Julian
Papunta na ako ngayon sa room, actually late na ako . Hinarang kasi ako ng mga intern sa entrance dahil na rin sa kulay abo kong buhok plus yung hikaw ko pa sa kaliwang tainga. Tinanggal ko naman ang hikaw at ibinigay sakanila ,marami naman akong ganun sa bahay . Ang hindi lang nila maipapatanggal sa akin ay ang gray kong buhok. Sorry nalang sila . Naiirita ako sa mga tingin ng mga babae sa paligid ko , hindi ko alam kung nagpapahalata ba sila o trip lang nila . Hindi ako famous , pero dahil na rin sa mga babaeng nagpapakita ng interes saakin ay nakikikilala ako sa campus na ito. Education ang course ko , major in Filipino . Mas trip ko lang magturo ng Filipino , para maiba na rin.
" late ka na naman , buti nalang wala si Ma'am " sabi ni Kin pag-upo ko sa upuan ko , napangiwi naman siya ng makita ang buhok ko . " ano na namang trip yan? " turo niya sa buhok ko kaya naman nagkibit balikat ako. " buti hindi ka nasita? " tanong niya pa kaya naman humarap na ako sakaniya . " nasita ako ,kaya nga na late ako eh, 1 week palang naman simula nung pasukan kaya siguro hindi ako dinala sa guidance " sabi ko naman sakaniya . " oo nga 1 week palang ang pasukan pero , ilang hikaw na ba ang nabigay mo sa intern ? " tanong niya saakin ng makita niya na nagsusuot na naman ako ng panibagong hikaw . See? madami akong baon na ganun . " 10 pairs ? hahahaha. kada lalabas ako , nahuhuli ako , then ibibigay ko sakanila para makatakas ako , and nahuhuli ulit ako . kaya ayun " natatawa ko pang sabi kaya naman umismid siya. " At anong kulay naman ng buhok ang ipapakita mo saakin sa susunod ? " natatawang tanong niya ulit. " I like gray hair . Bakit hindi ba bagay? " tumingin siya saakin . " hindi bagay ! Naangatan mo na naman ang kagwapuhan ko ! pete naman " natawa naman ako sakaniya . " sa susunod mag kukulay ako ng buhok at aangat na naman ang kagwapuhan ko . " paninigurado niya saakin kaya naman napailing nalang ako .
Natahimik na kami ng dumating na ang prof sa susunod na subject . Tahimik nalang akong nakinig .
--
Mag-isa akong kumakain ngayon sa canteen, may gagawin pa raw na report si Kin kaya mauna na raw ako . Tahimik lang akong kumakain ng may humila ng upuan sa tapat ko . Tiningnan ko siya ng makaupo na siya .
" Hi " malanding sabi niya kaya naman tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. " You are Julian , right? " tanong niya saakin kaya naman tumango ako ng hindi tumitingin sakaniya . " I see " sabi pa niya . " Ahmm .. by the way , I'm Meg " nilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya naman tiningnan ko ito bago ko inabot at nakipag-shake hands. Tumaas ang balahibo ko ng tanggalin niya ang kamay niya sa malanding paraan . Napailing na lang ako . " Bakit mag-isa ka lang kumakain dito? Nasaan si ... Kin ba yun ? " tumango ako bilang sagot sakaniya . " may pinuntahan lang siya , pero maya maya nandito na rin yon . " sagot ko pa sakaniya ,nakita ko naman na nagpatango tango siya . " so why are you here ? " napangiwi ako dahil sa tanong niya . Nakakatanga naman . " kumakain ako . " para naman siyang natauhan kaya namula ang pisngi niya sa kahihiyan . Great ! " aahmm. by the way mauna na ako saiyo ah , hinihintay ko yung mga kaibigan ko eh see you around ! " tumango naman ako at tumakbo na siya sa kung saan man siya pupunta . Napailing na lang ako. Teka? See you around ? Ibig sabihin ? Makikita ko pa siya ?! Tssss. Tinapos ko na ang pagkain ko at mabilis na umakyat ng room . Naupo ako sa upuan ko , wala pa si Kin kaya naman kinuha ko ang earphone ko at nagsound trip. Mas nakakarelax kasi kapag ganito.
