ZenPagkapasok na pagkapasok ko ng bahay umakyat na ako sa kwarto ni Denden . Sinilip ko lang siya at mukhang himbing naman siyang natutulog. Lumakad rin ako papunta sa guest room at mukhang nakatulog na rin sila dahil tahimik na . Pumasok na ako sa kwarto at ni lock iyon . Inihiga ko ang katawan ko at nagpahinga . Pagkahatid sakin ni Julian dito ay nagpaalam na rin siya na hindi na magtatagal. Napatitig ako sa kisame . Tinaas ko ang mga nasaktang kamao at kinuyom iyon . Muli ko itong binaba at madiing napapikit. " sa 10 years na pananahimik namin ng kapatid ko , tsaka ka babalik ! " ramdam na ramdam ko ang kalamnan ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. Naikuyom ko ang mga kamao ko at naramdaman ko ang kirot nito . " subukan mong saktan ang kapatid ko , magkakamatayan tayo . " napahinga ako ng malalim . Nahilamos ko ang mukha ko dahil sa mga luhang pumapatak . Ang tagal na nun ! Pero parang kanina lang nangyari dahil sa sobrang linaw sa utak ko ! Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha mo ! Napatingin ako sa lamesa ng nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag bago sagutin . [Ang tagal mong sagutin , may problema ba ? ] tanong niya sakin . " para namang bago ng bago " naiiritang sagot ko sakaniya. [ don't be pissed , Zen . ]
"bakit ka napatawag ? " tanong ko sakaniya. Pinikit ko ang mata ko. [ I saw you ... with Julian ] napadilat ang mata ko. [ and ... Hindi ko gusto na nakita ko yun ]
" What's wrong with you ?! Hayaan mo na ako ! Alam mo kung bakit kasama ko si Julian ! " nanggagalaiting sigaw ko sakaniya. [ easy .. gusto ko lang naman kamustahin ang pinapagawa ko sa'yo .] sabi pa niya kaya naihilamos ko ang kamay ko. " I'm doing it. " natawa naman siya . [ good ... alam mo ang mangyayari kapag bumaliktad ka. ] hindi na ako nakasagot dahil binaba na niya ang phone. Bumuntong hininga ako. Sawang sawa na ata ako sa mga panggagamit nila. Mabait si Julian sakin. Alam ko na wala siyang kamalay malay sa anumang kapahamakan ang haharapin niya. Sobrang sama kong tao. Naipikit ko ang mata .
-
Nagising ako dahil sa lamig ng tubig na bumuhos sakin . Iminulat ko ang mata ko at ginalaw ang mga katawan ko na sobrang sakit dahil sa mga pasa at galos . Tumunog din ang mga kadena na nakagapos sakin , bumangon ako at hinila ang kadena. " kumain ka na " sabi niya sakin kaya napaangat ang tingin ko sakaniya , nakatitig siya sakin ng masama , napaatras ako ng naramdaman ko na lumapit siya . " Hayop ka ! " sigaw ko sa mukha niya . " Aaaaaaahhhhhh !!!!! " sigaw ko ng sipain niya ang sikmura ko ! Naiiyak ko siyang tiningnan habang sapo ko ang tyan ko na nasaktan . " Anong tinawag mo sakin ha ?! " hinawakan niya ang panga ko at diniinan iyon , napasigaw ako pero walang lumalabas na boses . " pasalamat ka nga at pinapakain pa kita eh ! Eh kung hayaan na lang kaya kitang mamatay dahil sa gutom . Sigurado mamamatay din ang kapatid mo ! " nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya ,nagpumiglas ako ng nagpumiglas dahil sa kamay niyang nakahawak sa panga ako pinipilit na pinapakain sakin ang pagkain na binigay niya . Iyak lang ako ng iyak dahil sa ginagawa niya. At pagkatapos ay lumabas na siya.
- biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Denden . " ate , anong ginawa niya sayo ? Ate masakit ba ? " hinawakan niya ang pingi ko , umiling ako . " hindi ka ba niya sinasaktan ? " nag-aalalang tanong ko sakaniya . Bigla siyang napatungo . " Bakit Den ? Sinaktan ka ba niya ?! " nanlulumong tanong ko sakaniya. " A-ate " at napaupo siya dahil sa sobrang panlulumo kaya naman napaiyak na lang ako . Bakit kailangang maranasan to ng katulad niyang bata ? " Ate , ... p-patay na po si papa " nalaglag ang balikat ko at muling tumingin sakaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko . Ang nag-iisang naging ama sakin, wala na . Patay na siya. " Ate ... nakita ko kung paano siya pinatay ! Kitang kita ko " niyakap niya ako . Hindi ko kayang haplusin ang likod niya dahil sa mga kadenang nakagapos sakin . " ate , magsusumbong ako sa pulis --- "
Blaaaaaaaaag !
" aaaaaaaaahhhhhh !!!!!!! " sigaw ni Denden ng hatakin siya ng hayop na lalaki " bitawan mo ako ! Ate !!!! "
" Bitawan mo siya ! Demonyo ka !!!!! " sigaw ko sakaniya kaya naman hinagis niya sakin si Denden ! Nanlaki ang mga mata ko ng masalo ko siya . " Denden ! Ayos ka lang ba ?! " natatarantang tanong ko sakaniya . " a-ate ayos lang------ aaaaaaahhhh !!!! " sigaw niya ng hablutin ang buhok niya .
" please ! please ! huwag si Denden ! Huwag ang kapatid ko ! " pagmamakaawa ko pero ngumisi lang siya .
" hindi ko kayo papatayin , nagkataon lang talaga na madaldal ang kapatid mo kaya patatahimikin ko . "
" aaaaahh !! " sigaw ni Denden ng pilit na pinapabuka ang bibig niya .
" Huwag ! please ! maawa ka sa kapatid ko ! Hindi siya magsusumbong ! Hindi mo naman siya papayagan diba ?! " naiiyak na sabi ko sakaniya .Nanlaki ang mata ko pati si Denden ng makita ang isang mahabang kutsilyo . " please ! please !! " nakaluhod na ako . Pero hindi siya naawa , kitang kita ko kung paano niya hiniwa ang dila ni Denden !!! " aaaaaaaaaaaaaahhhhhh !!!!
--
Napabalikwas ako ng bangon . Napatingin ako sa orasan . 3 am . Napahinga ako ng maluwang. Nasapo ko ang noo ko at pinunasan ang pawis na nagkalat. Naiyak na lang ako dahil sa sobrang sama ng loob , hindi ko natulungan ang kapatid ko . Wala akong kwenta ! Wala ! Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak . " Hayop ka " usal ko . " Demonyo ! " madiing sabi ko. Bakit nagagawa mong tingnan ako na parang hindi mo ako kilala ?! Lumakad ako papunta sa salamin . Hinawakan ko ang peklat sa mukha ko . " sisiguraduhin ko na , mararamdaman mo rin ito. Mas grabe pa. " napangisi ako. Hahayaan ko na magpakasaya ka ngayon , pero ... unti unti mong mararamdaman na mamamatay kana . Napahilamos ako sa mukha . Tama na ang iyak , Zen . Tama na .
*****
comment , vote and follow :)
![](https://img.wattpad.com/cover/72922605-288-k55463.jpg)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...