinasabi pa nila na ANAK MO S...