Maya maya lang ay dumating na si Kin na malaki ang ngiti , tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo . " Why? " ngiting tanong niya pa . " bakit ganyan ang ngiti mo ? Akala ko ba report ang ginawa mo? Wag mong sabihing .... ? " tumigil ako sa pagsasalita ko ng nanlaki ang mata niya . " Loko! report talaga ang ginawa ko ! Igaya mo pa ako sa'yo ! " natatawang inilingan ko naman siya . " why so defensive bro? " sabi ko pa sakaniya . Pero ayan na naman ang ngiti niya na hindi ko maipaliwanag. Nababakla na ba siya? Peteeee ! " bakit ka ba ngiti nang ngiti dyan ? Nakakairita ! " singhal ko sakaniya . " bakit ka ba nangangailam ? tss " sagot naman niya saakin. Tinanggal ko ang earphone ko at tumingin sakaniya kaya naman napaatras siya at nagpeace sign sakin . " sige na nga hays. Excited na kasi ako ! Hahahahahaha " tawa niya na parang kilig na kilig. " magtatransfer na kasi dito si Zen ! Yung crush ko nung grade 3 tayo , naaalala mo pa ba yun ? " nangunot ang noo ko , inaaalala ko ang elementary days namin. " Aaah , yung mataba ? " ngumuso naman siya . tss . lalaki ba talaga siya? " hindi na siya mataba ngayon ! Ang ganda na nga niya eh ! Kaso may scar yung mukha niya sa kaliwang side , balita ko nga nakuha niya yun dahil sa pagmamaneho eh , pero may nakapagsabi saakin na , dahil sa pananakit yun ng tatay niya " pati ba naman yun alam niya ? " ang chismoso mo , kalalaki mong tao " at binalik ko na ang earphone ko ,hindi na rin naman ako kinulit ni Kin kaya naman narelax ang utak at kaluluwa ko . Maya maya lang ay dumating na ang prof at may kasama siyang babae , nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang babaeng nasa harap . " parang gulat na gulat ka naman dyan , bro , sobrang ganda no ? Hahaha " bulong sakin ni Kin ,pero bago pa ako makasagot sakaniya ay nagsalita na ang prof.
" Good morning " bati niya sa amin kaya naman binati rin namin siya . " I would like to introduce Ms. Meg Real , you're new block mate -- Introduce yourself miss. " tiningnan naman siya ni Meg at nginitian , napalunok naman ako ng dumako ang paningin niya saakin , at ngumiti siya . " mukhang type ka niya , bro ! lakas mo ! " nanunuksong sabi sakin ni Kin . Bago pa ako makapag-react ay nagsalita na si Meg . " I'm Meg , 20 years old , I'm not interested in anyone , but in you " tinuro niya ako kaya naman malakas na tawanan , at tuksuhan ang naririnig ko . " Pumunta ka na sa gusto mong upuan . " utos sakaniya ng Prof . " oyy ! Bakit ka umalis ? " mahinang tanong ko kay Kin pero ngumiti lang siya , nagulat nalang ako na umupo si Meg sa pwesto ni Kin kanina . Great ! Binebenta na ako ng kaibigan ko . " Enjoy " sinabi niya iyon ng walang boses kaya naman inambahan ko siya ng suntok , nginitian naman ako ni Meg kaya nababa ko ang kamao ko . Tsss. Unbelievable.
Natahimik na kaming lahat ng magsimula na ang prof namin sa pag lelecture . Todo take down notes naman ako para lang hindi mapansin ang ngiti ng katabi ko . Hindi siya nakikinig ! Pero hindi man lang siya napapansin ng prof namin. Ano bang problema ng babaeng ito? Hays ! .
" class dismiss " dali dali akong tumayo at inayos ang mga gamit ko . Nakita ko naman na papalabas na si Kin kaya naman hinatak ko ang damit niya dahilan para manlaki ang mata niya . " b-bro ! Kalma ka lang " sabi niya saakin at ... " aray !!!! " reklamo niya habang sapo ang ulo na tinuktukan ko .Sinamaan ko naman siya ng tingin . " ang sweet niyo naman " napalingon naman kaming dalawa ni Kin sa nagsalita . At ang loko naman ay todo ngiti kay Meg. " aahmm . wala kasi akong kasabay sa pagkain , you mind if I join you? " malambing na tanong niya saamin , bago pa ako makatanggi ay agad namang tumango si Kin na parang nahipnotismo sa mukha nito . Tsss. Pahamak ka Kin !
Kaya naman pumunta na kami sa canteen at duon na kumain.
Kin the Great ! Yeaaaah .
****
comment , vote and follow :)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...